Chapter Fifty

14.9K 650 240
                                    

Note:

I have another story, Chasing Kyungsoo. It's in my profile or you could click the external link. Complete na po sya. Vote and comment chingus. Kamsahamnida~

-Jihwanxxi

--

SEHUN


Kinuwento kina hyung ang mga nangyari. Sinabi ko na rin sa kanila kung ano talagang nangyayari samin at hindi man nila sakin sabihin, alam kong galit sila. Ang tanga-tanga ko naman kasi. Sana ay hindi ko na lang yun sinabi.


Pero ang nakaraan ay nakaraan. Gustuhin ko man, alam kong hindi ko na yun mababawi. Kung sana totoo lang ang mga powers ni Tao, gagamitin ko yun para ibalik ang oras. Kasi inaamin ko nasasaktan ako at ang laki ng pagsisisi ko ngayon.


I'm such a jerk for hurting her. Hindi ko deserve ang pagmamahal na ibinibigay niya.


Inaamin kong kasalanan ko ang lahat. At pinagsisihan ko yun kasi hindi matutumbasan ng saglit na saya yung sakit na nakita ko sa mga mata niya.


Nung huli kaming nag-usap lahat ng sinabi niya sakin parang kutsilyo na humiwa sa puso ko. Oo, ako palagi ang nangbabalewala at masakit pala ang mabalewala. Isang linggo ko na rin siyang hinahanap pero hindi ko siya makita at unti-unti na akong kinakabahan.


Pupuntahan ko sana siya sa University niya pero bigla kong naalala na hindi ko nga pala alam kung saan siya nag-aaral. Ang laki kong tanga! Anong klase akong asawa? Ni hindi ko alam kung san pumapasok ang asawa ko. Sinubukan kong tanungin si Manager Hyung pero galit din siya sakin kaya ayaw nyang sabihin.


Hindi ko rin naman mapakialaman ang gamit niya kasi nakalock ang kwarto niya. Nafufrustrate na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko!


Alam kong alam ni Kris hyung kung nasan siya pero nahihiya akong magtanong sakanya. Malamig din ang pakikitungo sakin ngayon nina hyung. Tanging si Jongdae hyung at Lay hyung lang ang kumakausap sakin. Di ko naman sila masisi. Alam kong naging malapit din sila sa asawa ko.


Gusto ko na siyang makita. Aaminin kong namimiss ko na siya. Wala nang nag-aalaga sakin, wala nang nagdadala sakin ng pagkain at sinisiguradong kumain na ako sa tamang oras.


Aegi nasan ka na ba?



Ang dami kong gustong sabihin pero isa lang naman talaga ang gusto kong iparating. Hindi ko man mababawi ang mga sinabi ko, gagawin ko naman ang lahat ng makakaya ko para lang bumalik sa akin ang asawa ko.


Hindi niya ako pwedeng iwan. Nangako siya sakin. Wag naman niyang sirain yung pangako niya.


Oo, tinanggap ko ang binalik niyang singsing pero hindi ibig sabihin nun pumapayag na akong iwan nya ako. At hindi rin ibig sabihin nun ay makikipaghiwalay na ako sa kanya. Asa siya.


Alam kong sobra ko siyang nasaktan at parang ang hirap na mapatawad pa niya ako pero hindi ako titigil. Gagawin ko ang lahat bumalik lang siya sa akin.

OH SEHUN'S WIFEWhere stories live. Discover now