Chapter 28 (Part 2)

1 1 0
                                    

Isang buwan na ang nakalilipas ngunit ganoon pa rin kinikilos ni Blythe. Palaging umiiyak o humihikbi. Nagpapasalamat na lang si Matthew na nitong mga huling araw ay unti-unting kumakain na si Blythe kahit konti lang.

Nang pumasok sa kwarto si Matthew ay natagpuan na naman niya si Blythe na tulala habang nakaupo sa kama nito. Kung ihahambing ang katawan nito noon at ngayon ay malayo na talaga ang pinagkaiba.

Ang matuwid at mahaba nitong buhok na maayos na nakalugay noon ay ngayon ay medyo magulo na. Ang mga labi nito na palaging nakangiti ay hindi na niya nakita simula noong nalaman na nawala na ang kanilang kambal. Ang mga kilay nito na kapag aasarin niya ay magkasalubong, ngayon ay hindi na ito nakakunot dahil wala ng ekspresyon ang mga ito.Mas lalong pumayat at namumutla si Blythe. Ang pagmamahal niya para kay Blythe ay nagbago rin!

Inaamin ni Matthew na namimiss niya ang dati. Namimiss niya kung saan aasarin niya si Blythe at mapakunot ang mga kilay nito habang matalim na nakatingin sa kanya. Namimiss niya kung saan kikislap o magniningning ang mga mata ni Blythe kapag ngumingiti ito. Namimiss niya ang pinagsaluhan nilang matamis na halik at maiparamdam sa kanya kung gaano niya kamahal si Blythe! Ngunit ngayon ay unti-unti ng nagbago o nawala. Parang mga dahon kung saan napakaluntian nito habang umuusbong ngunit paglipas ng panahon ay matutuyo ito at mahuhulog sa mga lupa!

Oo! Inaamin niya na nagbago ang pagmamahal at pagtingin niya kay Blythe. Ito ay dahil mas lalo niyang minahal si Blythe sa sitwasyon na hinaharap nila ngayon. Mas lalo niyang minahal si Blythe kahit nag-iba pa ang hitsura nito. Alam rin niya na mas kailangan siya ni Blythe. Kaya hinding-hindi niya iiwan at pababayaan si Blythe. Tumabi siya sa babaeng mahal niya at magiliw na hinalikan si Blythe sa noo.

"Blythe, may maganda akong balita. Babalik ulit ang papa mo dito at kasama na si Zam. Pinakiusapan ng papa mo ang kompanya na tinatrabahuan ni Zam na mag-leave muna siya para samahan ka dito," sabi ni Matthew habang nakangiti. Ngunit katulad ng dati ay hindi pa rin natinag si Blythe. Nakatuktok lang siya sa kawalan.

"Palagi na lang tayong nandito sa loob ng bahay. Magbakasyon kaya muna tayo. Para makakita ka naman ng ibang tanawin at mga tao," suhestiyon ni Matthew at pilit na ngumiti.

Biglang lumingon si Blythe kay Matthew. "Kambal lang natin ang gusto kong makita," sabi ni Blythe.
Nagpasalamat naman si Matthew na nagsalita at lumingon na si Blythe sa kanya sa loob ng isang buwan. Malaki na ang pag-asa na nasa loob niya. Matamis siyang ngumiti kahit papaano.

"Kung ganoon. Bakit hindi natin sila bisitahin?" malumanay na sabi ni Matthew.

"Gusto kong buhay sila. Hindi ka ba nakaintindi?" singhal ni Blythe sa kanya. Napayuko na lang si Matthew habang napatiim-bagang. "Katulad mo gusto ko rin sana na makita sila. Kaso wala eh. Hindi natin hawak ang buhay nila. Ang mabuti pa tanggapin na lang natin ang kinahihinatnan nila," malungkot na sabi ni Matthew.

Tumayo si Blythe. "Ayaw ko! Kailanman hindi ko matanggap ang nangyari sa kanila. Kung sayo ay matanggap mo ngunit iba ako. Hindi ko matanggap ang kinahihinatnan ng mga anak ko!" mariin na sabi ni Blythe. Hindi naman umimik si Matthew.

"Teka nga! Bakit parang wala ka lang? Namatay na ang mga anak natin ngunit hindi ko nakita ang pag-iyak at paghinagpis mo. Pinapahalagahan mo ba sila? Minahal mo ba sila kahit katiting diyan sa puso mo? Bakit ang dali mong matanggap na wala na sila? Ginusto mo ba ang nangyari?" tanong ni Blythe habang bumagsak na naman ang kanyang mga luha.

Parang piniga ang puso ni Matthew nang marinig ang sinabi at pagbintang ng babaeng mahal niya. Kahit nag-aapoy pa sa galit si Blythe ay patuloy pa rin na malamig ang nasa puso at isipan ni Matthew. Kahit sisigawan, sisinghalan, sabihan na mga masasakit na salita ay nananaig pa rin ang pag-intindi at pagpasensiyoso niya para sa babaeng mahal niya!

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now