Chapter 25 (Part 2)

1 1 0
                                    

Napagpasiyahan nilang dalawa na hindi na ilihim ang kanilang relasyon sa dalawang pamilya. Sa araw ng graduation ni CJ ay pina-attend niya si Berna para makilala ng pamilya ni CJ. Hindi makakalimutan ni CJ na nakasuot si Berna ng simpleng blouse at saya. Buong pinagmamalaki ni CJ na pasalamatan at ipinaalam sa mga tao na girlfriend niya si Berna. Ang babaeng nakatago o dahilan sa pagiging matagumpay niya.

Nahimatay naman si Samantha Louise Merville nang malaman iyon! Hindi niya lubos maisip na ang lalaking minamahal niya ay kasintahan ang babaeng pinakamumuhian niya. Kaya dinala sa clinic si Samantha sa gitna ng graduation ceremony.

Lubos ang saya nilang dalawa. Hanggang matapos ang graduation ceremony ay patuloy na pinakilala ni CJ ang girlfriend niya sa mga kaklase at mga professor niya. Isinabit at ibinigay niya ang mga medalyang natanggap niya sa kanyang girlfriend at ipinasuot pa niay ang cap niya saka nagpapicture silang dalawa kasama ang pamilya ni CJ.

Pagkatapos ng graduation ceremony ay pumunta sila sa hotel kung saan ginanap ang party para kay CJ. Masaya naman silang dalawa. At sa gabi ring iyon pinagsaluhan ng magkasintahan ang matamis na pag-ibig at ligaya!

Kinabukasan ay nagpaalam ulit si CJ kay Berna. Ito ay dahil pagkatapos ng graduation ay kailangang sumama ni CJ sa kanyang ama para sa training kung paano mamuno sa kanilang kompanya at mga negosyo.

Kinuha na niya si Berna sa poder ng mga Merville at pinatira na sa kanilang mansyon. Binayaran na rin niya ang halaga na inutang ng mga magulang ni Berna sa mga Merville. Ibig sabihin, malaya na ang babaeng mahal niya.

Bago siya umalis papunta sa America ay mahigpit ang pamamaalam nila sa isa't isa. Pinasandal ni CJ si Berna sa dibdib niya habang nakaupo sila sa upuan. Kasakukuyang hinintay nila ang schedule ng flight nina CJ at sa kanyang ama.

"Mag-iingat ka dito ha? Wag mo masyadong pagurin ang iyong sarili. Masanay ka na, na ikaw ang amo at hindi ka na katulong katulad ng dati. Babalik ako paglipas ng tatlong buwan. Hintayin mo ako upang magkasama na tayong maghanda para sa kasal natin," malambing na wika ni CJ kay Berna habang hinahalikan ang mabango nitong buhok.

"Oo naman. Nakapaghintay nga tayo ng apat na taon na walang saktong komunikasyon. Tatlong buwan pa kaya na may cellphone na tayo? Basta maghihintay lang ako sayo dito kasama ang mommy mo," nakangiting wika ni Berna.

"Mommy natin," puna ni CJ habang nakangiti. "Oo nga pala. Mommy natin. Mag-iingat ka rin doon. Wag na wag mo akong palitan ng magandang chicks doon," seryosong sabi ni Berna.

"Anong palitan? Pwede ba iyon? Walang sinoman ang makakapalit sa'yo dahil ikaw lang ang babaeng mahal at dadalhin ko sa altar," wika ni CJ at hinalikan niya ang buhok ni Berna. Bigla na namang nag-anunsyo ang pager na maghanda na sila para sa susunod na flight.

Tumayo naman sila at niyakap nang mahigpit ni CJ ang babaeng mahal niya. "Walang makapantay sa pagmamahal ko sayo Berna," malambing na sabi ni CJ at hinalikan sa noo ang girlfriend niya. Patuloy na tinanaw ni Berna si CJ hanggang pumasok ito sa loob. Bago pumasok ay tumingin rin siya sa girlfriend niya at ngumiti. Patuloy na tinanaw ni Berna ang eroplano kung saan lulan ang nobyo niya hanggang lumipad ito.

***

Maayos rin naman ang komunikasyon nilang dalawa sa loob ng isang linggo. Di naglaon ay hindi na makontak ni CJ ang girlfriend niya. Kung itatanong niya sa kanyang mommy o mga katulong ay isasagot nila ay may lakad si Berna o may pinagkaabalahan.

Hindi naman naniwala si CJ sa mga paratang sa girlfriend niya. Hinintay na lang niya na matapos ang tatlong buwan para makabalik siya sa Pilipinas.

Nang makabalik siya ay hindi siya makapaniwala sa nangyari. Mahigit dalawang buwan na nakakulong ang girlfriend niya! Dalidali niyang pinuntahan ang kulungan kung saan nakakulong si Berna. Nakita niya na nakahiga si Berna sa isang maliit na karton. Nagising ito nang ginising ng mga pulis.

Unleash (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن