Chapter 58

415 18 0
                                    


Wednesday na. Kagigising ko lang, inayos ko na ang higaan ko at tumungo na sa banyo para maligo na.

Mga 10 minutes lang ako naligo, magready na ako para makalabas na at makapag breakfast na sa baba, at bago ang lahat pupunta pa ako sa kwarto ni Jeus para icheck kung nakalabas or nakapagready na siya.

Kinatok ko ng dalawang beses ang kwarto niya. Walang sumasagot, kinatok ko 'to ng isang beses pero wala pa rin. Sinubukan kong buksan ang pinto at 'yun walang kahirap-hirap kase hindi naka lock ang door knob.

Pagkatulak ko ng pinto nakota ko si Taong palaka na nakahilata pa lang, nakasuot palang sa kanya ang sapatos niya at nakauniform pa, uniform pa niya kahapon.

"Huy! Gising na, malelate na tayo"
Gising ko sa kanya at yinuyog ko siya ng marahan para sana magising pero gumalaw lang ito.

"Huy, taong palaka, saan ka ba nanaman kase nanggaling kagabi ha?" Yugyog ko ulit sa kanya.

Napagdesisyonan kong buhatin siya para tuluyan na itong magising.

Nagready ako at ang force na gagamitin ko.

"One two three!" Bilang ko at binigla ko itong binuhat patayo kaso na out of balance ako.

Hindi ko inexpect ang mga susunod nangyare, nagsisi ako sa ginawa ko. Na out of balance ako at napunta ako sa ibabaw niya. Napapikit ako mula nung babagsak ako sa kanya. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, and yes! Tama nga ako sa hinala ko. Nakadampi ang labi ko sa labi niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang namagnet ako sa kanya.

Gusto kong tumayo na at makalayo na sa kanya pero hindi ko kayang gumalaw man lang. Namalayan kong gumalaw si taong palaka at nakita kong iminulat niya ang mga mata niya. Mas mabilis pa sa alas kwatro ang pagbangin niya, pati ako nagulat din sa pangyayare.

"Anong ginagawa mo?" Sambit ni taong palaka na may pagtataka.

"A-a-ano..."

"Pinagnanasahan mo ako?" Sambit niya ng pasigaw.

"Hoy huwag kang assuming, na out of balance lang ako."

" ang sabihin mo gusto mo lang ako? Para ano?" Sigaw ulit neto. Hindi ko makapaniwala sa mga binitawan niyang mga salita, ang sasakit. Hindi ko naman sinadya yun e.

"Na out of balance nga ako diba?" Sigaw ko rin sa kanya.

"Ganyan kana ba kadesperada ha?" Sigaw ulit niya sa akin.

Hindi ko.na napigilan ang sarili ko. Tumakbo na ako palabas ng kwarto niya bago pa man mahulog ang mga luha ko.

Nakita ko si Mr. Kis at Mr. Azriel at alam kong nakita din nila ako.
Tumakbo ako ng tumakbo,napansin kong parang may sumusunod sa akin.

Beeep!beeep! Busina ng kotseng sumusunod sa akin.

"Iha! Sakay na! "Sigaw ni Mr. Kis habang nakasakay sa kotse.

Pero napaupo nalang ako sa kinatatayuan ko sa sobrang pagod,  hinihingal ako habang pinupunasan ang mga luha ko. Patuloy itong umaagos.

" ano bang nangyare iha?" Tanong ni Mr. Kis sa akin na hindi konna namalayang nasa tabi ko na pala.

"Sir, alam ko naman pong mahirap lang po ako, ero alam ko din ang nakakabuti sa akin at alam ko kung ano ang tama at mali." Sambit ko sa kanya at sabay punas uli sa mga luha ko.

"Wala na ba kaming karapatang itrato bilang tao din? Ng walang sukat?" Sambit ko ulit.

"Alam mo iha, baliktarin man natin itong mundo, tao pa rin tayo. Mayaman ka man o mahirap, iisa lang yung sumusukat sa pagiging totoong tao natin ito ang pagmamahal. Kasi dahil sa pagmamahal hinding hindi nito masusukat ang anumang bagay na meron tayo ngayon. Alam mo kung ano ang mahalaga? Ito!" Sabay turo niya sa may puso ko." Dyan! Dyan mo malalaman ang lahat ng sagot kasi once na tumibok at lumakas yan. Sure na isa ka sa mga taong marunong mang unawa at magmahal. Kung ginamit mo yan sa bawat desisyon mo mas pipiliin mo palagi ang magmahal at umunawa  kesa magkikim ng sakit at mag isip kung paano maghiganti. Kahit sa sobrang pinakamasakit na pangyayare sa buhay mo if ginamit mo 'to(turo niya ulit sa may puso ko) lahat magiging ok, mahihirapan ka man pero mapapaisip ka nalang na everything happens for a reason. Kase hindi ka naman bibigyan ng panginoon ng pagsubok na hindi mo kayang lampasan."

Huminto ang luha ko at mundo ko. Yinakap ko si Mr. Kis. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ng yakap yakap ko si Mr. Kis. Parang may sagot na nasagot sa pagkayakap ko sa kanya.

"Tahan na iha"

"Salamat po"


Thompson UniversityWhere stories live. Discover now