Chapter 9 (Part 2)

10 1 0
                                    

Napangiti si Blythe habang pinara ang jeep na sinasakyan niya at pumanaog na siya. Kailanman ay hindi niya makakalimutan ang nakakahiya ngunit naglaon ay napapalitan ito ng magandang pangyayari!

Pumasok na muna siya sa locker room upang ilagay ang kanyang bag sa locker niya at makaretouch na rin siya. Hindi na niya nakita si Zam sa powder room dahil nasa counter na siya na pwesto niya.

"Hi Blythe," sabi ng isang saleslady na nanlalait sa kanya noon. "Hindi mo pa kami kilala. Ako si Mariz at siya naman si Ivy, kaibigan ko."

"Hello," magiliw na sabi ni Blythe. Nagsimula naman siyang maglagay ng foundation sa kanyang mukha.

"Actually, gusto lang naming humingi ng tawad tungkol noong pinag-uusapan ka bamin ng hindi maganda. Nadala lang talaga kami sa sitwasyon noon kaya hindi namin alam ang aming sinasabi," sabi ni Ivy.

"Ayos lang iyon sa akin. Nawala nga rin sa isip ko ang tungkol doon," sabi ni Blythe.

Nagkatinginan naman sina Mariz at Ivy at napangiti. "Maraming salamat Blythe. Maari na ba tayong magkaibigan simula ngayon?" tanong ni Mariz.

"Talaga? Nais niyo akong maging kaibigan?" di makapaniwalang sabi ni Blythe.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" sabi nina Mariz at Ivy habang nagkatinginan sa isa't isa.

Napangiti na rin si Blythe. "Ngayong magkaibigan na tayo. Maari ba kaming magtanong tungkol kay Matthew?" tanong ni Ivy.

"Oo. Ano naman ang itatanong niyo tungkol sa kanya," sabi naman ni Blythe at nagpatuloy pa rin siya sa pagretouch.

"Palagi naming nakikita na hinintay ka niya para sunduin ka. Boyfriend mo na ba siya?"

Napalingon si Blythe sa kinaroroonan nila. "Hindi no. Hindi ko siya boyfriend," sagot ni Blythe.

"Talaga?" sabi ni Mariz. Nagniningning na ang kanilang mga mata. "Pwede mo bang ipakilala mo kami sa kanya? Magkaibigan naman tayo di ba?" tanong pa ni Mariz.

"Sure. Bakit naman hindi?" sabi ni Blythe. "Salamat Blythe. Hintayin mo lang kami sa locker room mamayang gabi," sabay nilang sabi at umalis na sila. Nakaramdam si Blythe na parang may mali sa kinikilos nila. Dati ay nilalait siya sa mga babaeng 'yon ngunit ngayon kaibigan na sila. Isinaisip na lang niya ang tao ay pwedeng magbago.

***

Tanghaling tapat na kaya as usual pumunta na  sina Zam at Blythe sa food court. Habang kumakain ay hindi mapigilang ikwento ni Blythe kay Zam ang tungkol sa dalawang saleslady.

"Alam mo Zam. May maganda akong balita. May bago na tayong kaibigan," masiglang sabi ni Blythe. "Ha? Sino naman? Akala ko ba ako lang ang kaibigan mo?" mausisang tanong ni Zam.

"Syempre naman. Ikaw lang ang nag-iisa kong matalik na kaibigan. Magkaiba ang matalik na kaibigan kontra sa kaibigan lang. Sina Mariz at Ivy, 'yong magagadang saleslady," paliwanag ni Blythe.

"Ok. Pero parang may masama akong kutob sa pakikipagkaibigan nila sa iyo. Hindi sila ganoong mga tao na palakaibigan. Kaya mag-ingat ka," paalala ni Zam sa kanila.

"Ano naman ang intention nila sa akin? Wala naman silang mapapala sa akin dahil ordinaryo lang akong tao," sabi naman ni Blythe.

"Mag-ingat ka lang. Wag ka namang mag-alala, nandito lang ako sa tabi mo," sabi ni Zam. Napatiklop-bibig lang si Blythe at saka ngumiti. Mayamaya ay bumalik na sila sa kanikanilang trabaho.

***

Sa pagtakbo ng oras ay hindi na nila namalayan na alas nuybe na. "Blythe, hintayin mo kami sa locker room, ha?" nakangiting sabi ni Ivy.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now