Chapter 23 (Part 1)

4 1 0
                                    

Parang tumigil ang mundo ni Blythe at namanhid ang buo niyang katawan. Para sa kanya ay isang bangungot ng kanyang buhay, hindi siya makagalaw o makapagsalita.

Nagsitakbuhan ang mga tao sa kinaroroonan ng mama niya habang nanatili pa siya sa kanyang posisyon.

"Tumawag kayo ng ambulansya. Dali! Baka mabuhay pa itong ale. Tumibok pa naman ang puso niya kahit mahina. Baka nahimatay lang siya," sigaw ng isang ale. Nang marinig ni Blythe na tumitibok pa ang puso ng mama niya ay saka nagkaroon siya ng lakas. Nabitawan niya ang mga pinamili nila at diretsong lumapit sa mama niya.

"Paparating na ang ambulansya. Katatawag ko lang," sabi ng isang lalaki na nasa edad bente y singko.

"Ma, lumaban ka ma. Wag mo muna kaming iwan," sabi ni Blythe at humagulhol. May isang babae naman na pinunit ang cloth na coat niya at itinali ito sa ulo ng mama ni Blythe na patuloy ang pagdaloy ang dugo.

May tumapik naman sa likod ni Blythe at pinapatahan siya, "Wag kang mag-alala Miss. May buhay pa naman ang mama mo. Kaya wag kang mawawalan ng pag-asa," sabi ng isang babae na nasa edad bente y uno. Di naglaon ay narinig nila ang sirena ng ambulansya. Agad-agad na isinakay ang mama niya at sunakay rin si Blythe.

"Wala ba kayong ibang kasama sa bahay?" tanong ng nurse. Napahikbi si Blythe at umiling. Mayamaya ay napagtanto niya na meron pa pala.
Si Matthew. Kinuha niya ang kanyang cellphone habang nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Hindi na lang niya tinawagan dahil nagtatrabaho pa si Matthew. Tinext niya lang ito tungkol sa nangyari at papunta sila sa Southern Islands Hospital.

Habang naghihintay ay umupo si Blythe sa metal na upuan at napasandal siya habang napapikit ang kanyang mga mata. Nanginginig pa rin at nahihilo siya. Napamulat siya ng konti. Parang umiiral ang paligid at berde ang mga ito sa kanyang paningin kaya pumikit ulit siya. Napapalitan ng mga tunog ng mga kulisap ang paligid at parang wala na siyang lakas!

Biglang tumunog ang cellphone niya. Napapikit pa rin siya habang kinuha iyon at sinagot.

"Blythe, wag kang mag-alala papunta na ako
diyan," wika ni Matthew sa kabilang linya.

"Matthew, nahihilo ako," sabi ni Blythe habang nakapikit pa rin.

"Ano? Blythe, please umupo ka muna diyan. Kung hindi mo na kaya, subukan mong humingi ng tulong. Please kumapit ka muna, malapit na ako diyan," sabi ni Matthew na puno ng pag-alala para sa kanyang nobya at mama nila.

"Oo. Nag-Naghihintay ako sayo," mahinang sambit ni Blythe. "Blythe hindi ako maghang-up para malaman ko kung ano ang nangyari sayo diyan," sabi ni Matthew.

Minulat ulit ni Blythe ang kanyang mga mata. Ngunit lumala na ang paningin niya dahil madilim na ang nakikita niya.

"Matthew... ma-madilim na ang paningin ko," sabi ni Blythe.

"Blythe, narinig mo pa ba ako?" tanong ni Matthew na hindi na magkamayaw kung anong posisyon siya uupo. "Please, kumapit ka muna", pakiusap ni Matthew. Ngunit hindi na niya narinig si Blythe sa kabilang linya at naputol ang tawag niya. "Manong pwede po bang pakibilisan. May emergency lang ho," sabi ni Matthew sa driver ng jeepney. Tumango naman ang driver. Tinawagan ulit niya si Blythe ngunit hindi na sinasagot ni Blythe ang tawag niya. Mas lalong nag-alala na siya sa kanyang nobya at hindi na siya mapakali. Tinawagan niya ulit. Mayamaya ay sinagot na ang tawag niya. Nagpasalamat naman siya.

"Blythe, kumusta na ang pakiram..." Hindi natapos ang pagsasalita ni Matthew dahil ibang boses na ang narinig niya. "Sir, nandito po si Ma'am sa room 104. Nawalan po siya ng ulirat kaya dinala namin dito," sabi ng babae sa kabilang linya. Mukhang isang nurse ito.

"Salamat Miss. Kumusta na siya?" tanong ni Matthew. "Kasalukuyan pa po siyang nagpapahinga. Mayamaya ay magigising na po siya," sagot ng nurse.

"Maraming salamat. Malapit na ako diyan," sabi ni Matthew. "Sige po sir," sabi ng nurse at in-end na ni Matthew ang tawag. Mayamaya ay natanaw na niya ang Southern Islands Hospital. Nagpasalamat naman siya at pinahinto ang jeep. Diretso siyang pumanaog at hindi na hinintay ang sukli niya. Dalidali siyang pumasok sa Room 104 at nakita nga niya si Blythe na nakahiga. Nakapikit pa rin ang mga mata nito at maputlang-maputla.

"Kumusta ho siya, Dok?" tanong ni Matthew sa doktor na tumingin kay Blythe.

"Maayos na siya. Nawalan lang siya ng malay dahil sa sobrang takot at stress. Isa pa, nagdadalang-tao siya at maselan ito. Ngunit wag kang mag-alala, magigising rin siya mayamaya," sabi ng doktor.

"Maraming salamat ho. May ipapainom ba akong gamot sa kanya?" tanong ni Matthew.

"Wala. Wag mo muna siyang painumin ng mga gamot dahil nagdadalang-tao siya. May masamang epekto ito sa bata. Paggising niya ay pakainin mo lang siya ng pagkain. Mas mabuti ang bulalo at saging sa kanya upang bumalik ang lakas niya," payo ng doktor.

"Sige po," wika ni Matthew. "Oh siya sige. May pasyente pa akong naghihintay," wika ng doktor at umalis na ito kasama ng isang nurse.

***

"Si mama? Kumusta na siya? Nasaan na siya ngayon?" bungad ni Blythe pagkagising pa lang niya. At dahan-dahang bumangon. Inalalayan  siya ni Matthew para makaupo.

"Kumain ka muna para manumbalik ang lakas mo," sabi ni Matthew at hinanda ang pagkain niya na nasa supot.

"Sagutin mo muna ang tanong ko para hindi na ako mag-alala," sabi ni Blythe. Umupo muna si Matthew. "Kumain ka muna para magkaroon ka ng lakas na bisitahin siya," mahinahong wika ni Matthew.

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit ayaw mo na akong sagutin?" nagtatakang wika ni Blythe.

Hinawakan naman ni Matthew ang kamay ni Blythe. "Nagpapagaling pa ang mama mo," sabi ni Matthew.

"Hindi naman iyan ang tanong ko. Ang tanong ko ay nasaan na siya?" sabi ni Blythe sa mataas na boses. Mukhang naiinis na ito. Huminga nang malalim muna si Matthew. Sa palagay niya ay wala siyang choice kundi sabihin kay Blythe ang totoo.

"Na-Nasa ICU pa ang mama mo," mahinang wika ni Matthew. "Ano?! Hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising? Pupuntahan ko siya. Samahan mo ako," sabi ni Blythe at akma siyang tatayo ngunit pinigilan siya ni Matthew.

"Please. Wag ka munang magmatigas Blythe. Sundin mo muna ako. Para rin ito sa kapakanan natin. Wag mong kalimutan na may dala-dala ka ring buhay. Kaya wag mo sanang pabayaan ang anak natin. Wag mo munang pairalin ang emosyon mo. Sumunod ka muna sa akin please," pakiusap ni Matthew sa kanyang nobya. Napaisip naman si Blythe. Di naglaon ay nagpasalamat si Matthew dahil kumalma na si Blythe. Kumain na rin ito.

Pagkatapos ay pumunta sila sa room kung saan nakahiga ang mama niya. Hinawakan pa rin ni Matthew ang kamay ni Blythe. Nang pumasok sila ay hindi mapigilang umiyak ni Blythe. Nakahiga ang mama niya habang may bondage sa ulo. Makina na lang ang tanging nagdadala ng paghinga nito. Hinahaplos naman ni Matthew ang likod ni Blythe.

"Blythe, kumalma ka. Makakasama sayo niyan. Gagaling si mama. Nacomatose lang siya ngunit malaki ang posibilidad na gigising siya kaya hintayin na lang natin," sabi ni Matthew upang kumalma si Blythe. Pinunasan ni Blythe ang kanyang mga luha at nagwika, "Tama ka. Malakas si mama kaya lalaban siya para sa atin," sabi ni Blythe. Ngumiti si Matthew sa narinig niya at tinulungan niyang umupo si Blythe.

"Pwede bang malaman ko ang buong nangyari?" tanong ni Matthew. Tumango si Blythe.

"Masaya kaming nagkwekwentuhan ni mama. Papauwi na kami galing sa palengke dahil tapos na kaming bumili para sa hapunan natin. Sobrang bilis ng pangyayari. Biglang may humahagibis na sasakyan. Ako sana ang masagasaan kaya lang tinulak ako ni mama. Iniligtas ako ni mama kaya siya ang nasagasaan," kwento ni Blythe.

"Nasaan na iyong nakasagasa kay mama?" tanong ni Matthew.

"Hindi ko na alam. Pinaharurot lang ang kanyang sasakyan. Tinakbuhan niya ang responsiblidad at napinsala niya," sabi ni Blythe at humagulhol. Mahigpit naman siyang niyakap ni Matthew upang mapatunayan na hindi siya nag-iisa sa pagharap sa hamon na ito.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now