Chapter 53

444 26 2
                                    


Nasa sasakyan na kami ngayon para umuwi na,halos isang oras na kami bumabiyahe pauwi pero hindi pa rin humihinto itong sasakyan. Sumilip ako saglit para tignan ang daan kung daan pa ba ito patungo sa bahay ng Azriel Family. Pero hindi e,daan ito patungo sa bahay namin pero diko sure kung doon kami pupunta.

Maya-maya pa ay huminto na ang sasakyan at tiyaka nagsilabasan sila kaya sumabay na rin akong lumabas,umorder lang din sila ng mga pagkain ulit at si Velly Girl at Jaycer ay dumating na rin galing sa super market. Ang dami nilang dalang mga groceries. Napapaisip nalang ako kung para saan yun? Siguro kakainin namin sa destinasyon namin o kung saan man kami pupunta. Wala Kasi talaga akong ideya kung saan,nahihiya naman akong mag tanong sa kanila pero kaninang tinanong ko si Velly Girl ay dyan lang daw malapit lang pero kanina pa kami bumabiyahe. Ayoko namang isipin na sa bahay kami pupunta pero kung doon nga edi maganda at makikita ko ulit sila nanay at tatay.

Kanina pang tahimik tong mga mokong na ito, ni isa walang nagsasalita maliban sa music na super lungkot. Si Jeus yung druver namin. Tapos ako sa back seat and si Eliel,Jaycer at si Velly girl na nasa likod. Actually nasa gitna si Velly girl. 

Nasa right side ni Velly Girl si Eliel at ginawa niyang unan ang balikat ni Velly Girl habang nakangangang natutulog.

Ang cute nilang tignan,pero itong Jaycer nakatulala lang sa labas. Hindi ko alam kung malalim lang ang iniisip niya or talagang asset na niyang maging tahimik at tumulala ng mag-isa. Pero ang cute niya parin bagay niyang maging seryoso lagi ang mukha. Pero napapaisip nalang ako minsan kung ano kaya magiging mukha neto kapag nakangiti.

Biglang prumeno yung kotse na naging dahilan ng pagkagising ng mga ulirat namin. napahiyaw nalang ako at napamove forward kaming lahat dahil sa biglaang pagkapreno ng  kotse. Pagtaas ko ng mukha para tignan yung harap namin kung bakit prumeno agad itong kotse ay nasa harap namin ang isang lalaking mga 15 years old ang edad habang tulalang nakatingin sa amin. Parang nadurog bigla ang puso ko ng makita ko yung reaksyon niya. Nakikita ko sa mata niya yung takot at pagkagulat. Ang dumi niya at medyo punit punit na rin yung damit niya pero bakit puno siya ng nga pasa?

"hoy bata! Magpapakamatay ka ba? "sigaw ni Jeus sa bata.

Agad akong lumabas at linapitan yung bata, hinila ko siya sa gilid ng daan kase nagsisimula ng matraffic. Ipinarking na rin ni Jeus ang kotse niya sa gilid.

"Ok ka lang ba? "tanong ko sa bata.

"Ahmm" tanging sambit niya tiyaka humagulhol na ito ng malakas na malakas.

Awang-awa ako sa bata, pinipilit kong hindi umiyak kasi gusto kong makita ako ng bata na malakas kasi alam kong kaipangan niya ng kakampi at yayakap sa kanyang pagkatao.

Yinakap ko siya habang umiiyak siya sa balikat ko. Ramdam ko yung sakit, yung bawat paghikbi niya na may malalim na rason na tanging sa pag iyak na lamang niya ibinubuhos at ang pilit niyang pinupwersa yung mga braso niya sa pagyakap sa akin na kung pwede lang ayaw na niyang makawala sa pagkakayakap sa akin.

Maya-maya pa ay nararamdaman ko ng kumakalas na siya sa pagkakayakap. Lumapit na rin sina Eliel, Jeus, Jaycer at Velly girl so ayun si Velly Girl umiiyak na rin.

Pero ako nananatiling kalmado lang. Pinipilit kong itago ikubli ang luhang kaninang pang handa na makibag sabayan sa pag agos. Pero ayokong kunawala sila. Nakita ko si Eliel na naaawa rin base sa expression niya.

"Hey bro! " sambit ni Eliel sa bata sabay tapik sa balikat niya.

Lumapit rin si Jaycer tapos ginulo niya yung buhok ng bata na ang pagkakaalam ko ay simbolo yun na may isang achievement kang na tapos na kung saan yung gumulo ng buhok mo ay proud sa'yo.

"Pasensya ha!"sambit ni Jeus sa bata, tapos nakipag shake hands sa bata.

"Anong pangalan mo? "tanong ko sa bata.

"Mike po" sagot naman neto sa akin.

"Nice to meet you, ako naman si ate Ensley. " pakilala ko naman sa kanya at iniabot yung kanang kamay ko para makipag shake hands din.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now