Mga ilang segundo pa ay kumuha ako ng isang bote ng nakakalasing na inumin at iniwan ko na sila doon at lumabas ng Infinity bar.










JEAU P.O.V.



Kagaya ng napag-usapan namin ni Calvin ay sumama nga kaming lahat.


Syempre pinuntahan ko si Monica sa kabilang section ng STEM.

"Jeau may gagawin pa kasi ako e. Naghahanda kami para sa darating na aquintance party sa darating na sabado next week."mahabang paliwanag niya sa akin.


"Jeau alam mo naman na busy yang si Monica. Saan ba ang gala mamaya?"tanong pa ng kasama niya na si Bridgette.


"Sa Infinity lang naman!"masiglang sagot ko. Hindi ko naman siya pababayaan doon kaya wala siyang dapat ipag-alala sa akin dahil kasama ko rin naman ang mga kaibigan ko.



"Sa Infinity?!"aniya at tumango naman ako "Bar yon duhh baka malaman pato ng Daddy ni Monica at magalit yon.."arteng usal ni Shanade.


Tinignan ko naman si Monica na nakatingin lang sa akin kaya napangiti nalang ako sa kanya ang ganda niya talaga!.


Siya ata ang pinakamaganda sa Laurente! Na bagay na bagay lang sa akin.


Tumayo nalang ako at suko sa pangungumbinsi sa kanilang tatlo.



"Sige di ko nalang kayo pipilitin kami nalang mamaya."pag-iintindi ko sa kanila at lalabas sa kanilang silid nang may pahabol pa na salita si Monica sa akin.



"Sasamahan kita mamaya Jeau!"mahinhin na sigaw niya at agad naman akong napalingon.


Hindi mawala sa mukha ko ang ngisi hindi ko mapigilan ang hindi matuwa sa sinabi niya. Hindi niya talaga ako matiis.



Nang makalapit na siya sa harapan ko ay doon ako nagtanong sa kanya.


"Ayos lang ba sayo? Baka magalit Daddy mo."



Siya yung tipo na babae na pinagbabawalan talaga ng mga magulang niya. Lalo na ang lumalabas na wala siyang kasama, ayaw rin ng mga nito ang gumala si Monica sa madaling salita ay strikto ang mga magulang niya.



Ngumiti naman siya sa akin ng sobrang tamis kaya napangiti narin ako. Pag siya na talaga ang kasama ko ay napapawi lahat ang mga galit at lungkot na kinikimkim ko.



"Ngayon lang naman tsaka ayokong wala kang kasama mamaya."mahinhin na sagot niya at hinawakan ko ang kamay niya.



"So susunduin ko kayo mamaya sa inyo--"



"No! I mean..diretso nalang tayo sa Infinity may extra dress naman ako papunta doon."nakangiting usal niya at tumango naman ako.


"Isama mo rin sina Bridgette at Shanade para dika mailang mamaya..mahiyain ka kasi"natatawang usal ko at kinurot ang pisnge niya.



"Hmm sige na..tatapusin ko muna tong ginagawa ko para masundo muna ako mamaya."




Tumango ako sa kanya at hinintay ba tumalikod siya sakin bago ako lumabas sa classroom nila at bumalik sa mga bulok na kasamahan ko.




"Ano? Napapayag muna ba?"usal ni Stanly na nakabikaka na nakaupo sa may arm chair niya.


Alam nila kasi na hindi talaga makakapunta si Monica sa mga gimik na gusto kong isama siya pero ngayon iba to. Makakasama ko na siya sa wakas!.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now