Chapter 10 (Part 1)

13 1 0
                                    

"BLYTHE!" sigaw ng mama niya. "Ay! Baka panaginip ko lang iyon dahil wala naman si Blythe dito sa labas. Akala ko talaga nandito siya dahil parang may narinig akong nag-uusap na babae at lalaki. Natutulog na rin si Matthew," mahinang sabi ng Mama ni Blythe. Isinara na ulit niya ang pinto at nagpatuloy sa pagpahinga.

Nakahinga nang maluwag si Blythe nang maulinigan niya na isinara na ang pinto sa kanyang mama ulit. Nasa loob na si Blythe ng kwarto niya.

Whew! Akala ko talaga katapusan ko na kanina. Akala ko talaga makikita kami ni mama sa ganoong posisyon. Buti na lang natagalan siyang makalabas kahit nakabukas na ang kanyang pinto dahil sa paghahanap ng switch at kanyang tsinelas. Ginamit ko talaga ang lightning power ko sa pagtakbo kanina.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Binuksan  niya iyon at galing kay Matthew.

Blythe, muntik na tayo doon kaso hindi sa pagmamayabang ay may acting skills naman tayo plus lightning power mo. haha... Anyway, matulog ka na. Sorry sa pagtatampo ko kanina. Dito ay limitado muna ang mga kilos natin ngunit kasalungat naman sa panaginip natin. Malaya mo akong mapapaniginipan. Dadalhin rin kita sa panaginip ko ngayong gabi! Wag ka ng kabahan, okay?

Hindi mapigilang mapangiti si Blythe nang mabasa niya ang text message galing kay Matthew! Ilang sandali nga lang ay nakatulog kaagad siya nang mahimbing dahil walang sagabal na umaaligid sa kanyang puso at isipan. Katulad rin ni Blythe si Matthew, napakadali lang na natulog nang mahimbing.

***

"Ayieh. Nakakilig naman. Sabi ko naman sayo Bly. Basta pagdating sayo ay titiklop yan si Matthew. Sa tingin ko, ikaw ang kahinaan ni Matthew. Ikaw lang tong pa-hard-to-get," sabi ni Zam. Day off ni Blythe kaya tinawagan niya si Zam gamit ang cellphone para manghiram ng suit para kay Matthew sa darating Dinner Party. Madali namang napa-oo si Zam kasi may nakatandang kapatid na lalaki si Zam. At bigla namang napunta ang pag-uusap nila kay Matthew.

"Anong kahinaan? Hindi ah. Ano lang...baka dahil lang sa utang na loob dahil pinatira namin siya dito," sabi ni Blythe.

"Aish. Nakita ko talaga mismo sa aking mga mata kagabi. 'Yong ikaw lang ang tanging nakikita ni Matthew kagabi kontra sa mga babaeng manggagamit at f**k girls...Pasensya na sa salita. Ayiehh...kinikilig talaga ako nong pinili ka talaga ni Matthew over sa ibang mga babae," sabi ni Zam na halatang kinikilig.

"Hindi ah. Pagkatapos naman sa eksena na iyon kagabi ay naging cold si Matthew sa akin. Kaya wag kang kiligin," wika ni Blythe.

"Eh syempre sino ba ang hindi magtatampo sa ginawa mo. Palagi kayong nagkikita tapos nilihim mo ang tungkol sa party. Inunahan ka pa sa mga malalanding babae. Wala namang problema dahil ikaw naman ang pinili ni Matthew kahit hindi mo siya inimbita. Isipin mo na pinag-aagawan si Matthew para maging escort ng mga kababaihan tapos si Matthew mismo ang nagvolunteer na maging kadate mo. Ang swerte mo, gurl. Ano ang rason niya bakit siya nagtatampo? Sinabi ba niya na nagseselos siya dahil baka may iba kang naisip na maging kadate mo at hindi siya?"

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now