Chapter 10

846 31 1
                                    


Saglit palang ng buksan ko ang TV ay nagising na si taong palaka,nakita kong gumalaw ang kamay niya at unti-unti niyang iminulat ang mga mata nito.

Kaya agad ko namang nilapitan ito at tinulungang bumangon ng nakita kong pinipilit nitong bumangon.

"Uy,dahan-dahan lang"

"izzz kaya ko to!" sabay tapik sa mga kamay ko.

"nagmamatigas ka nanaman akala mo kung sino kang malakas,eh ang hina-hina mo rin naman."

"what are you talking about?,you don't have a right to tell that nonsense words towards me!" galit niyang sambit sa akin.

Pero nagmatigas din ako na tulungan siya,kaya at the end of the time,wala rin siyang choice kundi tanggapin ang alok kong pag alalay sa kanya.

"nagmatigas pa kase eh bibigay din naman."

"are yoi willing to help me? Or you're still assuming that you're like a perfect women? Na akala mo naman hindi ko niligtas ng isang beses."

"ano? Anong sabi mo?" tanong ko kase hindi ko narinig ng masyado ang mga huli niyang nabanggit, kase hininahan niya ang boses niya sa last part na nabanggit niya.

"wala!sabi ko bilisan mong tulungan ako,kase kanina pa ako nangangalay sa posture kong ito"

"sabihin mo pa ulit  yung mga sinabi mo!

"wala nga sabi eh.hindi ka lang pala assumera,isa ka rin palang napakakulit na tao."

"aah ganun pala ha" binitawan ko siya mabilis ko siya iniwan at umupo sa kinauupuan ko kanina.

"aaaaaaaah,huy tulungan mo.ako dito."sigaw ni taong palaka.

"Pilitin mo pa ako!"

"ano ka? Sinuswerte?"

"eh ano ka rin ba? Sinuswerte para tulungan ko,pwes manigas ka."

"oh sige sige na,pleeease tulungan mo na ako dito,kase kanina pa ako nangangalay"

"Diko feel,"

"iiih paano ba ang gusto mo?"

" wahaha joke lang,oh sige na,tulungan na kita."

Tinulungan ko na si taong palaka para makaupo ng maayos,naaawa rin kase ako sa kanya,nagmamatigas lang ako.

"so?" tanong ko sa kanya ng natapos ko na siyang natulungang umupo

"so?" ulit naman niya

"aba,ganun nalang yun? Matapos kitang tulungan,wala man lang thank you na magaganap kahit napipilitan lang?"

"thank you? For what? Bakit naman ako magtethank you sayo?"

"eh siyempre pinakain mo ako,pinag aral mo ako,at higit sa lahat inalagaan mo ako"sabi ko sa kanya.

"huh? Pinag sasabi mo?"

"aba,siyempre matapos kitang tulungan,edi magthank you ka,pati ba namang pagpapasalamat,hindi mo rin alam gawin?"

"eh hindi!"

"haayst ok ok,naiintindihan ko na,bibili lang ako ng mga gamot na nireseta sayo ng doctor."
Paalam ko sa kanya.

Napaka weird talaga ng mga estudyante ng Thompson University.

Hindi man lang alam ang mga bagay na kahit napaka liit lang na pabor kung tutuusin na kailangan nilang matutunan,hindi pa nila alam.

Tinungo ko na nga ang butika at bumili ng mga niresetang gamot para kay taong palaka,hiniram ko yung credit card niya para yun yung gagamitin ko,sa una ayaw pa ibigay napakakuripot niya.

Agad akong bumalik sa hospital,pagbalik ko dun,agad akong nagtungo sa Room ni taong palaka.

Pero akala ko nagkamali ako ng pinasok na kwarto pero ng tinanong ko sa isa sa mga nurse na nag-alaga kay taong palaka.

"Ahm ma'am nasaan na po yung pasyenteng nasa kwartong ito?"

"kanina pa po nakalabas ma'am!"

"nakalabas? Eh bumili pa nga po ako ng mga niresetang gamot para sa kanya ng mga nurse, ngayon-ngayon lang po."

"Yun na nga iha,hindi pa talaga siya pwedeng lumabas pero nagpumiglas yung pasyente,sobrang tigas ng ulo kaya wala na kaming nagawa kundi haayaan nalang siya sa gusto niya,pinapirma nalang namin siya para kung sakaling may magreklamo about sa nangyari may ibidensiya kaming pwedeng ipakita."

"ganun po ba,sige po,sundan ko nalang po siya. Baka po nasa classroom na namin po siya."

Mabilis akong tumakbo papuntang classroom namin,pero pagdating ko dun on going palang ang klase. Pagbukas ko sa pinto ng classroom namin ay tumingin ang lahat sa akin.

"Miss Almeda? Ba't ka nandito? Akala ko ba excuse ka?"

"Ah-eh-oh-oh" nauutal ako dahil nakatingin lahat ng classmate ko sa akin,may mga nagtatakang mata,may parang nangiinsulto,at parang may malaking katanungan sa kanilang mata."

"Miss Almeda?"

"ah ma'am? Ano po kase si Taong palaka,umalis po sa hospital."

"taong palaka?"
At may mga ilang nagtawanan sa mga classmate ko.

"Si Mr. Jeus po,"

"anong nangyari sa kanya?"

"Mataas pa po kase ang lagnat niya pero hindi ko na po siya nadatnan after kong bumili ng mga niresetang mga gamot para sa lagnat niya."

"Wait,wait for me,I need to tell this in School's Dean."
Mabilis itong nagtungo sa principal's affice at naiwan ako sa classroom,kaya umupo muna ako saglit sa armchair ko.
Pagkaupo ko palang ay may sumugod na agad sa kinauupuan kong mga babae.

"hey bitch,anong ginawa mo kay papa labs namin?"

"huh?"

"huwag ka ng mag maang mangan pa,alam naming may ginawa kang masama kay papa labs namin."

Nagkata ako kung sino ba ang binabanggit nilang papa labs daw nila,pero naisip ko na baka si taong palaka.

"wala akong ginawa sa kanya."

"Walang ginawa? Huwag ka ng magsinungaling,kung ayaw mong mapahamak pa!"
Kung ano-ano ang nalalaman,may pa papa labs pang nalalaman,ampapangit din naman.

"Wala nga akong ginawa sa kanya,ang kulit,pangit na nga asyumera pa!"

"what? What did you say?"

Mabilis ang pangyayari kaya hindi ko namalayan na nasampal na pala ako ng babaeng nasa harapan ko. Si Rhea yun.

"aray,ano bang problema niyo huh?"

"You,you are the biggest problem here"

"Wala naman akong ginagawang masama sa inyo huh?"

"eh basta!"

"you're right Rhea!"pagsang ayon naman ng isa niyang kasama.

Tatayo na sana ako kaso hinawakan ni Rhea ang magkabilaang balikat ko at papwersa niya akong tinulak na dahilan ng pagkaupo ko ulit.

"aray,masangit yun huh,sumusobra na kayo!"akmang sasampalin ko na sana siya kaso bigla namang nagsalita ang pangatlo nioang kasama.

"subukan mong hawakan si Rhea at kami ang makakalaban mo."

Dahil dun hindi nalang ako lumaban,marami sipang sinabi pero hindi ko pinakinggan at nakatingin lang ako sa blackboar na nasa harapan kaya dahil doon napilitan din silang tumigil at iwan ako.

Mabilis ring bumalik yung teacher namin na pumunta sa principal's office para ipaalam ang ginawa ni Taong palaka.

Thompson UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon