"Saang kwarto gusto mo"


Ngumisi lang ako sa kanila at mas nagulat pa ang tatlo nang ilagay ko ang dalawang binte ko sa lamesa kaya mas napasinghap pa sila.



"Walang kwarto-kwarto, dito nalang."nakangisi na ani ko sa kanila.


"H-hey! Bakit ang bilis naman!"


"T-teka! Sa kwarto nalang!"


Napasinghap ako at napapikit.



"Sige sa kwarto nalang."usal ko at tumayo.



Ako ang nauna sa kanila papunta sa isang silid at nang mabuksan ko yon ay agad naman silang pumasok. Hindi na ako nagulat nang itulak ako ng isa sa kanila sa kama at napahiga ako.


"Hubad na!"utos niya sakin.


Umalis ako sa kama at umupo sa may couch at doon tinangal ko ang heels ko isa-isa at nakatitig lang sa kanila.


"Ang tagal!"


"Hindi ba kayo naawa sa sarili niyo ngayon?"panimula ko na nakatitig lang sa kanila.


"Ano?"sabay na usal nila habang ang isa ay nakahubad na.


Naguguluhan parin sila sa akin.


"Tatlo talaga kayo? Seryuso?" nakangising ani ko at mas naguguluhan pa sila.


"Oo at hindi mo yon kakayanin!"ani ng isa na takam na takam na. "Babayaran ka naman kaya ayos lang yon, nasarapan ka na nga may pera ka pang nakukuha."

"Ahh...akala ko kaya kayong tatlo kasi hindi niyo ko kayang punuin."nakangising asar ko


Agad sumugod ang isa sa akin at agad hahalikan ako at agad ko namang tinadyakan ang ari niya na nagbigay aray sa kanya ang isa naman ay gulat kaya sumugod sa akin kahit na nakahubad na pero hindi siya nakawala sa hawak kong heels at yon ang isinuntok sa tyan niya kaya napasigaw.


"Hoy! Ikaw! Anong ginawa mo sa kasamahan ko!"asik ng isa sakin.


Doon ako tumayo at inayos ang sarili at ibinalik sa mga paa ko ang high heels at nilapitan siya.


"Hayop kang babae ka!"sigaw nung isa na nakabawi sa sakit na ginawa ko. Amoy na amoy ko ang mabahong amoy ng alcohol nito.


Agad akong umiwas sa suntok niya sana sa puson ko at agad hinawakan ang kamao niya at binali iyon.


"Ngayon ko lang to gagawin dahil alam ko na hindi niyo na ako makikita, diyos na ang gagabay sa inyo papunta sa impyerno." mahinang usal ko sa isa na nakaupo sa sakit ng kamo niya.


Akmang lalapitan ako ng isa mula sa likuran ko ng maunahan ko siya at pinatid ang nasa gitna niya kaya napaupo rin siya sa tabi ng kasamahan niya.

"Bakit mo kami pinapapasok dito kung ganito ang gagawin mo bwesit!" Asik nung isa na namimilipit sa sakit.


Napabuntong hininga akong lumapit sa pintuan ng sumigaw ang isa.

"Bwesit ka talagang babae ka!"


"Akala ko suntukan ang gusto niyo iba pala. Wag nalang kayo magbayad at ipagamot niyo na ang sarili niyo."usal ko at binuksan na ang pinto.



Sa pagbukas ko ay may taong natumba agad sa harapan ko at nagulat ito nang makita ako. Napatitig siya sa binte ko papunta sa mukha ko.


"S-shit!!! Ang dumi mo!"aniya at pinagpagan ang sarili.


YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now