Chapter 7 (Part 2)

7 2 0
                                    

"Matthew, mabait at matulungin si mama kaya dapat ay tagain natin ang kahinaan niya. Ang kahinaan ni mama ay madaling maawa sa taong mahirap o nagigipit sa kahirapan. Kailangang magpanggap ka na nasunugan para maawa si mama sa iyo. Sabihin mo lang na mahirap ka tapos may naipundar kang maliit na bahay kaso nasunog ito. Wala ka ng ibang matutuluyan kundi sa tabi ng kalye. Naiintindihan mo ba ako?" tanong ni Blythe.

Ngumiti naman si Matthew at tumango. Nagpatuloy naman si Blythe sa pagsasalita,"Ang kailangan nating gawin ay magaling sa pag-arte. Seryoso nating gawin ang role natin. Bawal ang tumawa. Ang role ko ay kaibigan mo at wala ka ng ibang tao na mahingian ng tulong kundi ako lang. Ngayong madaling-araw ay dapat gising na tayo kasi maagang gumising si mama para magluto ng almusal. Kaya dapat maunahan natin siya. Lalagyan kita ng uling sa katawan mo at lalagyan rin kita ng mga sugat at paso gamit ang make up kit ko. Galing kay Auntie Andrea ang make up kit ko kaya mas maganda ang resulta dahil imported iyon. Pagkatapos kong ayusin ang pisikal  mong anyo ay lumabas ka sa bintana. Wag mong kalimutan na dalhin ang backpack na ito dahil dito ko inilagay ang mga gamit mo kunwari. Kasi magtataka si mama kung wala kang dalang gamit tapos kalaunan kung titira ka dito ay makikita niya na may mga kasuotan ka at ibang gamit. Magtatanong iyon si mama tungkol doon at wala tayong matino na sagot para doon. Kaya dalhin mo ang bag na ito at sabihin mo na ito na lang ang naisalba mong gamit," sabi ni Blythe.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now