Chapter 4 (Part 2)

10 2 0
                                    

Nagresign na si Charles Rodriguez!" bungad ni Zam kay Blythe nang pumasok ito sa locker room. Hindi na umimik si Blythe at patuloy lang itong inaayos ang mga gamit sa locker. Pagkatapos ay pumunta ito sa powder room para magretouch. Nakasunod naman niya si Zam. Bigla siyang niyakap ni Zam mula sa likod at nagwika,"Lagi mong tandaan na nandito lang ako para sayo. Handa akong makinig sa mga hinanaing mo. Kaibigan mo ako at mahal na mahal kita. Sana maalala mo yon."

"Oo naman. Bakit ko naman iyon makakalimutan. Mahalaga ka sa akin," sabi ni Blythe at ngumiti.

Tumunog na naman ang alarm kaya nagsimula na silang nagtrabaho. Nagfocus na lang si Blythe sa tinatrabaho niya para hindi niya maalala ang sakit na nararamdaman niya. Kaya naman niyang ngumiti ngunit deep inside ay nandoon pa rin ang sakit na pilit niyang nilalabanan. Kapag naalala at nalulungkot siya sandali ay bigla namang mapatingin si Zam sa kanya at ichecheer siya sa pamamagitan ng ngiti. Napangiti na rin siya ulit.

Ngayon alam ko na kung bakit ang lahat ng tao ay may matalik na kaibigan o totoong kaibigan dahil sa oras ng kagipitan at kasawian ay may nagchecheer sayo at tutulong sayo. Kung masaya o nakakatawang sitwasyon naman ay may kasama ka. Kung may desisyon ka na gagawin ay nandoon ang kaibigan para magguide sayo at susuporta sayo basta ang desisyon na pinili mo ay ikakabuti para sayo. Ngunit kung sa tingin ng kaibigan mo na walang mabuting maidudulot ang desisyon na pinili mo ay siya naman ang kokontra para hindi ka malilihis sa matuwid na landas.At higit sa lahat ang kaibigan mo ang magmamahal sayo bilang ikaw. Sila ang magmamahal sa strengths mo as well as your weaknesses. Kaya napakaimportante talaga ang may totoong kaibigan.

Madali lang naman malalaman kung totoo ba ang kaibigan mo o hindi. Oo! Marami kang kaibigan kapag masaya at maayos ang sitwasyon. Ngunit kapag nasa problemadong sitwasyon o mahirap na sitwasyon ay konti lang matitira sayong kaibigan na tinatawag nating loyal. Maswerte nga tayo kung may tatlo, dalawa o isa ang matitira. Ang mga natitirang kaibigan sa kabila ng lahat ay sila ang totoo kaya pahalagahan mo. Kung may totoo kang kaibigan ay mas lamang ka pa kaysa mga mayayamang tao.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now