Chapter 30 (Part 2)

2 1 0
                                    

Sa kabila ng lahat ay nasa puso ni Matthew na siya pa rin ang babaeng mahal niya. Siya pa rin ang Scarlet Blythe Serrano na nakilala niya.

Malapad na ngumiti si Matthew habang papalapit sa kanya. Akma na sana niyang hawakan ang kamay ni Blythe na gaya ng dati ngunit pinigilan siya ni Blythe.

"Hindi na ako si Blythe na nakilala mo noon. Wala na ang isip-bata na Blythe na iyon. At wala na ang babaeng madali mong lokohin at uto-uto sa paningin mo," mariing sabi ni Blythe. "Ano ba ang gusto mong sabihin sa akin?" tanong pa ni Blythe.

"Maupo muna tayo," malumanay na alok ni Matthew. "No need. I am in a hurry. Pumunta pa ako sa bahay mo dahil akala ko nandoon ka. Pinahanap mo pa ako kaya nalate na ako," sabi ni Blythe.

"Ayos lang naman. Hindi..." Hindi na si Matthew nakapagtapos ng pagsasalita dahil pinutol ni Blythe.

"I didn't say sorry. Pinaalam ko sayo ang tungkol sa pagkalate ko dahil hindi klaro ang sinabi mo sa akin. Walang specific na lugar. Mga salita lang ang sinabi mo sa akin kaya hanap ng hanap ako sa'yo. Anyway, ano ba ang sasabihin mo sa akin?" tanong ulit ni Blythe.

"Halika muna dito," alok ni Matthew kay Blythe upang papuntahin sa railing ng plasa.

"Are you nuts? Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Sasabihin mo ba o uuwi ako?" banta ni Blythe.

Napalingon naman si Matthew sa paligid. Nakikita na niya ang kidlat at narinig na niya ang malakas na kulog. Humarap siya ni Blythe at tumingin sa mga mata nito.

"Blythe, mahal kita. Maari ba na bumalik na tayo sa dati? Magsisimula tayo ng panibagong buhay," sabi ni Matthew.

Sarkastiko namang tumawa si Blythe. "No! Bakit ko naman gagawin iyon? Ang makilala ka at makasama ka ay ang mga panahon kung saan sinayang ko ang buhay ko. Nais kong magsimula ng bagong buhay na wala ka," pagmamatigas ni Blythe.

"Blythe, alam kong mahal mo ako. Nabulag ka lang sa trahedyang nangyari," mahinahong wika ni Matthew.

"How sure you are na mahal pa kita?" tanong ni Blythe. "Ito ay dahil naramdaman ko at nababasa ko sa iyong mga mata," sagot ni Matthew.

"How pathetic! Pupunta na ako sa America bukas. Doon ay makapagsimula ng bagong buhay at makalimutan na kita," sabi ni Blythe.

Napatahimik naman si Matthew at napayuko. "Wala na ba talagang pag-asa na magkabalikan tayo?" malungkot na tanong ni Matthew

"Tinatanong pa ba 'yan?" sarkastikong wika ni Blythe.

"Gusto mo bang bumalik sa nakaraan na hindi mo na ako maalala? Gusto mo bang bumalik sa nakaraan kung saan nabubuhay pa ang mama mo at ang kambal natin ngunit wala na ako? Gusto mo ba na hindi mo na ako makasama kahit kailan?" malungkot na tanong ni Matthew.

"Oo naman. Syempre. Mas gugustuhin ko pang makasama sina mama at ang mga anak ko kaysa sayo. Wala naman akong mapapala sayo kahit nabubuhay ka pa," mariin na sabi ni Blythe.

Malungkot na tumingin si Matthew kay Blythe. "Ayaw mo na ba talaga akong makasama? Gusto mo na ba talaga akong mawala sa buhay mo ng tuluyan?" malungkot na tanong pa rin ni Matthew.

"Bakit ba paulit-ulit ang mga tanong mo? Isa lang ang makapagpaligaya sa akin ang mawala ka nang tuluyan at maibalik ang buhay ng mama ko at mga anak ko. Naintindihan mo? Hinihiling ko na mawala ka sa buhay ko at hindi na kita maalala," sabi ni Blythe sa malakas na boses.

Mapait na ngumiti si Matthew. Tumingala siya sa langit at malapit na malapit na talagang umulan. Malakas na rin ang mga kulog. Ang mga kidlat naman ay maliliwanag na parang mga fluorescent lamp na.

"Kung ganoon, kahit masakit ay gagawin ko ang hinihiling mo," sabi ni Matthew at mapait pa ring ngumiti. May kinuha siya sa maitim niyang knapsack. Napatingin naman si Blythe sa paligid.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now