Chapter 1 (Part1)

28 3 0
                                    

No Boyfriend Since Birth. Para sa akin 'yan ang tanyag naming biniyayaan ng sobrang kagandahan. At hindi lang sa kagandahan pati na rin sa kabaitan, katalinuhan... basta sa lahat ng bagay. Kung ihahambing kami, para kaming mga bunga ng isang manga na nasa pinakamataas na sanga. Kaunti lang ang nangahas na sungkitin kami kasi nga mahirap kaming makamit.

Isa pa, kaya kami walang boyfriend kasi naniniwala kami na ang bawat isa sa atin ay parang isang baso na may kalahating tubig. Kaya lang,kami para kaming isang baso na puno na ng tubig. So, kung may kalahati pa na pupuno sa baso namin eh di useless na kasi matatapon lang 'yon, di ba? Kaya ganoon ang buhay namin. Kontento na kami sa pag-ibig na ibinigay ng aming pamilya, kaibigan at sa Panginoon. Para sa amin perfect na ang buhay namin at wala ng kulang. Wala na nga bang kulang? Haysss...ewan.

Napangiti na lang si Scarlet Blythe Serrano nang mabasa ang isang blog. Sobrang relate kasi ito sa kanya dahil isa siyang dakilang NBSB! Biente y sais na siyang nabubuhay sa mundo ngunit hindi pa rin siya nakaranas na may nobyo.

Siya ang depinisyon sa sinasabing "nabubuhay na Salome". Ang kanyang kagandahan ay parang isang bulaklak na nasa kagubatan na di-kilala ngunit may mayuyuming amoy at walang awang mayayapakan ito ng mga tao. Ang kanyang ganda ay mapupuna lamang kung susuriin nang maayos. Mahaba at maitim ang kanyang tuwid na buhok. Medyo malaki at bilog ang kanyang nga mata. Ang kanyang mga mata rin ay may malalaking takulap sa ibabang bahagi. Malatsokolate ang kulay nito at may mahabang pilik. Katamtaman ang kanyang ilong. Manipis ang kanyang labi na nababagay sa kanyang kaayaayang bibig. Balingkinitan ang kanyang katawan at ang kulay ng kanyang balat ay kayumanggi. Hindi siya masyadong biniyayaan ng katangkaran dahil ang tindig niya lang ay nasa 5'2.

Biglang tumunog ang alarm clock. Alas sais y trenta na ng umaga kaya oras na sa pagbangon ni Blythe. Cashier siya sa isang maliit na mall. Kailangan niyang bumangon ng maaga upang hindi siya mahuli sa kanyang trabaho. Alas nuybe ng umaga pa naman dapat siya magtime-in kaso may kalayuan rin ang distansya sa pagtatrabahuan niya galing sa bahay nila. Isa pa ang tagal niyang matapos sa morning rituals niya lalong-lalo na sa pagliligo. Bumangon na siya at nagsimulang gawin ang mga rituals niya.

"Anak, kumain ka na," tawag ng kanyang mama. Ang kanyang mama ay isang single mom. Mag-isa lang itong pinalaki si Blythe. Iniwan kasi ang mama niya sa kanyang papa noong pinagbuntis pa siya.

Kaya isa sa mga rason niya kung bakit ayaw niyang magkanobyo o magkaasawa dahil para sa kanya sobrang nakakatakot ang mga lalaki sa panahong ito. Para sa kanya napakaliit lang na porsiyento sa mga matitinong lalaki kontra sa mga lalaking manloloko.

Nasa kwarenta y sais na ang kanyang mama. Older version lang siya ni Blythe at ang hanapbuhay niya ay isang janitress sa isang kompanya. Napakabait ng kanyang amo dahil pinayagan siya nitong magtrabaho kung kailan niya gusto at walang pinagbabago sa sweldo. Kadalasan pa nga pinapaupo lang siya roon ngunit siya na ang nagpupumilit na magtrabaho. Ang amo niya ay anak ng may-ari sa bahay nila ngayon. Ipinagkatiwala ng mga matatanda noon sa kanila ang bahay dahil pupunta sila sa Amerika. Di naglaon ay binigay na nila ang bahay sa kanila. Kaya malaki ang utang na loob nila sa kanyang amo. Kaya hinding-hindi talaga siya lumiliban sa trabaho. Kahit pa single mom, isa siyang mabait at ulirang ina. At ang pangalan niya ay Berna Serrano.

"Opo," sabi ni Blythe. Basa pa ang kanyang buhok kaya binalot muna niya ito sa isang tuwalya. Pumunta siya sa hapag at naabutan niya ang kanyang mama na naghihintay sa kanya at hindi pa nagsimulang kumain kaya umupo na siya sa upuan. Pandesal, scrambled egg, at kape ang nakaabang sa kanya. Bago kumain ay nagdasal muna sila.

"Ang sarap po talaga ng luto niyo ma," masayang sabi ni Blythe habang sumubo pa ng pagkain.

"Mambobola. Parang sa scrambled egg lang eh. Ano naman ang ikasasarap nito?" tanong ng kanyang ina.

"Syempre ma. Hinaluan mo ng pagmamahal," sabi ni Blythe at sumubo ulit.

Ngumiti ang kanyang mama. "Andyan ka na naman ng pagmamahal mo. Kaya wala kang iniibig kasi puro ka kababasa ng mga libro o Wattpad," mapang-asar na sabi sa kanyang mama.

"Ay! Kailangan pa bang ibulgar yan ma?" sabi ni Blythe at tumawa silang dalawa. " Kontento na ako sa pagmamahal sa Panginoon at sayo ma. Wala na akong hahanapin pa."

Ngumiti naman ang kanyang mama. "Ah! Anak maiba ako. Kailangan ng bayaran ang kuryente at tubig bukas. Maari bang humingi ako ng tulong para doon?" sabi ng mama niya na may halong pag-alinlangan.

Humigop muna si Blythe ng kape. "Walang problema ma. Ay sus, nahiya pa to. Inilagay ko na sa study table. Kunin n'yo lang po mamaya pagkatapos po ninyong kumain," wika ko.

Ngumiti si Berna at nagniningning na ang kanyang mga mata ngayon. "Salamat anak ha? Hayaan mo kapag medyo mataas ang kita ko ay ako na naman ang magbabayad sa kuryente at tubig," sabi pa niya.

"Wag po kayong mag-alala ma. Hangga't may dugo't laman pa ako, magsusumikap ako para sa atin,"masayahin niyang sabi sa kanyang mama habang pinapakita pa ang hindi naman kalakihang braso. Napatawa na lang sila ulit.

Simple man ang kanilang pamumuhay ngunit ang mahalaga ay mahal nila ang isa't isa at iyon ay sapat na.

***

Isa siya sa mga maraming pasahero na nag-aabang ng jeep sa tabi ng highway. Napangiti siya nang may huminto na jeep sa tapat niya dahil may isang pasahero ang pumanaog. Dali-dali siyang tumakbo at nakipagsiksikan doon kaya lang naunahan siya ng isang ale. Dismayado naman siya at akma na sana siyang pumanaog kaya lang may tumawag sa kanya,"Miss, ikaw na ang umupo dito at sasabit lang ako," sabi nito.

Ngumiti si Blythe at nagpasalamat sa isang lalaki. Umupo na siya habang ngumiti pa rin sa lalaki. Medyo mapayat ang katawan nito at katamtaman lang ang tangkad. Maitim ang kanyang mga mata. Katamtaman lang ang kanyang ilong at baba. Kayumanggi rin ang balat. Nakasuot ito ngayon ng security uniform. Kaya malamang security guard ito. Tumingin rin ito sa kanya at ngumiti.

Blythe, ingat-ingat sa pagtingin dahil isipin mo na sa mata nagsisimula ang pag-usbong ng pag-ibig!

Unleash (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें