Prologue

45 6 0
                                    

"Ikinalulugod ko pong ipakilala ang special guest para sa ating book concert ngayon. This is the first time that we can see her in public. So we feel honored about that, right? She is the writer of the most trending and popular novel Unleash these days. Everyone, let us all welcome Ms. Blaze Seleno," pakilala ng host sa kanilang special guest.

Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob ng venue ng book concert at halatang inaabangan talaga nila ang sikat na writer na hinahangaan nila.

Dahan-dahang lumakad ang isang babae at pilit na ngumiti. Ang totoo ay kinakabahan talaga siya. First time niyang  makita sa publiko ngayon. Hindi talaga siya sanay sa ganito. Hindi talaga siya sanay na nasa spotlight. Ngunit may nakapagsabi sa kanya na dapat she should conquer her fear. She should get out from her comfort zone. Sinalubong siya ng host at nakipagbeso-beso muna siya kay Ms. Blaze Seleno  .

"We are glad to see you here, Ms. Blaze. Have a seat please," magiliw na sabi ng host.

"T-thank you," nakangiting sabi ng writer at umupo na. Nakangiti  pa rin ang host sa kanya habang pinagmasdan ang hinahangaan nilang writer. Tumingin rin ang may-akda sa mga audience habang ngumiti at tumingin siya pabalik sa host.

"Oh my! I'm sorry Ms. Blaze. Nastarstruck lang talaga ako that's why I am so speechless right now. I am really fan of your works and especially to you," sabi ng host habang patuloy na nagniningning ang mga mata nito.

"Maraming salamat po. Hindi ko po talaga inaakala dahil isa lang po akong hamak na writer," mapagkumbabang wika ni Ms. Blaze.

"Talaga? Well, dapat you should know that dahil kahit napakasikat ninyo, nanatili pa rin po kayong mapagkumbaba. Kaya marami po ang humahanga sa inyo," sabi ng host. Blaze Seleno laughed nervously.

"Anyway Ms. Blaze, let's start. Ano ang pakiramdam na nandito kayo?" nakangiting tanong ng host.

"Kinakabahan po talaga ako. Ngunit sa kabila nito ay nag-uumapaw ang kasiyahan ko na makita ko kayong lahat. At isa pa po, fulfilling po talaga sa akin na natapos ko ang kwentong ito at ito po ang outcome na nandito ako ngayon sa harapan ninyo," sabi ng writer at nagpalakpakan ang mga tao na nasa loob ng venue sa ginanap na book concert.

"Wow. Pang-Miss Universe ang sagot, ah. Ang ganda ng sagot. Oops! first question pa lang 'yan but she nailed it," sabi ng host. "Okay, let's proceed Miss Blaze." Tumango naman ang writer at nakinig ng mabuti sa itatanong ng host.

"Napakaganda talaga ng kwento. Paano ninyo nabuo ang nobela sa inyong isipan? Naranasan mo na bang umibig sa isang lalaki?" nakangiting tanong niya.

Napatingin naman siya sa host at mga tao. Namutawi sa kanyang mga mata at sa kanyang puso ang nakatagong kwento sa pagsulat ng napakagandang nobela.

Halos hindi humihinga ang mga tao na nandoon. Mas doble rin ang katahimikan sa pag-aabang nila sa sagot ng hinahangaang writer. Puno ng pananabik ang kanilang puso para sa sagot at malaman ang nakatagong kwento ni Ms. Blaze Seleno!

***

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a crime punishable by law.

©All Rights Reserved 2021

A/N:  Grammatical, typographical, and orthographical errors ahead.

Hangad ko lang po ang inyong lubos na pag-unawa. Maraming salamat po.

Plethora Hope

Unleash (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя