Chapter 2 (Part 2)

14 3 0
                                    

"Blythe, muntik ka ng malate. One minute na lang bago ka tuluyang mahuli sa trabaho. Alalahanin mo na may nagpapasweldo sayo!" mataray na wika ni Ma'am Carmen, ang manager sa mall na yon. Kasing-edad lang ang manager nila sa kanyang mama Berna. Strikta talaga ito pagdating sa trabaho. Palagi itong nakasuot ng eyeglasses. Masyadong maputi ang mukha nito dahil sa cream na ginamit niya at napakapulang bibig dahil sa lipstick na ginagamit rin niya. Napakakurba ng kilay at minsan lang ito ngumiti.

"O-opo. Pasensya po Ma'am," magalang na sabi ni Blythe.

"Hindi nakakain ang pasensya, Blythe. Ano na lang ang trabaho ng mga pulis sa mga kriminal kung palagi lang itong humingi ng pasensya katulad mo?" diretsong sabi nito sa kanya.

Yumuko na lang siya. "Pa-Pangako hindi na po mauulit Ma'am," wika niya.

"Tsk! Kadalasan ang mga pangako ay napapako Blythe. Tandaan mo iyan dahil manhid na ako sa mga ganyan!" malungkot na sabi ni Ma'am Carmen at tumalikod na ito.

Bakit ang lalim ata ng pinaghuhugutan ni Ma'am Carmen? Base kaya yan sa karanasan niya? Tama! Siguro nasaktan ng labis si Ma'am noon kaya nanatiling matandang dalaga siya hanggang ngayon. Kawawa naman!

"Hulaan ko. Pinagalitan ka na naman ng future self mo, tama ba ako?" Lumingon si Blythe sa pinanggalingan ng boses at niyakap niya ito nang mahigpit. Wala namang ibang tao na ihahalintulad siya ni Ma'am Carmen na future self raw niya kundi ang nag-iisang best friend niya na si Aiza Mae Cabreras. Ito ay dahil NBSB si Blythe kaya hula raw ng bestfriend niya na magiging matandang dalaga raw siya in the future.

Maganda rin ang bestfriend ni Blythe. Matuwid ang buhok nito na hanggang balikat. Blond ang kulay ng buhok dahil may dugo itong Spanish galing sa mga ninuno niya. Kaya noong nag-aaral pa sila ng highschool ay hindi nila makakalimutan na napagkamalan si Aiza Mae na nagpablond ng buhok. Kaya hindi siya pinapasok ng mga guards sa school noong araw na iyon. Bawal kasi pumasok ang blond na buhok kasi maitim lang dapat ang kulay sa mga estudyante. Mabuti naman at napakiusapan ang principal nila noon kaya pinapapasok na siya ng mga guards. Medyo malaki ang kanyang mata at kulay brown ito na may mahahabang pilik. Manipis ang kanyang labi na nababagay sa kanyang kabigha-bighaning bibig. Matangos rin ang kanyang ilong at malaporselana ang balat niya. Nasa 5'5 ang tindig niya. Kadalasan ay napagkamalan rin siyang Korean dahil sa tindig at pisikal niyang anyo.

"Masaya ako na nandito ka na, Zam," masayang sabi ni Blythe.

"Syempre, nagpagaling ako para may kasama ka naman dito. Nag-alala ako sayo dahil alam kong loner ka kapag wala ako," nakangiting sabi naman ni Aiza Mae o kilala bilang Zam na nickname niya at kumalas ito sa pagkakayakap. Pinagmasdan naman niya si Blythe habang hinawakan niya ang dalawang kamay nito. "Ngunit mukhang nagkakamali ako kasi mas lalo kang blooming kahit wala ako,"saad naman nito.

Hinaplos naman ni Blythe ang kanyang mukha. "Hi-Hindi ah," nauutal na sabi ni Blythe.

"Ay sus! Kilala kita. Nauutal ka kapag kinakabahan o may tinatago ka. Sino ang taong behind sa pagka-blooming mo ngayon, Bly?" sabi nito habang mapang-asar na ngumiti.

Namula naman si Blythe at hindi nakapagsalita. Nagpasalamat siya nang tumunog ang alarm hudyat sa pagsisimula ng trabaho. Bago pumunta sa pwesto si Zam ay binigyan naman niya si Blythe ng hindi-pa-tayo-tapos-look. Napalunok na lang si Blythe.

Ano ang gagawin ko? Nahihiya ako kay Zam. Oo! Inaamin ko na may atraksyon ako na umuusbong kay Charles. Ngunit nahihiya akong malalaman iyon ni Zam. Pakiramdam ko ay isang malaking kasalanan ang pag-amin sa kaibigan ko tungkol sa feelings ko kay Charles. Pakiramdam ko talaga ang landi o ang harot ko! huhu

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now