Chapter 4 (Part 1)

13 3 0
                                    

Patuloy pa rin sa pagtingin ang mga tao nila na nakiusyoso sa kanila. Maraming nakakilala kay Shanieya de los Santos dahil napakasikat nito dahil sa sila ang nagmamay-ari ng napakalaking negosyo sa kanilang lugar. Isa pa, ang ama nito ang number one sa pinakamayamang tao rin sa lugar nila.

Parang binagsakan naman ng planeta si Blythe nang marinig ang sinabi ni Shanieya. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Para itong isang bangungot at gusto na niyang magising.

May girlfriend na pala si Charles ngunit bakit niya ako niligawan? Ano ba ang motibo niya?

Tumalikod na si Shanieya at pinagpatuloy na lang ni Blythe ang kanyang trabaho. Masama na ang tingin ng mga tao sa kaniya. At alam niya na pinag-uusapan siya ng mga tao na nasa paligid niya.

Pagsapit ng tanghalian ay mag-isa siyang pumunta sa food court. Dahan-dahan lang siyang lumakad at pinakiramdaman ang paligid. Tapos umupo sa pinakasulok at doon kumain.

Para naman siyang natutusok sa mga tingin ng mga tao ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang pagkain.

"Alam mo Sis, nagpasalamat ako na hindi ako NBSB dahil darating ang panahon na magiging desperada ako. Katulad sa kanya," sabi nila at lumingon ang dalawang saleslady sa kinaroroonan ni Blythe.

"Syempre hindi naman sa pagmayabang ngunit malayo naman ang hitsura natin mula sa kanya. Kapag pangit ka, wala talagang manliligaw at gustong maging boyfriend sayo," sabi naman ng isang saleslady.

"Sa tingin ko walang magkakagusto dyan kay Blythe kasi parang kalansay ang katawan. Alam naman natin na isa sa mga bagay na attractive para sa mga lalaki ay maganda ang hubog ng katawan ng isang babae. Malaki ang hinaharap at ang panghuli. Isa pa makinis at maputi ang balat. For sure, kapag meron kang katawan na ganoon ay ang lalaki pa ang maghahabol sayo. At maswerte tayo kasi meron tayong ganoon,"sabi naman ng isa. Tumawa naman silang dalawa.

"I agree. Sabihin na lang natin na mas importante raw ang katangian kaysa pisikal na anyo. Ngunit ang realidad, mas gusto ng lalaki ang magandang katawan kaysa katangian. Bakit sa tuwing magsisiping ba kayo ay ginagamit ba ang katangian para makamit ang ligaya? Hindi di ba? Kaya harapin na natin ang katotohanan. Tayong mga magagandang babae ay ang kahinaan ng mga lalaki," sabi ng babae

"Ilan na ba ang naging boyfriend mo?" tanong naman ng kanyang kausap.

"Hindi ko na mabilang. Basta ngayon apat na lalaki ang pinagsabay-sabay ko. Maganda naman tayo kaya lubus-lubusin na natin." Tumayo na si Blythe habang patuloy pa rin sa pag-uusap ang dalawang saleslady at pumunta siya sa locker room.

***

Pagsapit ng alas nuybe ay mag-isa na namang tinahak ni Blythe ang hallway patungo sa gilid ng highway. Hindi pa rin nagbabago at nanatiling umiilaw ang paligid ngunit naglaho na ang taong palaging hinawakan ang kamay niya habang nag-aabang ng jeep, ngumiti habang kinakausap siya, at kakaway kapag nakasakay na siya ng jeep. At sa isang iglap, tumulo ang mga luha niya. Nawala na ang lalaking inaakala niya na makapagbago ng status niya! Patuloy pa rin sa pagliliwanag ang paligid at paibaiba ng kulay ang nga ilaw. Ngunit nakatayo naman ang nag-iisang dalaga na puno ng lungkot at pighati sa kanyang puso!

Bakit Charles? Bakit inilihim mo ang girlfriend mo sa akin? Ang sakit-sakit lang kasi niligawan mo ako tapos malalaman ko na may girlfriend ka na pala! Nasaan na ang pangako mo na ihahatid mo ako ngayong gabi para makilala si mama? Sinabi ko na nga kay mama na may ipakilala ako sa kanya ngunit paano na ngayong wala ka na dahil niloko mo ako?

Unleash (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu