Chapter 26

591 28 0
                                    


Bumaba na kami ni Tyler sa mustang,at sumalubong agad sa amin ang mga grupo ng estudyanteng  kababaihan na papasok sa Thompson  University na bigla nalang nilang hinulog sa daan ang mga hawak nilang plastik na pinagkainan nila at yung baso ng Coke sa Jollibee at yung pinaglagyan ng fries.

Gusto ko silang suwayin sana,kado naisip ko na baka ako lang din sa huli ang magiging mali.

Tinignan ko si Tyler sa tabi ko pero wala na pala siya dito,nakita ko siya na pinulot yung mga basurang pinagkainan ng mga grupo ng kababainhan kanina.

Akala ko itatapon niya ito sa basurahan pero,inihabol niya ang mga basura niya sa mga babae kanina.

Lumapit nalang ako sa kaniala,sinundan ko si Tyler para malaman kung ano ba ang plano nitong lalaking ito.

Magtaka nalang ako ng bigla niya hinarang ang mga babae at nakita ko nalang na ibinaba ng mga kababaihan ang kanilang bag,at binuksan nila ang kanya kanya nilang sling bag,na mukhang mamahalin.

Halos naka LV silang bag,pagkatapos nilang binuksan ang kanilang bag ay isa-isa namang inilagay ni Tyler ang mga basura sa kanilang mga sling bag.

Naghiyawan ang mga babaeng may- ari ng mga sling bag,dahil nadumihan na ang loob ng bag nila.

"Pleaase!"

"Oh maaay"

"OMGggg my loving bag"

Ilan lamang yan na mga sinigaw nila.

After nun,umalis na agad si Tyler da harap nila.

Then narinig ko pa yung sinabi nung isang babae about sa akin.

"Diba yun yung the poorest girl?"
Pabulong nitong sabi sa katabi niya pero rinig na rinig ko naman.

Hindi ko.nalang iyon pinansin at inaya ko na si Tyler na pumasok na.

Habang naglalakad kami sa coridor,nahahalata ko na pinagtitinginan ng mga kababaihan si Tyler. May mga kinikilig at may mga sumisigaw ng kyaaaaah.

"andito na tayo!" sabi ko.kay Tyler at itinuro sa kanya ang pangalan ng section namin.

Halos kunpleto na ang classmate kong andun,umupo ako sa upuan ko at si Tyler naman ay tumabi kay Jeus,dahil bakante talaga yung isang upuan na katabi ni Jeus.

Nasa harapan naman nila sina Jacer at Eliel,na abalang gumagawa ng kani-kanioang mga Assignment.

Halos ganyan yung ginagawa nila,laging umaga sipang gumagawa pati pagrereview.
Pero kahit ganoon sila,bilib parin ako sa kanila kase ang tatalino parin nila,at napakataas parin ang mga nakukuha nila sa mga quizes at exam.

Dumating na yung first subject techer namin.

Inintroduduce lang noya si Tyler sa buong klase at ibinilin niya sa akin si Tyler na ako na daw bahala sa kanyang mga activities at ako nalang din daw bahala sa pageexplain or pagtutor sa kanya about sa mga namiss niyang topic.

Then after nun iniwan na.niya kami at nag-iwan lang siya ng activity sa amin,na kailangan daw naming tapusin ngayin at kokolektahin din daw agad ng president namin.

Recess na ngayon,at inaya ako ni Tyler na sumabay sa kanila ni Jeus na magrecess sa Mall.

Sa una tumanggi ako,pero siJeus ay mapilit.

"uy" tawag sa akin ni Tyler.

"Ano pala pangalan mo?nakalimutan ko kasing tanungin kanila,nagmamadali kase tayo kanina sa bahay."
Oo nga no? Naalala ko na hindi ko pa pala nasabi kay Tyler yung pangalan ko at kung ano ba ang ginagawa ko sa mansyon nila.

"Ikaw ba yung anak ni manang?"
Yung binabanggit niyang manang is yung katulong sa mansyon.

"ah hindi,personal sitter lang ako ni Jeus."

Napatawa pa ako sa sinabi niya.

"Oh why are you laughing?"

"Hahaha wala,tara na,baka malate pa tayo sa next subject natin."

Pumunta na kaming lima sa Mall,sumama na rin sina Jacer at Eliel.

Basta kung kasama ko si Eliel,is parang may iba akong nararamdaman,yung feeling na ang gaan gaan ng pakiramdam ko kay Eliel,na parang long lost kapamikya ko.

"Uy,tara muna sa kid zone,tara muna maglaro ng basketball!"
Aya sa amin ni Tyler,at wala na rin kaming nagawa kaya sumama nalang din kami sa gusto niyang maging trip.

Napansin kong lumapit sa akin si Jeus,at idinikit niya yung balikat niya sa balikat balikat ko,na siya namang ikinagulat ko,dahil may larang kuryenteng bigla nalang tumaas papunta sa ulo ko.

Unti-unti ko siyang tinignan,at nagsisi ako na tinignan ko pa siya,kase nakatingin din pala siya sa akin.

"May problema?" agad niyang sabi sa akin.

Umusog ako onti palayo sa kanya,kaso ilang segundo ang lumipas is lumapit ulit siya at inakbayan niya ako na ikinagulat ko ng husto.

"Hoy,ano bang trip mo? Noon ang sungit-sungit mo sa akin at ayaw mo pang lumalapit ako sayo,pero ngayon para kang ka close ko na lapit ng lapit,at may paakbay pang nalalaman!"

"Diba baby sitter kita? Edi ok lang,na gawin ko to sayo,nangangalay na kase itong kamay ko kaya ipinatong ko muna ang kamay ko sa balikat mo! Bawal po ba?"

Inalis ko agad yung kamay niya,pero ibinalik niya ulit kaya hinayaan ko na.

Natapos na rin si Tyler sa paglalaro,at nag aya naman na rin si Jacer na balik  na raw kami sa classroom,kase 20 minutes nalang daw is magtatime na.


Thompson UniversityWhere stories live. Discover now