Chapter 8 (Part 2)

7 2 0
                                    

Nang marating nila ang bahay, nasa kwarto na ang mama ni Blythe at nagpapahinga na ang nauna. "Ako muna ang papasok sa kwarto para magpalit ng damit. Tapos ikaw ang susunod," sabi naman ni Blythe.

"Pwede naman tayong magkasabay ah. Ginawa naman natin iyon di ba?" sabi ni Matthew at ngumisi. Umiiral na naman ang pang-aasar niya kay Blythe.

"Noon iyon. Iba na ngayon dahil kilala ka na ng mama ko," sabi ni Blythe.

"Natutulog naman ang mama mo kaya wala ng makahahadlang sa gagawin natin," banat ni Matthew at tumawa siya nang mahina dahil nagkasalubong na ulit ang mga kilay ni Blythe.

"Arrgh! Nakakaasar ka talaga! Bakit pa ako nakikipag-usap sa iyo? Maghanap ka ng kausap mo o kausapin mo iyong pader mag-isa," sabi ni Blythe at sinara na ang pinto sa kanyang kwarto. Naiwang nakatawa si Matthew sa inasal ni Blythe. Ewan ba niya ngunit para sa kanya ang sarap talaga asarin si Blythe. Kapag magkasalubong ang kilay nito ay napakacute nitong tingnan.

Nang maisara ni Blythe ang pinto ay nakasimangot pa rin siya. Umupo siya sa upuan sa study table at tumingin siya sa salamin. Habang pinagmasdan ni Blythe ang repleksyon sa kanyang sarili ay hindi niya mapigilang sumilay ang ngiti niya na pilit niyang tinatago kanina.

Ano ba ang nangyari sa akin? Noon talaga ay ayaw na ayaw kong may mang-aasar sa akin. Ayaw kong may lumalandi o mang-aakit sa akin. Ngunit ngayong pagdating ni Matthew ay kabaliktaran na ang lahat. Dapat nga ako magagalit dahil inaasar ako ngunit parang tumraydor ang puso ko at isipan, dahil kinikilig ako!

Pagkatapos niyang magpalit ng damit ay humugot muna siya ng lakas bago buksan ang pinto at sinadya niya talagang sumimangot para hindi malaman ni Matthew na kinikilig siya sa mga pang-aasar o mga banat nito sa kanya.

Nang bumukas ang pinto ay nabigla siya dahil tumambad ang malapad na dibdib ni Matthew sa kanya. Nakasmirk ito sa kanya. "Ayos lang kapag ganyan ang suot mo dito sa loob ng bahay dahil ako lang ang makakita. Ngunit wag na wag kang magsusuot ng ganyan kapag lumabas ka," seryosong saad ni Matthew sa kanya.

Nagtaka naman si Blythe sa biglang pagseryoso ni Matthew dahil kanina ay inaasar-asar pa siya kanina. Tumingin siya sinuot niya pulang upper na spaghetti style ang strap tapos green na short pants. Sinuot niya iyon dahil yun ang usual na suot niya pambahay. At isa pa, sa sala na matutulog si Matthew kaya wala na siyang dapat ipangamba.

"Ito talaga ang sinusuot kong pambahay. Ganito ang usual na sinusuot ko kasi mainit ngayong gabi. Hindi naman ako sinisita ni mama,"nagtatakang sabi ni Blythe.

"Iba na ngayon kasi nandito na ako," sabi naman ni Matthew.

"Anong pinagkaiba? Boyfriend ba kita dahil sinisita mo ako sa sinusuot ko? Ganito ang mga style ng mga pambahay ko," sabi naman ni Blythe.

"Hindi pa sa ngayon kaso malakas ang kumpyansa ko na sa madaling panahon magiging boyfriend mo na ako. Hindi ko naman sinabi na bawal mong suotin yan. Ang sa akin lang ay ayos lang na suotin mo dito sa loob dahil ako lang ang makakita. Wag lang sa labas dahil may ibang lalaki pa ang makakita sa iyo. Ayaw kong may ibang makakita na lalaki sa iyo kapag nagsusuot ka ng ganyan," seryosong paliwanag ni Matthew.

Unleash (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang