Chapter 24 (Part 1)

6 1 0
                                    

Mahigit tatlong dekada na ang lumipas ngunit tila luntian pa rin ang mga nangyari sa amin. Ang mga maliligayang araw na nagsisilbing gunita na ngayon ay siyang tanging pinanghahawakan ko para sa babaeng mahal ko.

Berna Serano, ang pangalan ng babaeng mahal ni Cesar Julian Wellington IV. Sa isang maaliwalas na panahon at napakagandang mansion biglang nagkatagpo ang kanilang landas.

Kailanman hindi makakalimutan ni CJ na bugnot na bugnot siya sa araw na iyon. Paano ba kasi ay naging partner niya sa isang proyekto sa kanilang university ang pinakaayaw niyang babae. Si Samantha Louise Merville, ang babaeng palaging nagpapansin sa kanya at nanligaw sa kanya. Isa pa alam niya na sinabotahe nito ang guro nila para magkasama sila sa proyekto na iyon. Ngayon ay wala siyang choice kundi pumunta sa bahay nito para gawin ang project nila. Binigay kasi ang mga papers kung saan nakalagay ang mga instructions para sa proyekto kay Samantha.

Hindi pa nga siya nakaring ng bell ay binuksan kaagad ni Samantha ang gate nila. Mukhang inaabangan talaga niya si CJ. Pinaghandaan rin niya ang kanyang suot. Naka-tube at backless ang kanyang upper. Kulay itim ito. Habang nakasuot rin siya ng napakaikling short pants. Nang dahil sa maikli niyang kasuotan ay lantad na lantad ang kanyang maputi at flawless na balat. Naka-make up rin siya at nakalugay ang kanyang mahaba at kulot na buhok. Napakaganda talaga niya.

Ngunit dismayado naman si Sam dahil parang hindi nakita ni CJ ang ganda niyang taglay. Subalit matamis pa rin siyang ngumiti at kumapit sa braso ni CJ. "Halika na," aniya gamit ang napakamalambing na boses.

"Bitaw," mariing sabi ni CJ at inalis talaga niya ang kamay ni Samantha. Nasaktan man si Samantha ngunit sadyang mahal niya si CJ kaya nagpatuloy siya sa pagngiti nang matamis. Kahit hindi siya nakakapit sa balikat ni CJ ay patuloy pa rin siya nagkwewento kahit hindi nakinig si CJ sa kanya.

Nang marating nila ang sala ay tumigil si CJ sa paglalakad. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Sam. "Dito sa sala tayo gagawa ng proyekto," seryosong sabi ni CJ.

"Ngunit nandoon sa loob ang mga gamit para sa proyekto natin. Pinaghandaan ko na lahat kagabi. Pati na ang "ibang magandang bagay", sabi ni Sam at kumindat.

"Kompleto naman ang mga kamay at paa mo di ba? Kaya kunin mo iyon at dalhin dito," singhal ni CJ. Tumango si Samantha. "Pero bago iyon. Magmiryenda ka muna para lumamig ang ulo mo," mahinang sabi ni Samantha. "Ernang! Magdala ka nga dito ng miryenda. May bisita ako! Wala ka talagang modo! Bilisan mo," asik ni Samantha.

"Opo," magalang na sagot ng isang babae sa kusina.

"Dito ka lang muna. Kukunin ko ang mga gamit. Babalik kaagad ako," malambing na wika ni Samantha. Hindi naman umimik si CJ kaya pumanhik na lang si Samantha sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kwarto niya. Halatang nasasaktan siya at dismayado. Marami pa naman sanang magandang mangyari sa kanila ni CJ gaya ng inaasahan niya. Ngunit kabaliktaran pala ang nangyayari sa kanila.

Nang pumanaog si Samantha ay inaasahan niya na tutulungan siya ni Matthew sa pagdala ng mga gamit katulad ng mga libro at mga papers. Kaso nagbabasa lang si CJ at hindi siya napapansin nito. Nang mailapag niya ang mga gamit ay napagtanto niya na wala pa pala ang miryenda na iniutos niya. Nangangalaiti naman siya ng galit. Nag-excuse muna siya kay CJ at dalidaling pumunta sa kusina.

"Ano ba Ernang? Kanina pa ako nag-uutos sayo na dalhan mo kami ng miryenda. Bakit wala pa hanggang ngayon?!" nangangalaiti sa galit na sabi ni Samantha. Narinig naman ni CJ na parang may binugbog, sinasampal o di kaya sinasaktan si Samantha. Kung para kay Samantha ay napahanga niya si CJ sa ginawa niya ay nagkakamali siya. Mas lalo siyang kinamumuhian ni CJ dahil sa ugali niya.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now