Chapter 31 (Part 2)

1 1 0
                                    

Tatlong buwan ang nagdaan ay nandoon pa rin sa maliit na bahay nakatira ang mga Wellington. Nais ng papa ni Blythe na lumipat sila sa mas malaking bahay. Ngunit ayaw ni Blythe. May nag-udyok sa kanya na mananatili sa bahay na iyon. Pakiramdam niya ay may maraming maliligaya at magagandang alaala na nangyari sa bahay na iyon. Kahit hindi na pumasok sa isip o naaalala niya ang totoong mga nangyari.

Pumasok si Blythe sa banyo para gawin ang morning rituals niya. Hindi pa rin niya mapigilang mapangiti habang pinagmasdan ang malaking umbok ng kanyang tiyan. Alam niya na sa mga darating na araw ay mailuwal na niya ang lalaki at babae niyang kambal. Oo! Nalaman na niya ang kasarian ng kanyang kambal noong nagpa-ultrasound siya.

Nang maisara niya ang pintuan ay bigla niyang naramdaman na may mainit na likido ang dumaloy mula sa gitnang bahagi ng kanyang hita. Pagtingin niya ay dugo! Naramdaman rin niya na mas lalong sumakit ang tiyan niya. Naramdaman niya ito kanina lang ngunit makaya-kaya pa naman kaya hindi niya pinansin kanina.

Mayamaya ay nawala ang sakit ng kanyang tiyan. Dahan-dahan siyang lumakad palabas ng kwarto niya. Naabutan naman niya na tulong-tulong sa paghahanda ang mga magulang niya ng almusal.

"Ma, Pa. Manganganak na ho ako," sabi ni Blythe.

Napahinto naman sa ginawa ang kanyang mga magulang. Dalidaling lumapit ang mama niya sa kanya at hinawakan ang balakang at tiyan ni Blythe. "Mahal, ihanda mo na ang sasakyan
Manganganak na ang anak natin," utos ng mama ni Blythe.

Tumango ang papa niya at dalidaling pumasok sa kwarto nila para kunin ang susi. Bumalik ulit ang sakit sa tiyan ni Blythe at mas doble pa ito. Kaya napahigpit ng hawak si Blythe sa upuan at sa hapag habang iniinda ang sakit. Minamasahe naman ang mama niya ang balakang niya. Mayamaya ay tumigil na naman ito.

"Magbihis ka muna anak ng damit para sa panganganak mo," sabi ng mama niya. Tumango si Blythe habang dahan-dahan na lumakad. Nang marating nila ang sala ay pinaupo siya ng kanyang mama at ang mama niya ang pumasok sa kwarto upang kunin ang damit niya.

Napatingin sa sahig si Blythe na kanyang tinapakan. Naramdaman niya na may maligayang nangyari dito kahit hindi na niya maalala. Sa pakiramdam na iyon ay nawala ang takot niya at nagbigay iyon ng lakas para mailuwal niya ang kanyang mga sanggol. Matapos makapagbihis si Blythe ay sakto namang lumabas ang papa niya.

"Pasensya kung natagalan. Hinahanap ko pa ang susi," sabi nito na nanginginig ang boses. Halata na mas kinabahan at natatakot siya sa panganganak ng kanyang anak.

Napangiti na lang ang mama ni Blythe. "Masyado ka kasing kabado eh. Halika ka na ihahatid na natin ang ating anak. Ilang oras ay makikita na natin ang mga apo natin," sabi ng mama ni Blythe. Inalalayan nila ang anak nila papunta sa sasakyan hanggang sa hospital.

Nang maipasok na si Blythe sa kwarto ng hospital ay patuloy pa rin niyang hinarap ang sakit sa labor. Napatukod na siya sa kama habang nakaluhod. Napapilipit na siya sa sakit at unti-unting tumagaktak ang pawis niya.

Sa pagdaan ng oras ay mas lalong sumakit ang naramdaman ni Blythe. Naramdaman niya na hindi lang sa tiyan kundi lahat ng parte sa kanyang katawan maliban sa buhok niya. Kahit anong gawin o posisyon niya ay hindi pa rin naibsan ang sakit!

"Aah! Ang sakit... Ang sakit... Masakit talaga...Sobra," hiyaw ni Blythe habang bumagsak na ang kanyang mga luha. Hindi na niya alam kung anong posisyon ang gagawin niya.
Halos hindi na siya makahinga sa sakit!

Lumipas ang anim na oras ay mas lalong masakit pa ang naramdaman niya. Ang masaklap pa ay putlang-putla na siya at naramdaman niya ang kanyang panghihina!

"Ma'am, humiga po kayo. Nanghihina na po kayo," sabi ng nurse. Binayaran talaga ng papa niya ang isang doktor at dalawang nurse para sa panganganak ni Blythe. Tinulungan ng dalawang nurse at ang mama niya sa paghiga si Blythe. Ang papa ni Blythe ay nasa labas lang at maputla na rin dahil sa kaba.

"Hindi... na ako... makahinga," sabi ni Blythe at tumulo na naman ang luha niya. Bakas sa kanyang mukha ang paghihirap niya. Nataranta naman ang mama niya. Dalidali namang inayos ang oxygen ng dalawang nurse at inilagay sa ilong ni Blythe.

"Ma'am, CS na lang po kayo. Sasabihin ko po ni Dok," suhestiyon ng isang nurse. Ngunit umiling si Blythe. Gusto niyang mailabas ang mga sanggol niya sa normal na paraan. Sakto namang pumasok ang doktor. Ineeksamin ng doktor ang pagitan ng kanyang hita. At ngumiti ito.

"Sige na Ma'am. Umere lang po kayo. Malapit na ang ulo ng unang bata 2 cm na lang," sabi ng doktor.

Biglang nabuhayan ng loob si Blythe. Kahit nahihirapan ay umere siya. Hinawakan niya bed sheet para kumuha ng lakas at umere na ulit siya.

"Nakita ko na ang ulo ng bata. Sige, push pa," utos ng doktor. Umere ulit si Blythe. Sunod ay humugot siya ng lakas at ibinuhos iyon sa pag-ere.

"Nakita ko na ang buong ulo. Wag kang tumigil! Baka masakal mo ang anak mo. Push ulit," sabi ng doktor. Mahigpit ulit na hinawakan ni Blythe ang kama para humugot ulit ng lakas. Hanggang naramdaman niya ang paglabas ng kanyang sanggol!

"It's a boy," masiglang sabi ng nurse at binalot niya ng malinis na tela. Napaluha ulit si Blythe nang makita at marinig ang iyak ng anak niya.

"May isa pa, Ma'am. Humugot ka ng lakas at umere ulit," sabi ng doktor. Sinunod ni Blythe ang sinabi ng doktor. Humawak na naman siya sa bedsheet at nagsimulang umere. Umere ulit siya. Sa ikatlong pagkakataon ay binuhos na naman ang lakas niya at umere.

"Nakita na namin ang ulo. Sige push," sabi ng doktor. Umere ulit si Blythe. At sa ikalawang pagkakataon ay biglang blur na ang kanyang paningin! Wala na rin siyang naririnig na mga boses. At hindi na niya naramdaman ang paligid!

Kahit blur ay nakikita niya na parang sumisigaw na ang doktor sa kanya. Puno naman ng pag-alala ang mukha ng mga nurse. Nakita rin niya ang mukha ng kanyang mama na sumisigaw at halatang takot na takot ito.

Hindi man niya naramdaman ang paligid ngunit pinilit pa rin niyang umere. Patuloy siya sa pag-ere. Hanggang sa huling pagkataon ay binuhos niya ang natitirang lakas sa pag-ere. Bumagsak na naman ang mga luha niya. Hanggang hindi niya mapigilan ang pagtakip ng kanyang mga takulap at nagdilim ang lahat!




Unleash (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें