Chapter 27 (Part 2)

1 1 0
                                    

Wala pa naman ang kanyang cellphone dahil pinadala niya kay Matthew ang sling bag niya. Hindi siya makahingi ng tulong sa kanyang nobyo. Kahit tapos na siyang tawagan ng kalikasan ay hindi pa rin siya lumabas. Tiniis muna niya ang init sa loob ng CR. Hinintay niya na lumabas muna ang tao na pumasok kanina. Ilang sandali pa ay nagpasalamat naman siya nang maramdaman na tahimik na. Ibig sabihin wala na ang tao.

Kalmado niyang binuksan ang pinto para makalabas siya. Pagbukas niya ay tumambad sa kanya ang babae na nakakapangilabot na nakangiti sa kanya! Nakasuot ang babae ng itim na damit at ang saya nito ay hanggang talampakan. Nakasuot ito ng makapal na pulang lipstick. Sobrang talim itong nakatingin sa kanya habang nakakapangilabot na ngumiti. Hindi naman siya makagalaw at makapagsalita. Parang lumabas na ang puso niya sa takot at namumutla rin siya!

"Blythe?" nakangiti nitong wika at diretso siyang tinusukan ng syringe sa leeg!

"Wag kang mag-alala. Hindi ka pa mamatay dahil sa tinusok ko sayo. Ayaw ko pang mamatay ka na hindi maranasan ang sakit katulad ng naranasan ko!" sabi nito at tumawa nang malakas.

Tila nawala ang lakas sa buong katawan ni Blythe at nang sumigaw siya ay walang boses na lumabas!

"Ayan! Ayan nga! Tila umepekto na ang itinusok ko sayo," sabi nito humahakhak. Diretso niyang hinablot ang buhok ni Blythe. Napahiyaw si Blythe sa sakit ngunit walang boses ang lumabas. Hindi rin niya maigalaw ang kanyang katawan para lumaban sana.

Habang nakahablot pa rin nang malakas ang babae sa buhok ni Blythe ay hinila niya ito palabas sa CR at malakas na itinulak. Napaupo naman si Blythe nang malakas sa sahig. Malakas na naisandal niya ang kanyang likod sa tiles na bubong. Napahiyaw na naman siya sa sakit ng kanyang likod at pang-upo. Parang nababali na yata ang buto niya. Gusto niyang itaas kahit ang kamay lang niya kaya lang hindi niya pa rin magawa.

"Ano Blythe? Masakit pa ba? Hindi pa yan nakaabot sa sakit at pagkapahiya na naranasan ko dahil sayo. Blessing in disguise nga pala iyong pagsagasa ko sayo na ang mama mo muna ang nasagasaan. Sa pangyayaring iyon ay naranasan mo rin kung ano ang maramdaman na mawala ang taong mahal mo. Kung gaano kasakit na sa isang iglap ay mawawala ang taong pinapahalagahan mo," sabi ng babae.

Wala mang boses si Blythe ngunit pilit pa rin siyang sumigaw. Makikita sa kanyang mga mata ang galit. Mali pala ang kinilala niya na sumagasa sa mama niya.

"Alam kong inakala mo ang maling tao sa pumatay sa mama mo. Kahit pala niloko ka ni Charles ay naniniwala ka pa rin sa kanya? Pambihira! Naniwala ka rin sa sinabi niya na ikaw ang mahal niya hindi si Shanieya, di ba? Uto-Uto ka pala eh. Niloko ka nga, nagpaloko ka pala ulit," mapanglait na sabi ng babae at sinampal si Blythe nang malakas. Dahil sa sobrang lakas ng sampal ay tumama ang mukha ni Blythe sa bubong kaya nabasag ang kanyang labi sa malakas na impact. Mas nagniningning naman ang mga mata ng babae nang makita na nagdurugo ang labi ni Blythe. Hinablot ulit ng babae ang buhok ni Blythe para mapatingin si Blythe sa kanya. Nanggigigil naman na nagsalita ang babae, "Alam mo, ang totoo ay binayaran lang ni mommy si Charles para pagtakpan ako at itago ang totoong sumagasa sa mama mo. Ngunit napaisip ko na hindi ko kailangang magtago dahil ang patay ay hindi naman makapagsalita. Kahit na malaman mo ang katotohanan ngunit kung wala ka na sa mundong ito ay walang makakaalam di ba? Bago ka mamatay ay dapat malaman mo ang katotohanan para madagdag sa sakit na maramdaman mo. Bago ka mamatay ay gusto kong maranasan ang sobrang sakit emotionally, mentally at physically," sabi nito.

Napahalakhak na naman ang babae at mapwersang pinatayo si Blythe sa pamamagitan ng paghablot sa kanyang buhok. Napapilipit ulit si Blythe sa sakit ngunit wala na naman siyang magagawa. Nakita nga niya na maraming hibla sa kanyang buhok ang nasa sahig. Sa sobrang sakit at galit na naramdaman niya ay binuhos niya ang kanyang lakas sa pagkagat niya sa arm ng babae. Napagtanto niya na wala siyang lakas sa buo niyang katawan maliban sa bibig niya. Maibuka naman niya ang bibig ngunit walang boses na lumabas. Kaya iyon na lang ang tanging paraan para labanan niya ang babae.

Napahiyaw ang babae sa sakit at napamura pa siya. Pinapalo-palo niya at sinuntok ang ulo ni Blythe. Ngunit hindi pa rin natinag si Blythe. Buong pwersa siyang itinulak ng babae. Natumba ulit si Blythe sa loob ng CR. Saktong tumama ang balakang niya sa bowl. Malakas na naman siyang napaupo sa sahig at napasandal sa bowl.

Napahiyawl siya sa sakit kahit walang boses. Biglang sumakit rin ang tiyan niya. Bumagsak ang kanyang mga luha habang kumislot ang kanyang mukha. Mayamaya ay may mainit na likido siyang naramdaman na dumaloy sa pagitan ng hita niya!

Halos hindi naman siya makahinga nang tiningnan niya. Dugo! Sariwang dugo na nanggaling sa kanya. Parang tumigil ang mundo ni Blythe sa sobrang takot at napakasakit ng kanyang naramdaman. Di naglaon ay blurred na ang kanyang paningin at sa isang iglap ay nagdilim na ito. Isang babae lang ang tanging nakikita niya at hinding-hindi niya makakalimutan. Hindi niya makakalimutan dahil siya ang dahilan sa mapait at masalimuot na nangyari sa kanya!

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now