Chapter 20 (Part 1)

8 1 0
                                    

"I'm sorry Blythe," malungkot na sabi ni Mrs. Larrazabal.

Pamilyar na ang eksenang ito. Kailan ba titigil si Ms. Gianna?

"Ayos lang po. Naintindihan ko po. Maraming salamat po. Aalis na po ako," malungkot na sabi ni Blythe at tumayo na.

"Ha? Saan ka pupunta?" gulat na tanong ni Mrs. Larrazabal.

"Eh. Hindi niyo po ako tatanggapin di ba? Kaya kayo nagsorry sa akin," paliwanag ni Blythe.

Napatawa naman si Mrs. Larrazabal. "Maupo ka muna. Hindi pa ako tapos. Nagsorry ako kasi sinagot ko ang tawag na nanggaling sa aking anak sa kalagitnaan ng panayam natin. Hindi naman ibig sabihin na hindi kita tatanggapin. Alam kong mabait ka katulad ng iyong mga magulang. Kaya wala akong rason na hindi ka tanggapin," saad ni Mrs. Larrazabal.

Napaupo ulit si Blythe habang hindi makapaniwala sa sinabi ni Mrs. Larrazabal. "Tatanggapin niyo po ako?" tanong ni Blythe.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" nakangiting wika ni Mrs. Larrazabal.

"Naku! Marami hong salamat. Ano po ba ang mga requirements na isusubmit ko?"

"Haha. Hindi na kailangan. Kilala ko naman ang mama mo. Magsimula ka na bukas dito," sabi ni Mrs. Larrazabal.

"Marami hong salamat," sabi ni Blythe. "Basta wag kang magpapalate bukas. Ala una ng hapon ay dapat nandito ka na. Alas otso naman ng gabi ang uwi mo sa inyong bahay," paalala ni Mrs. Larrazabal.

"Opo. Sa umaga po?" tanong ni Blythe.

"Iba naman Hija. Balita ko galing sa mama mo ay ang hirap mong gisingin tuwing umaga. Kaya sa hapon ang duty mo. Ayos lang ba sayo?" tanong ni Mrs Larrazabal.

"Opo. Maraming salamat po. Gagalingan ko po ang trabaho ko," sabi ni Blythe.

"Okay. See you Hija," nakangiting wika ni Mrs. Larrazabal.

"Paalam po," magalang na sabi ni Blythe at dahan-dahang lumabas.

***

"Natanggap ho ako. Tinanggap po ako ni Mrs. Larrazabal ma," balita ni Blythe sa kanyang mama.

"Masaya ako para sayo Anak. Basta galingan mo lang ang iyong trabaho. Umaasa si Mrs. Larrazabal sayo," paalala ng mama ni Blythe.

"Opo ma," masayang sagot ni Blythe.

"Congrats. Napakaswerte ni Mrs. Larrazabal sayo dahil nagkaroon siya ng mabait at mapagkatiwalaan na trabahante," masayang sambit rin ni Matthew.

"Salamat," sagot naman ni Blythe. "Anong oras ka papasok sa iyong trabaho?" tanong ni Matthew.

"Ala una pa ng hapon ako papasok at uuwi ako ng alas otso ng gabi," sagot ni Matthew.

"Tamang-tama para makapagpahinga ka. Hindi mo na kailangang gumising ng umaga. Isa pa, kapag wala akong overtime ay magkasabay pa tayo sa pag-uwi," sabi ni Matthew.

"Ha? Ang lapit lang ng palengke sa bahay natin ah. Mga labinglima o dalawampung hakbang lang papunta dito sa bahay," sabi ni Blythe.

"Bakit? Ayaw mo ba akong makasabay?" wika ni Matthew na may himig na pagtatampo.

"Gusto kaso..."

"Anak, hintayin mo lang si Matthew. Hindi pa naman talaga diretsong uuwi si Mrs. Larrazabal dahil mag-inventory pa iyon. Ako na ang kakausap sa kanya na hindi ka muna diretsong iuwi pagsapit ng alas otso dahil may hihintayin ka pa," sabi ng mama ni Blythe.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now