Chapter 25 (Part 1)

4 1 0
                                    

A/N: Here's the update po. Pagpasensyahan niyo na po na medyo delay kasi I tried to balance my time. Hindi niyo man naitatanong ngunit nagtatrabaho at the same time nag-aaral po kasi ako. Enjoy reading po.

"CJ?" di-makapaniwalang sambit ni Berna.

"Maligaya ako na kilala mo pa rin ako. Akala ko kinalimutan mo na ako," wika nito na nakangiti nang matamis. "Halika na. Ihahatid kita sa room mo at ako na ang magpapaliwanag sa teacher mo para hindi ka na mapagalitan," mahinahong sabi nito. Nauna itong lumakad sa kanya. Nakasunod rin naman si Berna ngunit nakatingin lang siya sa likod ni CJ.

Hindi pa rin siya makapaniwala na nandito si CJ sa paaralan na pinapasukan niya. Marami sana siyang itanong sa kanya. Ngunit hindi pa muna sa ngayon dahil nagmamadali sila.

Nang marating nila ang room ni Berna ay nagsisimula na ang pagdiscuss ni Mrs. Valencia. Nag-excuse muna sandali si CJ at kinausap niya si Mrs. Valencia. Nakatutok si Berna kay CJ. Hindi niya maitangging bagay na bagay ang CAT officer's uniform nito. Di niya maitangging napakagwapo at napakaaliwalas tingna ni CJ. Mas lalo pa itong gumwapo kapag nakangiti.

"It's alright, Ms. Serrano. Maupo ka na," magiliw na wika ni Mrs. Valencia sa kanya. Bigla naman siyang bumalik sa realidad at lumakad papunta sa dulo. Nang makaupo siya ay saka umalis si CJ.

"Ay! Sa susunod, magpapahuli na akong pumasok upang ihatid ako ng napakagwapong transferee dito," sabi ng babaeng classmate ni Berna.

"Oo nga. Ang gwapo talaga niya. Bukas na bukas ay magpapahuli rin ako," sabi ng katabi niya.

"Silence!" sigaw ni Mrs. Valencia sa kanila. "Ms, Serrano kunin mo muna ang libro mo dito," sabi ng guro nila. Tumango naman si Berna at pumunta sa mesa ng guro.

Nang matapos ang klase ni Berna ay dalidali siyang umalis. Patakbo na ulit siya palabas ng paaralan niya. Kailangan pa niyang maghugas ng mga plato at magplantsa ng mga damit. Kailangang maaga niyang gawin ang trabaho niya para may oras siya sa paggawa ng takdang-aralin.

Hindi pa siya nakalayo sa gate ng eskwelahan nila ay biglang may humila sa kanya. Isang lalaki na holdaper at tanging mga mata lang ang nakikita nito sa suot niya. Sisigaw sana siya ngunit tinakpan ang bibig niya habang nakayakap sa kanya ng patalikod.

"Berna, wag kang matakot. Ako 'to. Ihahatid na kita," sabi nito. Kumalas siya sa pagkakayakap ngunit hinawakan pa rin ni CJ ang kamay niya. Marahang hinila niya si Berna papunta sa motorsiklo niya at si CJ na ang nagsuot ng helmet kay Berna. Hindi na nakaimik si Berna ngunit nang iniabot ni CJ ang kamay niya para tulungan siyang sumakay, tinanggap niya iyon. Mas mabuti nang nakasakay siya para madali siyang makarating sa mansion ng Merville. Pinahawak naman siya ni CJ sa beywang ng huli.

Hindi mawari ang ngiti ni CJ nang maramdaman niya na nakayakap ang babaeng mahal niya sa kanya.

"Ba-Bakit po kayo nakasuot ng ganito?" di mapigilang tanong ni Berna.

"Papunta ako sa bahay ng amo mo at ayaw kong makilala niya ako," sagot ni CJ na hindi pa rin mapigilang kiligin dahil magkalapit sila sa isa't isa. Tumango na lang si Berna. Hindi naman sila nagkakaimikan hanggang naabot nila ang gate ng pamilya Merville. Pumanaog si Berna.

"Maraming salamat po. Ngunit ang ipinagtaka ko lang ay bakit kayo nandoon sa paaralan na pinapasukan ko?" tanong ni Berna.

Napatawa nang mahina si CJ. "Doon na rin ako nag-aaral. May nakapagsabi sa akin noon na kapag gusto ko raw makamit ang isang bagay na minimithi ko ay dapat paghirapan ko muna. Kaya nandito ako. Gusto kong makuha ang matamis mong oo na maging girlfriend ko. Kaya nandito ako upang ipakita sayo kung gaano kita kamahal," wika ni CJ na puno ng sinseridad sa mga sinabi niya. Napanganga si Berna sa sinabi niya. "Wag kang mag-alala. Hindi naman ako nampressure sayo. Paghihirapan ko muna para makuha ang sagot mo at handa akong maghintay sa araw na iyon. Pumasok ka na. Sana makapasok ako sa mansion na iyon para samahan ka. Ngunit ayaw ko munang makilala at makita ni Samantha dahil ayaw kong malaman niya kung nasaan ako. Kita na lang ulit tayo bukas," dagdag ni CJ. Tumango naman si Berna. Pinagmasdan pa rin niya si CJ hanggang nawala sa paningin niya. Bago nagring sa bell ay hindi niya mapigilang kiligin at ngumiti.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now