Chapter 6 (Part 2)

8 2 0
                                    

"S-Sorry. Nagmamadali lang kasi ako. Baka magsara na iyong tindahan na pagbibilhan ko," paumanhin ni Blythe.

Nagbago naman ang ekspresyon ni Zam at tumingin siya sa kanyang wrist watch. Bigla naman siyang nag-alala para sa kanyang kaibigan.

Pinara na ni Blythe ang jeep na paparating sa kanilang kinaroroonan. Ang jeep na ito ay pupunta sa local na tindahan na pupuntahan niya.

"Mag-ingat ka Blythe dahil gabi pa naman. Basta wag mong kalimutan na imessage ako tungkol sa lakad mo ngayon," paalala ni Zam. Tumango lang si Blythe habang kumaway sa kanyang matalik na kaibigan nang umandar na ang jeep.

Nang pumanaog siya sa jeep ay dalidali siyang pumasok sa isang local store. Nagpasalamat siya dahil bukas pa ito. May iilan pa namang mga customer. Ang local store na pinasok niya ay nagtitinda ng mga damit, laruan, school supplies at marami pang iba. Ang mga tinda nila ay produkto lang sa bansa at hindi imported kaya mas mura kontra sa mga tinda na nasa loob ng mall.

Dalidali siyang pumili ng mga panlalaking kasuotan at iba pang kagamitang panlalaki. Ginugol niya ang lahat ng savings niya para sa mga gamit ni Matthew. Nang matapos siyang bumili ay pumasok siya sa 7/11 at bumili ng dalawang fried chicken at dalawang rice. Sigurado kasi siya na ang niluto ng kanyang mama ay sapat lang sa kanilang dalawa kaya bumili na lang siya ng pagkain.

Bago pumasok sa loob ng bahay ay inaninag muna niya ang loob baka nanonood pa ng telebisyon ang mama niya. Nagpasalamat siya nang wala siyang narinig at madilim na sa loob ng bahay. Ibig sabihin ay natutulog na ang kanyang mama sa loob ng kwarto nito.

Nag-ala-ninja siya papunta sa kwarto niya. Nang pumasok siya ay tumambad sa kanyang harapan si Matthew. Nakatayo si Matthew habang nakasuksok ang kamay nito sa kanyang bulsa sa pants. Nakangiti ito sa kanya na hindi ipinakita ang kanyang ngipin. Mukhang sabik na sabik at inaabangan talaga niya ang pagbalik ni Blythe. Nang makita niya na may maraming plastic bag na dala si Blythe ay dali niyang kinuha ang mga iyon.

"Ahh...Para sa iyo yan lahat," sabi ni Blythe. Nabigla si Matthew at tiningnan niya ang mga bagay na nasa loob ng mga plastic bag. "Sa-Salamat Blythe," ang nasabi na lang ni Matthew. Hindi niya talaga alam kung paano magpasalamat kay Blythe sa mga ginawa niya para sa kanya.

"Mga lokal lang yang mga gamit na iyan kaya mura ngunit malinis naman. Wag kang mag-alala hindi iyan ukay-ukay," sabi ni Blythe kay Matthew. Tumango si Matthew at nagniningning ang kanyang mga mata habang nakathumbs up. "Kumain ka na para makapagpahinga ka naman. Hapong-hapong ka na,"sabi ni Matthew.

"Oo... ah...eh. Teka lang magpapalit lang muna ako," sabi ni Blythe. Heto naman ang problema niya ang magpapalit ng damit. Inilapag niya ang kanyang string bag at kumuha ng damit pambahay sa cabinet. Magbabalak pa sana siyang magsuot ng short pants at blouse na spaghetti strap dahil medyo mainit kaso may kasama siya ngayon. Kumuha na lang siya ng black na leggings at isang blouse na ang haba ay hanggang hita niya.

"Sa banyo ka na lang magpalit dahil hindi pa ako pwedeng lumabas sa kwarto. Nilinis ko na iyon kaninang umaga," sabi ni Matthew at nakatalikod ito sa kanya.

Pumasok na siya sa banyo at namangha siya dahil sobrang linis na nito kontra kanina. Tuyo na rin ang sahig. Sinuot muna niya ang tsinelas para sa loob ng banyo at saka nagpalit.

Akma na sana siyang lalabas nang namataan niya ang kanyang mga damit na nakasabit na sa mga hanger ngayon. Mukhang kalalaba ng mga damit niya kaninang tanghali lang dahil basa pa ang mga iyon ngunit hindi na tumutulo ang tubig. Bigla siyang namula ng makita rin ang mga undergarments niya na malinis at maayos na ang mga ito na nakaclip.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now