Chapter 14 (Part 1)

10 1 0
                                    

Madaling-araw pa lang ay biglang nagising si Blythe. Bigla siyang nanginginig dahil giniginaw siya. Masama pa rin ang kanyang pakiramdam. Pabalik-balik kasi ang kanyang lagnat. Tuwing madaling araw hanggang tanghali ay nilalagnat siya ngunit pagsapit ng hapon ay maayos naman ang kanyang pakiramdam. Sinubukan pa rin niyang matulog.

"Blythe, baka mahuli ka sa trabaho mo. Halika na sumabay ka na sa amin ni Matthew sa pagkain," sabi ng mama ni Blythe.

"O-opo. Mamaya na ho ako kakain. Sa tingin ko liliban muna ako sa trabaho ko ngayon," sabi ni Blythe habang nakapikit ang kanyang mga mata.

"Ha? Kaha-half day mo lang kahapon? Bakit naman?" mausisang tanong ng kanyang mama. "Masama ho ang aking pakiramdam. Nilalagnat ho ako. Sa tingin ko po hindi ko kayang magtrabaho ngayon," sabi ni Blythe. Nakalimutan ni Blythe na ilock ang pinto kaya dalidaling pumasok ang kanyang mama. Hinipo kaagad siya.

"Sobrang init mo nga. Kailan pa ba nagsisimula ang iyong lagnat?" tanong ng kanyang mama.

"Mga apat na araw na ho ang nakakalipas," sagot ni Blythe.

"Ang tagal na pala. Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" nag-alalang tanong ng mama ni Blythe.

"Pabalikbalik lang po kasi. Akala ko magaling na ako ngunit ngayon bumalik na naman," sagot ni Blythe. Pumasok naman bigla si Matthew. "Ba-Bakit ano ang nangyari po sa kanya Tita?" nag-alalang tanong ni Blythe.

"Nilalagnat raw siya. Pakikuha nga ng thermometer sa drawer Matthew," utos ng mama ni Blythe. Dalidali rin namang kinuha ni Matthew at kinuha niya ang temperature ni Blythe.

"39.5!" naibulalas ni Matthew. "Ha! Ang taas naman," gulat na saad ng mama ni Blythe.

"Dalhin ho natin siya sa hospital Tita baka kung ano ang mangyari sa kanya. Ang taas ng lagnat ni Blythe," suhestiyon ni Matthew at doble na talaga ang pag-alala niya kay Blythe.

"Wala akong sobrang pera para sa hospital," mahinang sabi ng mama ni Blythe.

"Ako na ho ang gumawa ng paraan. Ang importante nating gawin ay madala natin si Blythe sa hospital," sabi ni Matthew. Tumango ang kanyang ina at naghanda papunta sa hospital. Biglang may naisip naman ang kanyang mama na paraan sa mga sandaling iyon.

***

"May dengue ho ang anak niyo. Kailangan niya ring inumin ang mga gamot na irereseta ko para sa kanya," seryosong saad ng doktor. Nabigla ang mama ni Blythe. "Dengue ho dok?" di makapaniwalang sabi ng mama ni Blythe.

"Oo. Uso ngayon ang dengue lalong-lalo na kapag palaging umuulan," sabi ng doktor.

"Ga-galing naman ho si Blythe di ba Dok?" tanong ng mama ni Blythe.

"Oo basta painumin niyo lang ng gamot at sasabihin ko rin sa inyo kung kailangan niya na ng dugo," sabi ng doktor. Tumango naman ang mama ni Blythe. "Hintayin niyo lang ang nurse na mag-asikaso sa kanya," sabi pa ng doktor.

"Salamat ho dok," sabi ng mama ni Blythe at dahan-dahang lumabas mula sa tanggapan ng doktor.

Nang makalabas siya ay nakita niya sina Matthew at Blythe na nag-uusap habang paminsan-minsan ay tumatawa rin sa waiting area. Naka-upo sina Matthew at Blythe sa metal na upuan. Nakasuot ng leather jacket si Blythe gamit ang jacket ni Matthew habang ang kanyang ulo ay nakalagay sa dibdib ni Matthew. Ang isang kamay naman ni Matthew ay nakapalibot sa kanya.

"Tita, ano ho ang sabi ng doktor?" tanong ni Matthew nang mamataan niya ang mama ni Blythe.

"M-May dengue si Blythe," diretsong sabi ng mama ni Blythe.

Unleash (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon