Unleash 31 (Part 1)

4 1 0
                                    

Napaluhang niyakap siya ng kanyang mama nang napakahigpit at hinalikan sa pisngi.

"Bakit po ma?" nagtatakang tanong ni Blythe. Alam ni Blythe na kapag ganito ang kinikilos ng mama niya ay may kababalaghang nangyari.

"Masaya lang ako na magaling at bumalik ka na sa dati. Kilala at naalala mo na ako," sabi nito sa kanya. Napakunot naman ang noo ni Blythe sa sinabi ng kanyang mama.

"Ha? Hindi ko po kayo nakilala at naalala?" naguguluhang tanong ni Blythe. Imposible! Makakalimutan at hindi niya maalala ang mama niya? Ang labo naman non!

Ipinasuot ng mama niya ang dala nitong jacket sa kanya. Isinara rin ng mama niya ang zipper ng jacket.

"Kilangan mo talaga ang jacket na ito dahil baka ginawin ka at ang kambal kong apo," nakangiting wika ni ng mama niya.

Gulat na gulat rin siya sa sinabi ng mama niya. "May apo po kayo ma? Kaninong anak?" gulat na tanong ni Blythe. "Syempre sayo. Wala naman akong ibang anak. May kambal na diyan sa sinapupunan mo. Kaya malapit ka ng magiging ganap na ina," sbi ng mama niya. Diretsong tumingin ai Blythe sa tiyan niya. Malaki na nga ang umbok ng tiyan niya. "Bu-buntis po ako?" di makapaniwalang tanong  ni Blythe.

Nakangiting tumango rin ang mama niya. "Pang-limang buwan mo na ngayon. Apat na buwan na lang ay lalabas na ang mga ko. Makikita at mahahawakan na natin ang kambal mo," sabi ng mama niya na puno ng pananabik.

"Paano ako nabuntis? Sa pagkakaalam ko wala akong boyfriend. NBSB po ako. Sino ang ama ng mga anak ko?" naguguluhang tanong ni Blythe.

Hinawakan ng mama niya ang kamay ni Blythe. "Anak sa ngayon ay wag mong guluhin ang isip mo. Kagagaling mo lang kaya wag ka munang mag-isip ng maraming bagay. Baka mabinat ka. Malapit mo pa namang iluwal ang mga sanggol mo. Umuwi muna tayo dahil nagbabadyang umulan. Pagdating natin sa bahay ay kakain ka tapos magpahinga ka muna," payo ng mama niya. Ngumiti naman siya. Dahan-dahan silang lumakad pauwi sa kanila.

Sa huling pagkakataon ay tinanaw ni Blythe ang plasa kung saan nakatayo siya na mag-isa. Isang palaisipan pa rin sa kanya ang pagpunta roon sa gitna ng gabi. Hindi niya rin alam kung bakit tumulo ang mga luha niya na pinunasan niya kanina lang.

***

Inalalayan pa rin siya ng kanyang mama papasok sa bahay nila. Nang makita ni Blythe ang sala ay natanaw niya ang kanyang sofa bed na maayos ang pagkalatag nito sa sahig. May malinis na unan rin ito at kumot. Hindi niya alam ngunit napatulala siya roon habang pinagmasdan ito. Nagitla naman siya ng akbayan siya ng mama niya.

"Si-Sino po ang nakahiga dito ma?" tanong ni Blythe.

"Isang lalaki na mahalaga sayo at mahal mo," nakangiting wika ng mama niya. Napangiti rin naman siya sa sinabi ng mama niya at pumintig ng malakas ang puso niya.

"Kumain ka muna. Naliligo pa sa banyo mo ang lalaking tinukoy ko kanina lang. Hintayin mo na lang siya sa hapag. Alam kong sobrang matutuwa iyon na malaman na gumaling ka na dahil naaalala mo na ako," sabi ng mama niya.

Napangiti siya. Hindi niya mailihim ang pagkasabik na makita ang lalaking mahalaga at mahal niya gaya ng sinabi niya. Pinaupo siya ng mama niya sa upuan habang naghahain ng mga pagkain para kay Blythe.

Nang mailapag ng mama niya ang mga pagkain ay diretso niyang nilantakan iyon. Napangiti naman ang mama niya habang pinagmasdan siya. Bumalik na ang pagiging ganadong kumain ni Blythe.

Mayamaya pa ay nabigla siya ng may lumapag sa tumbler niya na kulay pink at gray. "Baka sakaling mabulunan ka," sabi nito.

Biglang tumibok nang malakas ang puso niya nang marinig ang boses na iyon. Tumingin siya mula sa paa nito. Naktsinelas ito ng pambahay. Nakasuot ng puting jogging pants na pinaresan ng itim na T-shirt. Malapad at matipuno ang mga dibdib ng lalaking ito. Malaporselana rin ang kanyang balat. May attractive na Adam's apple. Malarosas ang mga labi nito na nakangiti sa kanya na hindi pinapakita ang ngipin. Matangos ang ilong nito at basa pa ang buhok. Naamoy naman ni Blythe ang pamilyar na bango ng shampoo at sabon pati na rin ang pabango sa lalaking ito. Nagniningning ang mga mata nito habang nakatingin ng diretso sa kanya.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now