Chapter 6 (Part 1)

10 2 0
                                    

Hinawakan  ni Blythe ang jacket para hubarin. Ngunit nang mapatingala siya ay napatigil siya sa kanyang ginagawa. Diretsong nakatitig si Matthew sa kanya at sobrang lapit na ng kanilang mukha sa isa't isa. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya na hindi kaayaaya ang ginawa niya ngayon. Hinuhubaran niya ang isang lalaki!

My gosh Blythe. Ano na naman itong ginawa mo? Hinuhubaran mo si Matthew. Nakakahiya ka talaga. Ano na lang ang masasabi at maiisip ni Matthew tungkol iyoBaka inakala nito na ang landi at ang harot mo.

Dalidali siyang napatayo at napaatras. Inaayos muna ni Matthew ang jacket na malapit na mahubad ni Blythe ng tuluyan. Ngunit hindi niya na isinara ang zipper. Napayuko na lang si Matthew.

Tumikhim muna ulit si Blythe at nagsalita habang nakayuko rin siya. "Ma-Matthew, paumanhin sa ginawa ko. Hindi naman ako ganoong babae na malandi na gaya siguro ng iniisip mo. Nakasanayan ko na lang talaga sa sarili ko na kapag tumatagaktak na ang pawis ko ay magpapalit ako kaagad dahil natatakot ako na magkasakit ako," paliwanag ni Blythe.

"A-ayos lang. Wag kang mag-alala," nauutal na sabi ni Matthew.

"Kumain ka na," sabi ni Blythe at patakbo siyang pumasok sa banyo para magsipilyo at para na rin makalabas muna siya sa tension at kahihiyan. Pagpasok niya ay isinara niya ang pinto at sumandal muna sa likod ng pinto. Humihingal siya dahil parang nagkarera na ang puso niya sa pagpitik. Tumingin muna siya sa salamin at nakita niyang namumula rin ang pisngi niya.

Pagkatapos magsipilyo ay huminga muna siya nang malalim at saka lumabas. Nagpanggap siya na parang walang nakakahiyang nangyari sa kanila ni Matthew.

Naabutan  niya na nagsimula ng kumain si Matthew. Nagpalit na rin siya ng T-shirt. Kulay gray ang T-shirt na pinasuot niya. Kung si Blythe ang magsusuot nito ay napakalaki ng T-shirt sa kanya ngunit ngayon ay saktong-sakto ito ni Matthew. Lalong lumitaw ang malaporselana niyang balat. Bumabakat ang malapad at matipuno nitong dibdib. Nakita rin niya ang napaka-attractive na Adam's apple nito nang napatingala sa kanya. Ngumiti si Matthew sa kanya. 'Yong ngiti na hindi ipakita ang ngipin. Parang may hipnotismo ang ngiting iyon dahil napangiti rin siya. Ang palitan ng kanilang mga matatamis na ngiti ay makikitang walang halong pagkukunwari.

"Aalis ka na?" mahinahong tanong ni Matthew kay Blythe.

"Ahm...oo," sabi ni Blythe at dirediretso niyang kinuha ang string bag niya. Tatalikod na sana siya para lumabas ngunit humarap muna siya sa kinaroroonan ni Matthew.

"Ah...ano. Diyan lang ang banyo kung gusto mong gumamit o maligo. May ilang toiletries pa akong naka-stock at hindi pa nagamit kaya malaya ka ring gamitin iyon. Kung mabored ka may mga libro dito na maari mong basahin. Pwede ka ring matulog sa kama ko kapag inaantok ka. Pwede mong magamit ang netbook ko kung gusto mong manood ng movies basta kapag nakakaalis na si mama. At wag mong kalimutan na kumain ng pananghalian para hindi ka malipasan ng gutom. May mga naka-stock na chips at biscuits sa cabinet na nasa kusina kung gusto mong magmiryenda,"sabi ni Blythe.

"Maraming salamat Blythe sa lahat. Wag kang mag-alala susundin ko ang lahat na sinabi mo. Hindi rin ako gagawa ng anomang gulo. Hihintayin kita dito kaya mag-ingat ka," sabi ni Matthew. Tumango naman si Blythe.  Isinarado niya ang doorknob baka kasi biglang pumasok ang mama niya.

"Ma, aalis na po ako," sabi ni Blythe at nagmano. "Sige, anak. Mag-iingat ka,"paalala naman ng kanyang mama.

"Ah! Ma, pwede po bang pakitira ng pagkain at ilagay nyo lang po sa hapag," pakiusap ni Blythe.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now