Chapter 24 (Part 2)

4 1 0
                                    

Sa mga sumunod na araw ay palaging bumisita si CJ sa bahay ni Samantha. Sinabotahe niya ang kanyang pinsan na sumama sa kanya para kausapin at libangin si Samantha. Sa ganitong paraan ay makalapit at makausap niya si Berna. Si Berna naman na napakainosente ay walang ideya na gusto na pala siya ni CJ. Buong akala niya ay gusto lang nitong malaman ang karanasan niya. Lingid sa kanyang kaalaman ay nagpapahiwatig na si CJ sa kanyang naramdaman.

Isang araw habang lumalakad si Berna sa gitna ng mainit na sikat ng araw ay nabigla siya nang may huminto na magarang sasakyan sa tapat niya. Nagulat siya nang makita kung sino ang lulan at nagdrive sa sasakyang iyon. Si CJ. Nakauniporme ito at napaka-aliwalas tingnan.

"Saan ka pupunta? Halika na. Ihahatid na kita," alok ni CJ at ngumiti.

"Sa grocery lang po ako. Wag na po. Pumasok na  lang po kayo sa eskwela niyo. Baka mahuli po kayo," nakangiting tugon ni Berna. Bago pa siya makareact ay lumabas na si CJ at hinawakan ang kamay niya. Nabigla naman si Berna dahil sa kapusukang ginawa sa kanya ngunit nanaig ang kilig na naramdaman niya. Pinagbuksan siya ni CJ ng pinto sa front seat at inalalayan siya sa pag-upo. Si CJ pa ang nag-ayos ng seatbelt para kay Berna. Dalidaling pumunta sa driver's seat si CJ. Bago pinaandar niya ang kotse ay pinagmasdan niya si Berna muna habang nakangiti. Hindi niya mapigilang makadama ng saya. Napatingin naman si Berna sa paligid. Hindi siya makapaniwala na makasakay siya ng magarang sasakyan sa gitna ng mainit na panahon. Nang lumingon siya sa kanyang tabi ay nahuli niya itong nakatingin sa kanya. Pareho naman silang nakayuko habang sumilay ang ngiti sa kanilang mga labi. Sa pagkakataong iyon ay pareho nilang nahuli ang tingin para sa isa't isa kaya wala ng kailangang ilihim pa ukol sa kanilang naramdaman.

Pinaandar na ni CJ ang sasakyan. Habang pinatakbo ang sasakyan ay hindi niya mapigilang magtanong. "Bakit ka naglalakad sa gitna ng mainit na araw? Baka magkasakit ka pa niyan," aniya.

"Sinabihan po ako ni Ate Clara na lalakarin ko lang raw papunta sa grocery para makatipid sila sa aking pamasahe. Wala naman akong dala kaya ayos lang. Pagbalik ko sa bahay nila ma'am ay saka ako sasakay ng taxi," pag-amin ni Blythe.

"Medyo malayo ang mall galing sa bahay na tinitirhan mo," sabi ni CJ. "Ayos lang po. Nasanay na rin po ako," sabi ni Berna at malungkot na ngumiti. Nabasa naman ni CJ na nahihirapan si Berna sa poder ng mga Merville.

Pagdating nila sa mall ay tinulungan ni CJ sa pamimili si Berna. Masaya naman silang dalawa. Hindi mapigilan ni CJ na makita ang future niya kay Berna. Silang dalawa ang mamimili, mamasyal, gagawa ng mga gawaing-bahay at di maglaon ay may mga anak na sila na kanilang inaalagaan. Hindi pa rin niya mapigilang pagmasdan si Berna habang seryoso ang huli sa pagbabasa ng mga bibilhin sa isang listahan. Napakunot naman ang noo ni Berna kapag tumitingin siya sa kanyang kasama dahil palaging nakangiti o tumatawa nang palihim.

Nagpasalamat si Berna nang matapos na nilang bilhin lahat. Habang binibilang ni Berna ang sukli ay biglang nagsalita si CJ sa kayang likuran. "Kakain muna tayo," alok ni CJ. "Wag na po. Salamat na lang po ngunit mapapagalitan ako kapag hindi umuwi sa saktong oras," tanggi ni Berna.

"Ilang minuto ba ang gugulin kung lalakad ka papunta dito?" mahinahong tanong ni CJ. "Dalawampung minutos po," sagot ni Berna. Ngumiti ulit si CJ. "Kung ganoon, maari ko bang hiramin ang dalawampung minutos mo?" malambing na tanong ni CJ. Pilit na ngumiti si Berna habang binibilang ang sukli niya ngunit sakto lang ito sa pamasahe. Tatanggi ulit siya ngunit hinawakan na ni CJ ang kamay niya at pumunta sa isang mamahaling restaurant.

Puno naman ng pag-alala ang mukha ni Berna. Sakto lang na pamasahe ang pera niya kahit paulit-ulit pa niyang binilang. Hindi na siya nakapagtimpi kaya tumingin siya kay CJ na nakatingin rin sa kanya.

"Mahal po dito. Sakto lang po ang pera para pamasahe ko,"mahinang sabi ni Berna kay CJ. Makikita sa kanyang mga mata na problemadong-problemado siya. Nasa isip kasi niya na baka hindi pa siya makakauwi ng maaga dahil pahuhugasin pa siya ng mga pinggan ng may-ari ng restaurant. Ito ay dahil wala siyang pambayad. Hangga't maaga pa ay kailangan niyang aminin kay CJ ang saloobin niya.

Unleash (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang