Chapter 22 (Part 1)

4 1 0
                                    

Nang pumasok si Matthew sa kwarto ni Blythe ay naabutan niya itong nakahiga habang nakatakip ang unan sa mukha. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil nakatagilid si Blythe kaya medyo makikita na ang umbok ng tiyan nito. Dahan-dahan niyang hinahaplos ang tiyan ni Blythe at hinalikan iyon. Hindi niya maipinta ang ligaya na naramdaman niya. Daladala ng babaeng pinakamamahal niya ang anak nila. Ang bunga ng kanilang pinagsaluhang matamis na pag-ibig at ligaya.

Di naglaon ay dahan-dahan niyang hinawakan ang unan na tinakip ni Blythe sa kanyang mukha. Dahan-dahan rin niyang inalis iyon para hagkan sana ngunit nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Namamaga ang pisngi nito at may pasa sa nguso. Nakapikit lang si Blythe habang humihikbi.

"Ano ang nangyari sayo? Blythe, bakit may pasa ka at humihikbi?" tanong ni Matthew nahalatang nabigla siya sa nobya niya. Dumilat si Blythe at nagwika,"Alam na ni mama ang tungkol sa baby natin. Galit na galit siya sa akin kaya sinampal niya ako kanina," sumbong ni Blythe. Napatiimbagang na lang si Matthew at napasabunot ng kanyang buhok. Huminga siya nang malalim. Hindi niya inaasahan na mangyayari 'to. Hindi niya akalaing sinaktan ang babaeng mahal niya sa mama nito dahil sa ginawa nila. "Dito ka muna. Gagamutin ko 'yang pasa mo," mahinahong sabi ni Matthew. Tumango naman si Blythe.

Mayamaya lang ay pumasok si Matthew na may dalang food tray at ice bag. Umupo si Blythe sa kama niya. Inilapag ni Matthew ang food tray sa side table. Umupo rin siya sa kama at dahan-dahang dinampi ang ice bag sa mukha ni Blythe. "I'm sorry. Nangyari ito dahil sa akin," malungkot na sambit ni Matthew.

"Wag kang magsorry. Wala ka namang kasalanan. Ginusto ko naman na gawin iyon. Nabigla lang rin si mama kanina," saad ni Blythe. "Wag kang mag-alala. Ako ang kakausap kay Tita. Sasabihin ko rin sa kanya na pananagutan ko kayo, ang mag-ina ko. Kaya wala siyang dapat ipangamba at hindi na siya magalit sa iyo," wika ni Matthew na puno ng sinseridad.

***

Nagising si Blythe nang maaga. Sinadya talaga niya iyon upang makasalo niya ang boyfriend niya. At upang may kasama siya sa pagharap ng mama niya. Inaninag muna niya ang paligid bago lumabas sa kwarto niya. Nang walang mahagilap na kakaiba ay dahan-dahan siyang pumunta sa kusina. Sigurado siya na nasa kusina pa ang nobyo niya dahil maaga pa.

Nagulat naman siya sa nakita niya. Hindi siya makagalaw sa ginawa ng mama at nobyo niya!

"Blythe!" sambit ni Matthew. Hindi mapigilang ngumiti ni Matthew at nilapitan siya nito. "Masyado pang maaga para sa nakasanayan mong gumising," wika ni Matthew.

"Gusto kong makasabay kang kumain," sabi ni Blythe sa malambing nang boses. Kumislap ulit ang mga mata ni Matthew. "Oo nga pala. Ma, ako nga pala ang pinaglilihian ng anak namin," pagmamalaki ni Matthew habang nakahawak sa kamay ni Blythe. Ang ikinagulat lang ni Blythe ay natanaw niya na masayang nag-uusap ang mama niya at si Matthew. Mababakas sa mukha ng mama niya na nawala na ang galit nito. Habang nagluluto ang mama niya ay si Matthew naman ang nag-ayos sa hapag.

"Talaga? Sigurado ako na magiging kamukha mo ang apo ko," masayang wika ng mama ni Blythe. Napatunganga naman siya pag-uusap ng kanyang mama at nobyo niya.

"Hi-Hindi na po kayo galit sa akin ma?" nag-alinlangang tanong ni Blythe.

Umiling naman ang mama niya. "Pasensya na sa nagawa ko sayo kahapon, Anak. Nadala lang ako sa nakaraan ko. Natakot ako na mangyari ang paghihirap na dinanas ko noong iniwan ako ng papa ko. Ngunit nang kinausap ako ni Matthew kanina ay nawala ang takot ko para sayo. Nakita ko na iba si Matthew at naniniwala ako na pananagutan ka niya at ang apo ko," paliwanag ng  mama niya.

Unleash (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang