Epilogue

2 1 0
                                    

Mag-isang tinahak ni Blythe ang kalsada. Pinagmasdan niya ang mga naglalakihang puno ng Acacia. Nang mahagip sa kanyang mga mata ang Jacob's Ladder ay parang naestatwa siya.

May isang lalaki na nakasuot ng maitim na boots, maitim na pants, maitim na leather jacket, at maitim na leather hat. Nakatayo ito habang nakatalikod sa kanya. Nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pants niya. Nakatingala rin ito sa makulimlim na kalangitan. Hindi niya alam ngunit biglang tumibok ang puso niya nang malakas. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinatatayuan nito. Nang malapit na siya ay biglang lumingon ito sa kanya.

Di mapigilang bumagsak ang mga luha niya habang nakangiti sa lalaki. Ang lalaking hinahanap-hanap niya. Ang lalaking pinapangarap niyang makasama ulit.

"Matthew," sambit niya. Mapait namang ngumiti ang lalaki at mababakas ang sobrang lungkot sa kanyang mga mata. Bago pa makahakbang ulit si Blythe ay tumakbo si Matthew palayo sa kanya. Patakbong pumanhik si Matthew sa Jacob's Ladder.

"Matthew, sandali?" sigaw ni Blythe at sinundan niya ito. Singbilis ng kidlat makatakbo si Matthew ngunit pilit siyang sinundan ni Blythe. Nang mapatingala si Blythe ay nasa tuktok na si Matthew sa Jacob's Ladder malapit sa watch tower. Nakita ni Blythe na malungkot ito habang tumulo ang luha.

Mas binilisan rin ni ni Blythe ang pagtakbo. Nang maabot niya ang tuktok ng Jacob's Ladder ay tumigil siya habang humihingal. Nang makabawi ng konti ay tinanaw niya ang buong plasa ngunit walang kahit anino ni Matthew ang nahagilap sa kanyang mga mata.

Humakbang siya ngunit wala talaga si Matthew! Doon naman niya napagtanto na nag-iisa pala siya sa plasang iyon dahil hiniling niya noon na mawala  si Matthew sa buhay niya. Naglaho si Matthew dahil sa kanya!

Patuloy na bumagsak ang kanyang mga luha habang humakbang papunta sa railing ng plasa. Ang railing kung saan una niyang nasilayan si Matthew sa kanyang panaginip.

Di na niya mapigilang humahagulhol sa sobrang pagsisisi. "Matthew, I'm sorry. I'm so sorry. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko. Tama ka! Nabulag lang ako sa mga masasakit na nangyari sa buhay ko ngunit mahal kita. Mahal na mahal. Labis ang pagsisisi ko sa nagawa ko. Kung nasaan ka man ngayon, sana marinig mo ang mga sinasabi ko," sabi ni Blythe habang patuloy na humahagulhol.

"Wag ka ng umiyak. Narinig ko ang lahat," sabi ng isang lalaki. Awtomatikong napalingon si Blythe sa nagsasalita. Hindi nga siya nagkakamali. Si Matthew ang nagsalita! Nagniningning ang mga mata nito habang nakangiti sa kanya nang napakatamis.

Bago pa makareact si Blythe ay nilapitan siya nito at mahigpit na niyakap. Halatang nangungulila rin si Matthew sa babaeng mahal niya.

Hindi mapigilang humikbi ni Blythe sa loob ng mga bisig ng lalaking mahal na mahal niya. "Shhh. Wag ka ng umiyak. Nandito na ako. Narinig ko ang lahat. Kaya wag ka ng umiyak," pag-aalo ni Matthew kay Blythe. Ngunit hindi pa rin tumigil si Blythe kaya hinalikan siya ni Matthew sa labi.

"Please. Wag ka ng umiyak. Naalala mo, isinakripisyo ko nga ang buhay ko para lumigaya ka. Tapos makikita kong umiiyak ka sa harap ko," mahinahong sabi ni Matthew. Di naglaon ay tumigil na sa paghikbi si Blythe ngunit nanatiling may mga luha na dumaloy sa kanyang mga mata. Napangiti naman si Blythe. Tumikayad siya at mahigpit na niyakap ulit si Matthew. Niyakap rin naman siya pabalik ni Matthew.

Mayamaya ay magkahawak kamay silang umupo sa sementadong upuan. Nakatanaw sila sa dagat.

"I'm sorry sa nagawa ko. Sana mapatawad mo ako," sincere na sabi ni Blythe. Hinawakan naman ni Matthew ang pisngi ni Blythe at marahang pinisil iyon.

"Wag kang humingi ng tawad sa akin. Wala akong maalala na may kasalanan o atraso ka sa akin. Ako nga ang dapat magsorry sayo," sabi ni Matthew.

"Magsorry sa akin? Bakit?"takhang tanong ni Blythe. Marahang tumango si Matthew at pinagmasdan ang mga mata ni Blythe.

Unleash (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon