Chapter 5 (Part 1)

15 2 0
                                    

May isang babae na naniniwala sa pag-ibig. Simula pagkabata ay naniniwala talaga siya sa tunay pag-ibig. Mula sa Disney princesses na napanood niya gaya nila Cinderella, Aurora, Ariel, Jasmine, Snow White, at marami pang iba. Lahat sila ay may prince charming and lived happily ever after. Buong buhay niyang hinintay ang prinsipe para sa kanya upang mamuhay silang masaya na magkasama.

Ang babae na naniniwala sa fairytale ay si Scarlet Blythe Serano at ako iyon. Hanggang nagbente y sais na ako ay NBSB pa rin sa ako. Hindi naman sa masyadong pihikan ako ngunit nakareserba lang talaga ang puso ko sa taong mamahalin ko. Yung tao na mamahalin kung sino at ano ako at ganoon rin ako sa kanya.

Ngunit biglang dumating ang araw na napagtanto ko na ang fairytale na inaasam ko simula noong bata pa ako ay hindi nag-exist sa mundong ginagalawan ko. Para sa isang babaeng na katulad ko na walang sinoman ang magkainteres o bigyang pansin ang aking pisikal na anyo, dapat maging praktikal ako at tuldokan ang pag-ibig na pinangarap ko simula noon. Napamulat ako sa realidad na wala nga pala akong kalayaan kung sino ang mamahalin ko dahil wala naman akong pagpipilian.

Ngunit isang araw, sa di inaasahan ay biglang nakatagpo ako ng isang lalaki. Ang lalaki na ito ay nakasuot ng black boots, pants, leather na jacket at sombrero. Kulay brown ang mata nito at may matataas na mga pilik. Kabighabighani rin ang bibig nito na may mapupulang labi. Malaporselana rin ang balat nito. Mabait, maginoo, matalino basta perpekto na ito. Nagpakilala naman ang lalaki at ang kanyang pangalan niya ay Matthew Blake Jensen.

Unleash (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon