Chapter 11 (Part 2)

10 1 0
                                    

Hindi naman mapigilang ngumiti ni Blythe. Kumalas bigla si Blythe nang matanaw niya si Zam na inaasar siya habang nagvivideo sa kanila.

"Ayieeh. Kinikilig talaga ako habang nagvivideo ako sa inyo," sabi ni Zam. " Halika kayo dito sa may entablado. Pipicturan ko kayo. Hiniram ko muna itong DSLR na camera sa kuya ko. Mas malinaw at maganda ang picture nito," masiglang sabi ni Zam. Pumunta sila sa lugar na tinutukoy ni Zam. "Sige na lumapit kayo sa isa't isa," sabi ni Zam sabay hawak ng camera. Lumapit si Blythe ngunit may isang dangkal lang ang pagitan nila.

"Lumapit naman kayo. Mas lapit pa. Baka akala ng mga tao dito na nag-aaway kayo. Isa pa, wag kayong mahiya sa isa't isa. Parang kailan lang ay matamis kayong nagkalingkisan at ngayon ay nagkakahiyaan na kayo," sabi ni Zam.

"Ha? Hindi naman kami nagkalingkisan kanina," sabi ni Blythe. Biglang naramdaman niya na hinapit ang kanyang beywang ni Matthew. Napatingin siya kay Matthew at ganoon rin si Matthew habang nakangiti.

"Wow! Nice one. Tumingin naman kayo sa camera," sabi ni Zam. Tumingin sila at ngumiti nang napakatamis. "Teka lang," sabi ni Zam at lumapit sa mesa. Kinuha ni Zam ang bulaklak na nasa  mesa at ibinigay kay Blythe.

"Bakit kailangan kong humawak ng bulaklak?" tanong ni Blythe.

"Ay sus. Alam kong alam mo ang nasa isip ko. Kaya mo pinili ang magsuot ng damit na kulay puti dahil para kayong ikinasal ni Matthew. Kulang na lang ay veil at mataas ang iyong damit o gown," sabi ni Zam.

Nanlaki ang mga mata ni Blythe at hindi niya inaasahan ang sinabi ni Zam. Napatingin naman siya kay Matthew at malapad na nakangiti.

"Actually, ako ang pumili sa damit niya. 'Yan kasi ang nasa isip ko. Hindi lang siya kadate ko kundi nagmukha pa siyang bride ko," sabi ni Matthew.

Napangiti rin si Zam at inaasar ulit niya si Blythe sa pamamagitan ng tingin. Namula si Blythe at napatingin na lang sa sahig.

"Sige na. Isipin niyo lang na prenuptial 'to," sabi ni Zam. Hindi pa rin mabura ang ngiti ni Matthew habang nag-ala-bride-and-groom na nagpapicture.

Mayamaya ay si Matthew ang nagvolunteer na maging photographer nina Blythe at Zam. "Kayong dalawa naman ang kukunan ko ng picture. Ako ang kukuha," sabi ni Matthew kay Zam.

"Oh my! Thank you. Muntik ko ng makalimutan dahil nakapokus ang aking atensyon sa inyong dalawa. Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Wag na wag niyo akong kalimutan na imbitahan sa kasal niyo kung hindi friendship over talaga," sabi ni Zam. Napangiti si Matthew bilang pagtugon at kinuha muna ni Matthew ang bulaklak at ibinalik sa mesa.

"Matthew sa susunod ay bride's bouquet na talaga ang hahawakan ni Blythe ha? Aasahan ko iyan," masayang sabi ni Zam. Itinulak nang bahagya ni Blythe si Zam dahil napaka-talkative nito. Hindi pa rin mapigilang mamblush ni Blythe sa mga sinasabi ni Zam.

"Oo naman ngunit bago iyan bouquet muna bilang girlfriend ko," sabi ni Matthew at ngumiti. Napatili  si Zam habang kilig na kilig. Niyakap na lang siya ni Blythe at para magsimula na ang picture taking sa kanilang dalawa.

Alas diyes na ng gabi nang mapagdesisyunan nila na umuwi na. Nang lumabas na sila sa hotel ay katamtaman na bumuhos ang ulan. Nang may bakanteng taxi ang huminto sa kanilang tapat ay pinauna nilang sumakay si Zam.

"Una muna ako ha? Salamat sa time ninyong dalawa. Matthew, ingatan mo ang future wife mo ha?" sabi ni Zam at ngumiti.

"Oo naman," sabi ni Matthew. Napangiti rin  silang dalawa at halatang nangamatis si Blythe. "Paalam. Isesend ko sa messenger ang picture ninyong dalawa. Palitan mo na Blythe ang profile picture mo...I mean ninyo dahil share nga pala kayo sa account na iyon. Bye. Ingat kayo. Send me a message kapag nakauwi na kayo ha?" sabi ni Zam at pinaharurot na ng drayber ang taxi.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now