Chapter 18 (Part 2)

2 1 0
                                    

Hindi na naman mawari ang ngiti ni Matthew habang pinagmasdan si Blythe. Naghihintay na lang sila sa pagkain na inorder nila. Katatapos na rin nilang hugasan ang kanilang mga kamay.

"Bakit ka ba nakangiti? Wala pa namang pagkain sa mesa natin," nagtatakang tanong ni Blythe.

"Dahil kanina," sagot ni Matthew. "Ha?" nagtatakang tanong pa rin ni Blythe.

"Wala," wika ni Matthew habang nakangiti pa rin.
"Alam mo? Hindi ko talaga inaasahan na makapunta ako sa lugar na ito. Nababasa ko lang ito sa mga libro ngunit ngayon ay nandito na talaga ako," di makapaniwalang sabi ni Blythe.

"Syempre sobra kang mahal ng boyfriend mo na nanggaling sa kathang-isip na mundo," wika ni Matthew.

"Nagugutom na ako," sabi ni Blythe at kumukulo na talaga ang sikmura niya. Akmang tatayo sana si Matthew para ifollow up ang order nila ngunit sakto namang papunta na ang waiter sa kinaroroonan nila. Inilapag ng mga pagkain ng waiter. Pagkatapos ay umalis na ang waiter. Pagtingin ni Matthew kay Blythe ay hindi na siya nagulat nang lantakan na ni Blythe ang mga pagkain. Mabilis itong sumubo nang sumubo.

"Ang sarap. Ganito ba talaga ang mga mamahaling pagkain o sadyang nagugutom lang talaga ako. Ewan basta ang sarap ng mga pagkain," komento ni Blythe habang patuloy na nilantakan ang mga pagkain.

Pinagmasdan pa rin ni Matthew si Blythe at lihim na napatawa. Ang nasa isip niya ay iba talaga ang girlfriend niya pagdating sa pagkain. Supposedly, may mga kubyertos sa mesa ngunit hindi na niya nagamit dahil nagkakamay na siya sa mga pagkain na walang sabaw.

"Bakit hindi ka pa kumain? Kumain ka na baka maubos ko ito lahat. Kawawa ka naman. Ikaw pa naman ang nagpareserve sa dinner na ito," sabi ni Blythe habang hindi pa rin magkamayaw sa pagkain.

Nagsimula namang kumuha ng pagkain si Matthew ngunit dahan-dahan lang at pinagmasdan pa rin si Blythe habang nakangiti pa rin.

"Bakit ka ba palaging nakangiti?" tanong ni Blythe. "Wala. Nakita ko lang ang future ko sa'yo," sagot ni Matthew ay nakangiti naman. Napakunot naman ang noo ni Blythe. Mukhang hindi niya naintindihan ang mga pinagsasabi ni Matthew.

"Wag kang mag-alala. Kapag kasal na tayo at may mga anak. Tri-triplehin ko ang pagkayod para makakain pa rin kayo na higit sa gusto niyo," nakangiting wika ni Matthew.

"Ha? Bakit naman?" naguguluhang tanong ni Blythe. "Malaki ang kompyansa ko na kapag may anak tayong babae ay magmana talaga sayo pagdating sa  pagkain," nakatawang sabi ni Matthew.

"Kontrolado naman ako pagdating sa pagkain except na lang talaga kapag gutom na gutom ako," wika ni Blythe.

Napatawa nang malakas si Matthew na mukhang hindi naniwala sa sinabi ni Blythe. Matalim namang nakatingin si Blythe sa kanya. "Okay. Okay. Sabi mo eh kaya naniniwala ako," nakangiting wika ni Matthew. Napangiti na rin si Blythe at patuloy pa rin sa pagkain. Madalas siyang pinagmasdan ni Matthew na makikita sa kanyang mga mata na tuwang-tuwa siyang pagmasdan si Blythe.

***

Pagkatapos nilang kumain at malinis na ulit ang mga kamay ni Blythe ay sinalinan naman ni Matthew ang sa kanilang wineglass. Bago ininom ni Blythe ang wine ay pinagmasdan muna niya ito nang mabuti.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Matthew. "Baka may gayuma 'to," biro ni Blythe at diretsong ininom iyon.

Napatawa naman si Matthew. "Hindi na kailangan na lagyan ko iyan ng gayuma dahil mahal na mahal mo rin ako," sabi ni Matthew at diretso ring ininom iyon. Nang matapos nilang ininom ang wine ay tumayo siya at lumapit ni Blythe habang inilahad ang kanyang kamay.

"Blythe, may I have this dance?" malambing na tanong ni Matthew. "Hala! Sasayaw na naman. Alam mo namang hindi ako marunong sumayaw," sabi ni Blythe.

"Please," mahinahong pakiusap ni Matthew. Tumingin si Blythe sa mga mata ni Matthew at para naman siyang hinipotismo sa mga na iyon dahil hinawakan rin niya ang kamay ni Matthew at marahang tumayo. Katulad ng dati hinawakan ni Matthew ang kamay ni Blythe at inilagay sa kanyang balikat. Hinawakan naman ni Matthew ang isang kamay ni Blythe at dahan-dahang hinapit ni Matthew ang beywang ni Blythe. Nagplay naman ang kantang No One Else Comes Close by Joe.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now