Chapter 29 (Part 2)

1 1 0
                                    

Nagising si Blythe kinaumagahan. Masakit pa rin ang kanyang pakiramdam. Naalala niya na tinanaw niya sa huling pagkakataon si Matthew kagabi. Nakatayo ito sa gitna ng ulan habang nakatanaw sa sinasakyan niya. May kung anong lungkot ang naramdaman niya nang iniwan niya si Matthew. Kahit papaano ay may pinagsasamahan rin sila ni Matthew sa loob ng mahabang panahon. Ngunit ang pag-ibig niya nito ay unti-unti nang napaparam! Sa kabila ng masasakit na nangyari sa kanyang buhay ay sa hindi inaasahan ay biglang nawala ang pagmamahal niya kay Matthew. Katulad ng nag-aalab at naglalagablab na apoy ang kanyang pag-ibig kay Matthew. Ngunit di naglaon ay napanglaw ito sa di inaasahan!

Hindi niya napigilang pagmasdan ang tabi niya. Kung nasa bahay pa siya at kasama si Matthew ay makikita niya itong nakatulog habang nakayakap sa kanya. Kung nauna naman itong nagising at nakita siyang nagising na ay hindi nito makalimutang halikan siya at sasabihin ang katagang "I love you o mahal kita".

Ngunit ngayon ay malaking unan na lang ang nasa tabi niya. Inilibot naman niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto. Sobrang laki na nito. Kung ihahambing niya ay one-fourth lang ang laki ng kwarto nila ni Matthew kontra dito. Napakaayos at kompleto sa mamahaling gamit amg kwarto niya ngayon.

Napangiti siya ngunit sa kaloob-looban niya ay hinahanap niya ang kwarto nila ni Matthew. Kahit maliit iyon ay puno sa masasayang alaala ang kwarto na iyon...at malungkot na alaala. Tumulo na naman ang luha niya. Kaya bumangon na lang siya.

Hinawi niya ang kulay asul na kurtina sa pinto. Ang pintuang iyon ay patungo sa terasa sa kanyang kwarto. Napangiti naman siya dahil maganda ang sikat ng araw sa umagang iyon. Dalidali niyang binuksan ang glass door at pinakiramdaman ang sinag ng araw. Nakapikit naman siya habang nakangiti.

Mali pala siya sa sinabi niya noon tungkol sa ulan. Ngayon niya napagtanto na mas magaan pala ang pakiramdam niya kapag may araw kaysa umuulan. Kapag umuulan ay maalala niya ang sakit na nangyari sa buhay niya. Maalala rin niya si Matthew!

Nang minulat niya ang kanyang mga mata ay naestawa naman siya. Nakatingala si Matthew sa kanya habang nakangiti. Nasa ilalim ng punong Narra ang lalaking minahal niya noon.

Mukhang puyat na puyat ito kahit nakangiti sa kanya. Yung sinuot niya kagabi ay iyon pa rin ang  sinuot niya habang nakatanaw sa kanya. Parang lumambot ang puso niya nang makita si Matthew kaya napangiti rin siya. Inaamin niya na sa kaloob-looban niya ay namiss niya si Matthew.

Humakbang siya papunta sa railing ng terrace. Habang humakbang siya ay biglang nanumbalik sa kanya ang masasakit na alaala at nangyari sa kanila. Bigla siyang bumalik sa realidad at tumulo ang luha niya habang nakatingin kay Matthew. Diretso siyang tumalikod at pumasok sa loob ng kwarto niya. Isinara niya ang pinto pati na rin ang kurtina.

Sa isang magarbong kama ay nandoon umiiyak ang isang babae na puno ng paghihinagpis at pagsisisi!

***

Nang sumapit ang gabi ay bumuhos na naman ang ulan katulad noong nakaraang gabi. Nagising na naman si Blythe. Nakatulog nga pala siya kaninang hapon. Nakatulog siya sa kanyang pag-iyak.

Bumangon ulit siya upang isara nang maayos ang kurtina ng bintana. Nang akmang isasara niya ay nakita pa rin niya si Matthew na nakaupo sa ilalim ng punong Narra. Nang matanaw si Blythe ay nakita niya itong dalidaling tumayo at ngumiti sa kanya. Parang may tumusok sa kanyang puso nang makita si Matthew sa lugar kung saan nakita niya ito kanina.

Hanggang ngayon ay nandiyan pa rin siya? Buong araw ba siyang nandiyan? Kumakain ba siya? Gusto kong puntahan at yakapin siya. Ngunit kung gagawin ko iyon ay parang bumabalik ako sa mapait kong nakaraan at parang gusto ko pang ulitin iyon. Kaya mabuti ng hindi para makakausad kami sa isa't isa.

Biglang bumulagta ang pintuan at pumasok si Zam. Niyakap siya ni Zam. Masaya itong nakita siya ngunit di naglaon ay napapalitan iyon ng lungkot at pagkaawa.

"Bly, hindi naman sa nakikialam ako sa relasyon o desisyon mo ngunit hindi ka na ba talaga naaawa kay Matthew? Kahit isang katiting lang. Wala ba talagang natitirang pagmamahal mo para sa kanya? Naawa lang ako sa kanya kasi alam kong mahal na mahal ka pa rin niya. At hindi rin niya ginusto ang nangyari. Isa pa buong araw na siyang nandoon sa ilalim ng araw at ulan hinintay ka. Umaasa pa siyang bumalik ka sa piling niya," wika ni Zam.

Umiling si Blythe. "Zam ang nakaraan ay nakaraan na. Ayaw ko nang bumalik doon. Ayaw ko nang bumalik sa simula dahil tapos na ako roon," mariin na sabi ni Blythe.

Tumango naman si Zam. "Paano si Matthew? Kahit papaano ay bahagi rin siya ng buhay mo?" malungkot na wika ninZam.

"Pakisabi sa kanya na hinding-hindi na ako babalik sa kanya. Isa pa papunta na ako sa America at habambuhay na akong manirahan doon," sabi ni Blythe. Tumango ulit si Zam at kinuha ang payong niya sa lalagyan ng payong.

Kumikirot pa rin ang puso ni Blythe ngunit ayaw niya na talagang bumalik kay Matthew. Dahan-dahan niyang hinawi ang kurtina. Konti lang para makasilip siya may Matthew. Isinuot na ni Matthew ang hood sa kanyang ulo. Nakasuot ito ng kulay gray na jacket na may hood.

Nakita niya na nagniningning ang mga mata ni Matthew nang makita si Zam. Puno ng pananabik sa sasabihin ni Zam. Nang magsalita si Zam ay napawi ang ningning sa mga mata at ngiti nito. Nakita rin ni Blythe na sobrang nasaktan si Matthew sa sinabi ni Zam.

Nang makaalis na si Zam ay nanatili pa rin itong nakatayo habang nakasuksok ang mga kamay nito sa bulsa ng kanyang pantalon. Mayamaya ay tumingala ito sa ikatlong palapag kung saan naroon ang kwarto ni Blythe.

Habang patuloy na bumuhos ang ulan ay nakita pa rin ni Blythe ang kabuuan ng mukha nito habang nakatingala dahil sa sinag ng ilaw. Napaluha rin si Blythe habang pinagmasdan si Matthew. Kahit pa patuloy na pumapatak ang ulan ay alam ni Blythe na hindi lang mga butil ng ulan ang nasa mukha ni Matthew kundi mga luha ng huli. Luha na sumasagisag ng sobrang sakit, lungkot, at pangulila sa babaeng mahal niya!

.........................................

Oh my! Dalawang kabanata na lang ang susunod bago ang epilogue. Kapit lang talaga mga babies at mga langga ha?

Inaamin ko na parang naprapraning rin ako habang nagsusulat ako sa chapter na ito. Naawa rin ako kay Matthew. Parang ang sarap talaga itulak ni Blythe papunta sa kinaroroonan ni Matthew.

Isa pa, parang deep down inside me ay sinasabi ko na huwag ng isulat ang chapter na ito ngunit kailangan eh. Sinulat ko nga ang "daring scene" para hindi masira ang storyline. Kaya ito pa kayang chapter na ito? I don't like this heartbreaking chapter ngunit hindi naman maranasan ng mga characters sa nobelang ito ang totoong ligaya at ending kung hindi nila maranasan ang sakit at pighati.

In connection with, ganoon rin naman sa buhay natin di ba? Kailangan muna nating maranasan ang sakit at paghihirap bago makamit ang tunay na ligaya at tagumpay na ating minimithi. Naks! Ang lakas ko talaga makahugot.

Anyway, masaya ako na malapit ko na itong matapos dahil hindi naman ito para lang sa aking sarili kundi para ito sa lahat. Ito ay dahil mahal ko ang pagsusulat as well as my readers. Ayieeh!

Plethora Hope

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now