Chapter 11 (Part 1)

7 1 0
                                    

"He-Hello," bati ni Blythe. Tumingin siya ni Matthew. "Ahm...Matthew si Ms. Gianna nga pala. Gusto ka raw niyang makasayaw," wika ni Blythe.

"Ano? Ikaw naman ang kadate ko, Blythe," gulat na sabi ni Matthew.

"Oo. Kaya lang... gusto ka niyang makasayaw. Sige na, Matthew. Ngayon lang naman. Pumayag na kasi ako kanina. Tapos nakakahiya naman dahil nandito na siya," nag-alinlangan na wika ni Blythe.

"Paumanhin ngunit ikaw ang kadate ko Blythe. Bakit naman ako sasayaw sa iba?" sabi ni Matthew.

Nang naramdaman talaga ni Blythe na parang hindi na naman matitinag si Matthew ay tinapakan niya ang sapatos ni Matthew at tinadyakan ang kanyang tuhod na nasa ilalim ng mesa. "A-Aray!" mahinang sambit ni Matthew. Binigyan naman niya ng ngayon-lang-naman-look si Matthew.

Napahinga nang malalim si Matthew at dahan-dahang tumayo. Tumingin siya kay Blythe ngunit blanko na ang kanyang ekspresyon.

Dali-daling kumapit sa braso si Gianna. "Thank you," Gianna mouthed. Napangiti naman si Blythe ng pilit. Pinatugtog na ang musikang instrumental na mabagal.

Napangiti nang malapad si Gianna habang tinitigan niya si Matthew. Si Matthew naman ay parang wala ang kanyang kaluluwa habang sumasayaw. Kahit may kasayaw siya na napakagandang babae ay ang tanging pinagmasdan niya ay si Blythe na dahan-dahang umiinom ng lemonade na dinala ni niya kanina. Nag-iisa na siya ngayon dahil sumayaw na rin si Zam.

"So, Matthew. Ano ang gusto mo sa isang babae?" tanong ni Gianna. Hindi umimik si Matthew dahil patuloy niya pa ring pinagmasdan si Blythe.

Tinapik ni Gianna si Matthew. "Hey! Bakit hindi ka nagsasalita?" Ngunit hindi pa rin sumasagot si Matthew.

Sa kabilang banda naman ay patuloy pa ring kumikirot ang nararamdaman ni Blythe. Hindi na siya lumingon sa kinaroroonan nina Matthew. Ito ay dahil ayaw niyang makita na nagkakalingkisan habang masayang-masaya sina Matthew at Ms. Gianna. Nakayuko lang siya habang kinulikot ang cellphone niya. Ang totoo wala naman siyang naiintindihan sa pagkukulikot niya sa kanyang cellphone dahil puno ang isipan niya tungkol kay Matthew.

"Amoy na amoy dito ang ukay-ukay," sabi ng isang babae.

"Kahit damit hindi afford. So poorita," saad naman ng isa.

"Gwapo sana ang escort kaso siya naman ay nangangamoy ukay-ukay. For sure kapag malaman ni Matthew na hindi brand new ang kanyang suot ay madiscourge 'yon," sabad ng isa. Nagpatuloy ang pagpaparinig at pag-uusap nila kay Blythe. Hindi na lumingon si Blythe dahil alam na niya kung sino ang nag-uusap. Sina Mariz at Ivy lang naman. Simula kasi sa nangyari noong isang gabi ay bumalik na ang dating trato nila kay Blythe. Hindi mapigilang masaktan si Blythe nang malaman niya na ginamit lang pala siya para makakausap nila si Matthew.

Di na mapigilang pagmasdan ni Blythe sina Matthew. Nakita niya na nag-uusap silang dalawa habang sumasayaw. Hindi rin niya mapigilang mainggit. Maganda, mayaman, matangkad, maputi at makinis ang balat, magaling sumayaw, at matalino. Balita niya na graduate siya ng kursong Business Ad bilang magna cum laude sa isang prestihiyosong unibersidad. Ano naman ang laban niya? Lahat ng katangian na mayroon kay Gianna ay kabaliktaran sa kanya. Mas maganda nga na pinasayaw niya si Matthew kay Gianna para hindi na mahiya sa mga tao si Matthew. Kung siya ang isinayaw ni Matthew tiyak na mahihiya si Matthew. Marami kasing maipintas sa kanya mula sa isinuot niya hanggang sa pisikal na anyo. Malungkot na lang siyang napayuko.

"Maari na ba kitang maisayaw?" Napatingala si Blythe at nakita niya na nakangiti si Matthew sa kanya.

"Ako? Hindi ako marunong sumayaw. Para akong tuod kapag sumayaw at makakatapak pa ako ng paa," sabi ni Blythe. Tinabihan siya ni Matthew. "Walang problema. Tinapakan mo na nga ako kanina kaya hindi na iyan bago sa akin," mapang-asar na sabi ni Matthew at napatawa nang mahina ngunit hindi natinag si Blythe kaya huminto na lang siya sa pagtawa.

"Ayaw mo ba akong ikasayaw?" mahinang sabi ni Matthew. "G-Gusto kaso nakakahiya akong kasayaw,"mahinang sabi rin ni Blythe. "Hindi ako marunong sumayaw tapos hindi pa maganda ang isinuot ko kasi galing sa ukay-ukay," mahinang paliwanag ni Blythe at yumuko.

Hinawakan ni Matthew ang kamay ni Blythe. "Sino naman ang nagsabi na hindi maganda ang sinusuot mo? Kung ikaw ang nag-isip ng ganoon ay nasasaktan rin ako kasi ako yung pumili sa damit na iyan. Kung hindi, wag mo ng intindihin ang mga tao sa nagsabi tungkol dyan dahil ako ang pumili at para sa akin ikaw ang may kabigha-bighaning damit at napakagandang babae dito. Wala akong nakikita na katulad mo o hihigit sa iyo. Maniwala ka sa sinasabi ko dahil hindi ako kailanman mambobola at alam mo iyon. Isa pa hindi naman importante na magarbo o mamahalin ang damit dahil ang importante ay kung ano ang nasa puso mo ngayon," sabi ni Matthew.

Ikaw lang naman ang nasa puso ko, Matthew.

Sumilay ang napakatamis na ngiti ni Blythe at nagniningning na ang kanyang mga mata nang marinig ang sinabi ni Matthew para sa kanya. "Teka bakit ka naparito? Eh kasisimula niyo pa lang sumayaw ni Ms. Gianna at hindi pa natapos ang musika," takhang tanong ni Blythe.

"Hindi naman siya ang kadate ko. Ikaw naman talaga ang gusto kong makasayaw. Nakisayaw lang ako sa kanya para lang sa iyo. Para hindi mo na ako tadyakan. Hindi ako nag-alala sa paa ko ngunit nag-alala ako sa iyong paa baka mababasag ang iyong pinakamamahal na mga buto," sabi ni Matthew at napatawa na naman siya. Napatawa na rin si Blythe.

"Ngunit nagpapaalam ka ba kay Ms. Gianna?" tanong ni Blythe.

"Sinabihan ko lang siya na I need to stop this dance. My date needs me. Nag-alala ako sa kanya dahil nag-iisa na siya," kwento ni Matthew. "Maari ba na wag na natin siyang pag-usapan. Hindi naman siya mahalaga para sa akin. So, maari na ba kitang maisayaw, Blythe?" sabi ni Matthew at ngumiti. Tumango si Blythe. Tumayo na silang dalawa upang sumayaw. Sakto namang pinatugtog ang Hero ni Enrique Iglesias ngunit instrumental lang.

Hinawakan ni Matthew ang isang kamay ni Blythe at hinalikan iyon saka inilagay sa kanyang balikat. Pagkatapos ay dahan-dahang hinapit niya ang beywang ni Blythe at isang kamay ni Blythe. Sa ganoong posiyon ay nagsimula na silang sumayaw. Noong una ay wala sa timing talaga si Blythe. Hindi naman siya naiilang o nahihiya dahil nandoon si Matthew na nakatitig sa kanya at di pinansin ang wala sa tonong sayaw niya. Kalaunan ay nagsusumikap talaga siya na ma-timing ang kanyang sayaw at nagtagumpay siya! Kaya di mapigilang mapangiti ni Blythe at ganoon rin si Matthew.

Habang sumasayaw sila ay hindi na nila nakikita ang paligid. Ang tanging nakikita at nararamdaman nila ay sila lang dalawa sa mundo. Malapit na malapit ang kanilang mga katawan at ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mga mukha. Naramdaman na nila ang pagpintig ng kanilang puso. Hindi lang ang magandang musika ang narinig nila kundi pati na rin ang sabay-sabay na pagpintig ng kanilang puso na siyang pinakamagandang himig para sa kanila. Hindi man nila sinabi ang totoong naramdaman nila ngunit makikita sa kanilang mga titig para sa isa't isa. Mga titig kung saan makikita ang nag-uumapaw na pag-ibig para sa isa't isa.

Nang malapit na matapos ang musika ay dahan-dahang umikot si Blythe. Pagkatapos ay dahan-dahang yumuko si Matthew at hinalikan si Blythe sa kanyang noo. Sa pagdampi ng halik ni Matthew ay tila tumigil ang oras ni Blythe. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya naramdaman ang pagkapraning niya dahil lumukso ang kanyang puso dahil sa labis na ligayang naramdaman niya.

"Hangga't nandito ako sa tabi mo ay makaasa ka na walang sinoman ang manakit o manloko sa iyo. Gagawin ko ang lahat para sa iyo. I can be your hero Blythe. Tandaan mo sana ang sinabi ko," sabi ni Matthew na puno ng sinseridad ang kanyang mga mata.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now