Chapter 26 (Part 1)

6 1 0
                                    

Napatulo naman ang luha ni Blythe nang malaman niya ang nakatagong kwento sa kanyang mga magulang. "Ngunit bakit mo kami iniwan? Bakit hindi mo na binalikan si mama?" tanong ni Blythe at patuloy na bumagsak ang kanyang luha.

Tumulo rin ang luha ni CJ. "Kailangan kong gawin iyon. Kahit gaano kasakit ay ginawa ko alang-alang sa kalayaan niyong dalawa. Nakipag-deal si dad sa akin. Sabi niya tutulungan niyang makalaya ang mama mo kung pakakasalan ko si Samantha. Malaki ang utang na loob ni dad sa mga magulang ni Samantha. Baon sa utang si dad noon dahil sa pagkakasakit ni mommy. At ang tumulong lang sa kanila ay ang pamilya Merville. At ngayon nang makaahon na sila ay ang tanging hinihiling ng mga Merville ay matupad nila ang kahilingan ng nag-iisang anak nila. 'Yun ay pakasalan ko siya. Kapag hindi pa ako papayag ay baka mas malala pa ang mangyari sa mama mo. Ito ay dahil hindi titigil si Samantha hangga't hindi ako mapapasakanya. Wala akong choice kundi tanggapin iyon. Nang tanggapin ko iyon ay hindi na ako pwedeng makalapit o makausap ang mama mo. Hindi man lang ako nakapagpaalam at nakapagpaliwanag nang maayos. Kaya hindi ko siya masisisi kung inilihim niya sayo ang tungkol sa akin. Alam kong galit na galit siya sa akin," malungkot na wika ni CJ.

"Pa. I'm so sorry. Hindi namin alam ang totoong dahilan sa pag-iwan mo kay mama. Sana sinabi mo ito noong nabubuhay pa siya," sabi ni Blythe.

"Wag kang magsorry. Wala ka namang kasalanan. Magkatulad talaga kayo ng mama mo. Kahit walang kasalanan ay nagsosorry sa akin," wika ni CJ at mapait na ngumiti. Napangiti na rin si Blythe habang pinunasan ang kanyang mga luha.

"Ganoon pa man kahit hindi ko kayo nakasama ay masaya pa rin ako. Ito ay dahil nakikita ko kayong masaya at malaya na namumuhay," sabi ni CJ.

"Nakita niyo po kami kahit tapos na po kayong ikasal?" gulat na tanong ni Blythe.

Tumango naman si Matthew. "Lingid sa kaalaman ng lahat ay palagi ko kayong sinusundan, kayong mag-ina ko. Gusto ko pa ring nasa tabi ako sa inyo at gawin ang responsibilidad ko sa inyo. Hindi man ninyo ako nakita ngunit umiiral naman ang pagmamahal at pag-aalaga ko sa inyo," sabi ni CJ.

"Talaga po? So, kilala at nakita niyo na po ako simula noon?" di makapaniwalang tanong ni Blythe.

"Syempre. Kami ang bumuo ng mama sayo. Hindi man alam ng mama mo ngunit nandoon ako noong isinilang ka. Nakasuot ako ng pang-doktor noon para hindi ako makilala niya. Sinabotahe o binayaran ko ang may-ari ng hospital para makapasok at makasuot ako ng pangdoktor. Hindi mapigilang tumulo ang aking luha nang masilayan at kargahin kita. Kamukhang-kamukha ka ng mama mo. Ang tangi lang nating pagkapareho ay ang mga mata natin. Lubos ang aking ligaya na nadarama dahil ikaw ang bunga sa aming pagmamahalan," nakangiting wika ni CJ habang sinasalimsim ang magandang pangyayari noon sa buhay niya.

"Nakausap mo rin ba ako noon, pa?" tanong ni Blythe. "Oo naman. Nakausap kita ngunit hindi mo ako kilala. Naalala mo noong gustong-gusto mong bilhin ang manika at doll house. Ngunit ayaw ng mama mo kaya iyak ng iyak ka?" tanong ni CJ.

Napatakip naman sa baba si Blythe. "Kayo rin po ba ang mamang iyon na bumili sa mga laruan ko habang abala si mama sa pagbili ng mga gamit pangkusina?" tanong ni Blythe.

Tumango naman si CJ na nakangiti. "Masayang-masaya ako sa araw na iyon dahil nakausap at nahawakan ko ang maliit mong kamay. Parang panaginip na nagkatotoo sa pangyayaring iyon. Kulang na lang ay makasama ko ang mama mo para mabuo ang pamilya natin. Naalala mo rin ba na kulang sana ang pera ng mama mo noon sa counter ngunit may tumulong sa kanya na isang ale. Ang totoo pinakiusapan ko ang ale na iyon para ibigay ang pera sa mama mo," sabi ni CJ. Matamis namang ngumiti si Blythe.

"Ang dami ko palang hindi alam tungkol sa inyo. Hindi ko alam na nasa paligid lang pala kayo," sabi ni Blythe.

"Ganoon naman talaga dahil mahal na mahal ko kayo. Hangga't nandito ako ay hinding-hindi ko talaga kayo pababayaan," sabi ni CJ sa kanyang anak. Hinawakan naman ni Blythe ang kamay ng kanyang papa.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now