Chapter 8 (Part 1)

8 2 0
                                    

"Ano ang ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang tinatrabahuan ko?" sa wakas nagawa ring magtanong ni Blythe. Ang mga trabahante at ibang mga tao ay nakatingin na sa kanila. Ang dalawang saleslady na palaging kinukutya si Blythe ay nakatingin rin. Halos lumuwa ang kanilang mga mata dahil hindi sila makapaniwala na may gwapong nilalang ang kumausap at nakangiti kay Blythe, ang babaeng kanilang nilalait at kinukutya.

"Sinusundo kita dahil hindi ko mapigilang mag-alala sa iyo. Gabi pa naman kaya delikado," kalmadong sagot naman ni Matthew.

"Sino ang lalaking ito Blythe?" tanong ni Zam na sobrang nagulat.

"Ah... si Matthew," sagot ni Blythe. Pigil-hininga na siya ngayon dahil hindi pa nga niya alam kung paano sasabihin kay Zam ang tungkol kay Matthew. Ngunit ngayon ay biglang lumitaw si Matthew na hindi rin niya inaasahan at hindi niya alam ang gagawin. Napakagat na lang siya sa kanyang labi nang makita niya na ang talim na ng tingin ni Zam.

"Kaano-ano mo ang lalaking ito? Ngayon ko lang nakita 'to ah!" sabi ni Zam.

"Pinsan," sagot ni Blythe.

"Kaibigan," sagot naman ni Matthew.

Mas lalong nagdududa si Zam dahil sabay sa pagsagot sina Blythe at Matthew ngunit magkaiba ang kanilang sagot. Hindi na rin makareact si Blythe kasi parang nastuck na talaga siya sa sitwasyon at wala na siyang maisip na palusot!

***

Kasalukuyang tinatanaw ni Blythe ang labas habang nakapangulababa. Parang nahulugan siya ng buong mundo sa hitsura niya. Patuloy lang sa paghagibis ang mga sasakyan na nasa labas ng 7/11. Katulad ito ng mabilis na pagtibok sa kanyang puso.

Lumingon siya sa tabi niya kung saan kalmadong-kalmado na nakaupo si Matthew. Nakangiti pa ito na hindi ipinakita ang ngipin habang pinagmasdan siya. Inirapan naman niya ito.

"Bakit ka ba pangiti-ngiti dyan?" mataray niyang sabi kay Matthew.

"Masaya lang akong pagmasdan ka," diretsng sagot ni Matthew at ngumisi na ito dahil nagkasalubong na naman ang kilay ni Blythe.

"May gana ka pang magsaya na may problema akong hinaharap dahil sa iyo," sabi ni Blythe ngunit halos pabulong lang ang kanyang boses dahil may ibang customer ang kumakain sa kabilang table. "Bakit ba bigla kang sumulpot sa trabahuan ko? Nakita ka tuloy ng mga trabahante lalong-lalo na kay Zam," patuloy na sabi ni Blythe.

"Eh di ipakilala mo na ako sa kanya. Sabi mo pa naman sa akin na ipakilala mo ako sa napakabait mong bestfriend. Kaya wag mo akong ikahiya na ipakilala sa kanya," kalmadong sabi ni Matthew.

Pinandilatan na naman ni Blythe si Matthew at ginulo niya ang kanyang buhok. "Arrgh! Nakakainis ka talaga. Hindi mo kasi naiintindihan ang sitwasyon. Wala akong problema sa pagpakilala ko sayo kay Zam. Ang sa akin lang ay ano ang sasabihin ko sa kanya tungkol sa iyo," sabi ni Blythe.

"Eh di sabihin mo ang totoo tungkol sa akin?" suhestiyon ni Matthew kay Blythe.

"Sa tingin mo, maniniwala kaya si Zam tungkol sa iyo? Baka isipin niya na nababaliw na talaga ako," sabi ni Blythe.

"Blythe wag kang mag-iisip ng negatibo sa iyong kaibigan. Isipin mo na ang makakaintindi sa iyo ngayon ay ang kaibigan mo muna. Sabihin mo sa kanya ang totoo. Nakikita ko naman na tunay siyang kaibigan sa iyo at mahal na mahal ka niya," sabi naman ni Matthew. Napabuntong-hininga na lang si Blythe.

Inilapag ni Zam ang tatlong siopao at tatlong Delight na probiotic drink. "Kumain tayo habang magpapaliwanag ka sa akin Blythe upang maintindihan ko ang lahat," seryosong saad ni Zam sa kanya. Kanya-kanya silang kumuha ng pagkain at nagsimulang sumubo.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now