Chapter 15 (Part 1)

4 1 0
                                    

Parang nag-echo ang anunsyo ng pager sa isipan ni Matthew. Dalidali siyang tumakbo at pumasok sa kwarto ni Blythe.

Halos maestatwa siya nang makita na humahagulhol na ang mama ni Blythe habang nakayakap kay Blythe. Napahagulhol rin si Zam at umiling-iling na lang si Dr. Holganza.

"Time of death. 8:55 PM," sabi ng doktor. Marami pang inihabilin ang doktor ngunit wala na siyang maintindihan. Nakita niya na nakahiga si Blythe na maputlang-maputla. Nakapikit ang mga mata nito at hindi na humihinga!

Lumabas na ang doktor. Dahan-dahan siyang lumapit kay Blythe at hinawakan ang kamay nito. Malamig na rin ang kamay ni Blythe.

"No! Blythe. Please wag mo akong iwan... Blythe, mahal na mahal kita," sabi ni Matthew at di na niya mapigilang humagulhol.

Dumating ang dalawang lalaki at tinanggal na ang mga dextrose at ang tube galing sa bag na dugo. At tinakpan na nila ng puting kumot ang mukha ni Blythe. Parang tumigil naman ang mundo ni Matthew sa sandaling iyon.

Nawala na ang babaeng dahilan sa pag-alis sa kathang-isip na mundo na kanyang pinaggalingan. Nawala na ang babaeng kanyang aasarin upang magkasalubong ang kilay nito. Hindi na nabubuhay ang babaeng kahit tarayan pa siya nito ng libong beses ay napakacute pa rin nito na dahilan sa pag-usbong ng kilig sa kanyang puso. Wala na rin ang babaeng hihintayin niya sa gabi upang magkasama sila sa pag-uwi. Hindi na rin niya makikita ang ngiti at ang tawa ng babaeng dahilan na makaramdam siya ng ligaya at pagtibok ng puso niya. Higit sa lahat wala na ang babaeng pinapahalagahan niya at iniibig niya nang lubusan!

***

"Ms. Serrano..." hindi naman napagtapos sa pagsalita ang nurse nang biglang bumulagta ang pintuan.

"Blythe!" sambit ni Matthew na humahangos pa at dalidali siyang lumapit kay Blythe at niyakap ito.

Nabigla naman si Blythe at hindi nakapagsalita. "Akala ko mawawala ka na sa akin at ang bagay na iyan ang pinakatakutan kong mangyari," sabi ni Matthew at hindi niya mapigilang tumulo ang luha niya.

"Sir, baka mabinat ho si Ms. Serrano. Kasalukuyan pa po siyang nagpapagaling," paalala ng nurse. Nakatingin din ang mama ni Blythe na nagulat rin sa biglang pagpasok ni Matthew.

Kumalas si Matthew sa pagkakayakap ngunit may ngiti na sa kanyang mga labi. "Paumanhin. Masaya lang ako na panaginip lang pala iyon. Hindi ko mapigilang mag-alala kay Blythe. Hindi ko alam ang gagawin kung may mangyari sa kanyang masama," wika ni Matthew.

Napangiti lang ang nurse. "Ang swerte mo naman Ms. Serrano dahil may husband ka na sobrang nag-alala sayo. Kadalasan sa mga asawa na nakikita ko dito ay naghihintay lang sa labas kahit nanganganak pa ang misis nila. Ngunit ikaw, ang swerte mo," sabi ng nurse.

"Hi-Hindi ko naman po asawa siya," wika ni Blythe. "Talaga? Akala ko asawa mo na si Sir. Base sa mga kinikilos niya ay parang asawa mo na siya. Boyfriend mo pa ba siya?" tanong ng nurse.

Napatingin si Blythe ni Matthew. Malapad pa ring nakangiti si Matthew habang nakatingin sa kanya. Umiling naman si Blythe. "Hindi rin po," sabi ni Blythe.

"Wag niyo ng patagalan pa. Alam kong doon rin ang punta niyo. Anyway, mukhang mas maayos na ang lagay mo Ms. Serrano. Kaya future husband, painumin mo lang siya palagi ng tubig o juice, okay?" nakangiting bilin ng nurse at saka tumalikod. Napangiti rin si Matthew at halatang kinilig siya.

"Ano ba ang nangyari sa iyo? Bakit bigla ka na lang mangyayakap?" tanong ni Blythe at binigyan pa niya ng nandito-si-mama-look.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now