Stories Behind

7 1 0
                                    

Hello, Readers. Gaya ng ipinangako ko na isusulat ko ang mga nakatagong kwento sa pagbuo ng nobelang Unleash. Ito po ang mga sumusunod:

1. The real Matthew in my life

Haha! Number one talaga. Actually, big factor talaga ang lalaking mahal ko sa pagsulat sa nobelang ito. Hindi rin isang tipikal ang kwento naming dalawa. Let me share the brief story about us.

Noong una ko siyang masilayan, man in black talaga siya katulad ni Matthew. Sobrang weird niya tingnan. Nakasuot ng sapatos na itim, black pants, itim na leather jacket na may hood sa gitna ng mainit na panahon. Musician rin siya katulad ni Matthew.

Paumanhin po talaga ngunit noong una pa lang ay hindi ko talaga siya gusto. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Mabait, magalang, humurous, mang-aasar, at minsan seryoso rin naman siya ngunit wala talaga eh. Sa loob ng mahigit isang linggo ay I took him granted. Hindi ko napansin ang pagpapakita niya ng motibo sa akin.

Time passed ay hindi ko mapigilang mahulog ang loob ko sa kanya. Nirespeto, inaalagaan, at pinapahalagahan ako bilang isang babae.

Nang panahon na napamahal ko siya ay saka naman siya naglaho o lumisan sa buhay ko. Ito ay dahil may dalawang malalang sakit pala siya. He chose to stay away from me para hindi ako mahawaan ng sakit o maprotektahan ako galing sa kanya. For I deserve to live my life longer than his according to him. I deserve to pursue my passion kahit wala na siya.

Kaya ito talaga ang inspirasyon ko sa nobela at nagsisilbing main theme ko. Ganoon pa man ay patuloy ko pa rin siyang minamahal. Hindi ko man siya nakasama ngunit nandito naman siya sa puso ko.

Our love story may be tragic because we didn't end up together due to a circumstance. But I am still happy for we met and spent time together even in a short time. Mas okay na 'yon kaysa never kami nagkameet di ba? Siguro lahat tayo ay bibigyan ng chance na mameet ang mahal natin. Ang pinagkaiba lang ay ang period of time na makasama natin sila. Kaya karamihan ay mararating nila ang time na maikasal at makabuo ng pamilya. Subalit may iba rin na makatagpo at makasama sila sa maikling panahon katulad sa amin ni Matthew.

Isa lang ang payo ko. Habang kasama mo pa ang mahal mo ay do not take him or her for granted. Cherish and value the time while you are together. When the time comes that you need to be apart, walang anomang pagsisisi ang maramdaman mo. Accept the fact that forever doesn't exist in this world. Hindi ako bitter ha? Nagsasabi lang ako ng totoo. Wala talagang forever dahil lifetime lang ang nag-eexist.

2. I am in love with the fictional characters

Siguro naprapraning na ako ngunit totoo. Ang dali kong mahalin ang isang fictional character. Mula pagkabata ay gusto ko ang Barbie na mga movies. Akala ko talaga na totoo silang mga tao. Hindi ko alam na cartoon lang sila noon. Kaya gustong-gusto ko talaga silang makita at makausap sa personal. Gusto kong pumanhik sa mga palasyo, pumitas ng mga bulaklak doon kasi ang gaganda talaga, suotin ang mga damit nila at korona. Ngunit nang lumaki ako ay doon ko nalaman na hindi pala sila totoo.

Noong nasa high school ako ay nagsimula akong magbasa dito sa wattpad. Sino ang nakafamiliar sa kwentong Avah Maldita, Ang Boyfriend kong Artista, atbp? Akala ko talaga na totoong nangyari iyon kasi sa cellphone ko siya mababasa. Naalala ko na manghihiram lang ako ng cellphone sa kaklase ko dahil wala akong cellphone noong nag-high school ako. Akala ko talaga totoo iyon kasi hindi siya sa libro o pocketbook nababasa. Ngunit fictional pa rin pala iyon. Haha... Naalala ko na favorite ko talaga ang mga lines ni Avah Chen kaya ginagaya ko.

Noong nasa college na ako ay binigyan na ako ng cellphone sa ate ko. Kaya hindi ko na kailangang manghiram kung magbabasa sa wattpad. Napakaganda ng app ng wattpad kasi ang daming libro na pwede mong pagpipilian for free. Doon ko nalaman na pwede rin pala akong magsulat sa wattpad. Gustong-gusto ko talagang magsulat ngunit hindi pwede sa phone ko kaya kailangan kong pumunta sa internet cafe. Ang phone ko kasi ay hindi pwedeng maka-connect ng internet kasi parang sira na iyon. Kaya wala akong magagawa. Naalala ko na nagpapasa rin ako ng mga stories through bluetooth sa kaklase ko dahil hindi ako makadownload ng app at libro.

Unleash (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora