Chapter 57

436 23 0
                                    


Lunch break na, marami akong nakikitang estudyante na naglalakad at patungo sa SM Thompson University.

May bagong open kasing fast food do'n. Isang korean restaurant na isa sa mga pinaka sikat na kainan sa Korea. Diko ba  alam? Ako lang ata ang estudyante dito na walang kahilig-hilig kumain sa mga ganoong kamahal na mga kainan. Dahil siguro lumaki ako sa sakto lang. Mga bagay na hanggang yan lang. Pero ang mga bagay na 'yon ay punong-puno ng pagmamahal na galing sa dalawang taong walang ibang ginawa kundi ipadama at ibigay sa akin ang tunay na kahulugan ng pagiging mayaman.

11 o'clock na, kanina ko pa hinihintay si Velly para sabay na kaming kumain. Mga sampung minuto na akong naghihintay after kaninang sabay kaming lumabas. Nagpaalam kasi siyang may pupunthan lang siya saglit. Within 5 minutes nakabalik na raw siya.

Napagdesisyonan kong maglakad-lakad nalang muna sa 3rd floor ng building namin. Hindi pa kasi ako nakakapunta dun e.

Ala una pa kasi ang call time namin. So bale dalawang oras ang lunch break namin. May meeting kasing magaganap sa faculty. Lahat ng teacher ay kalahok doon. Kaya kailangang maging dalawang oras ang lunch break namin.

Habang naglalakad ako. May nakita akong elevator. Every time na nakakakita ako ng elevator ay bumabalik lahat ng ala-ala ko noong nakasama ko sa konting sandali ang batang lalaki na naging crush ko. Tuwing gabi mukha lang niya ang nakikita ako. May mga point pa na. Bumabalik ako sa mall na kung saan kami nagkita. Sa harap lang ng elevator ako tumatambay kasi ayokong sumakay sa elevator after ng nagyaring pagkatrap naming dalawa sa elevator.

Tinignan ko lang yung elevator dito sa second floor. Napahinto ako at inalala ang lahat. Ano na kaya itsura ng lalaking nakita ko sa elevator?

Cute pa rin ba siya? Hehehe. Siyempre!
Super cyte niya noon. Ang bata ko palang noon. 6 years old ako noon. Pero ramdam ko.na na crush ko na yung batang lalaki. Diba ang landeeee.

Naglakad na ako papunta sa stepping stairs. Kase ayoko talagang sumakay sa elevator.

Nakakapagod din pala. Reklamo ko nung nasa kalahati na ako ng hagdan. Hindi kasi pangkaraniwan itong hagdan dito sa University namin, mas mahaba kasi ito kesa sa mga ordinaryong hagdan.

"Siguro kung buhay pa si ma'am Rosemarie Kis hindi ganito itong university natin" sambit ng boses na narinig ko.

After that huminto muna ako at nakinig sa dalawang nag-uusap, pero hindi ko pa sila nakikita at hindi rin nila ako nakikita kase nasa likod ako netong hawakan kapag ginagamit itong hagdan.

"Precisely! Nagbago lang naman ang lahat nung nawala si ma'am Rosemarie e. Isipin mo yun, ang school natin ang isa sa mga pinaka may mababait na estudyante. Kasi hindi lang academic ang ipinagtutuunan ng pansin ng mga teachers kundi ang kung paano maging mabuting tao o mamamayan." Sagot ng isang babae.

"Sino si Ma'am Rosemarie?" Sambit ko ng ako lang ang nakakarinig. "Anong meron sa kanya?"

Nagpatuloy akong nakinig sa dalawang babaeng nag-uusap.

"Ano kayang totoong nangyare kay ma'am Rosemarie? Kase hanggang ngayon ayaw nilang ipaalam sa publiko kung bakit siya namatay."

"Diba may anak silang babae?"

"Oo nga no? Pero asan na yung anak nila ni Mr. Kis?"

"Walang nakakaalam, pati nga si Eliel Kis ay walang kaalam-alam."

"Let's go!" Aya ng babae sa kasama niya kaya nag-ayos na rin ako ng sarili ko at tumayo na.

Nagkasalubong kami at nakita ko ang pagtataka ng dalawang babae nung nakita nila ako.

Hindi ko nalang sila pinansin kundi nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

Inisa-isa kong pinasok ang room dito sa 3rd floor. Maayos siya. Bawat room may parang kakaiba akong nararamdaman, yung pakiramdam na 'yon ay hindi ko kayang ipaliwanag. Ang daming painting at ang mga painting na 'yon ay may nakapirma sa baba, pare-parehong pirma.

Last room na, pumasok na ako at bumungad agad ang malaking painting na nakasabit sa tapat ng pinto na kung saan pagkabukas mo ng pinto yung painting na yun ang bubungad agad.

Picture ng isang babae na maganda, sobrang ganda. Unti-unti akong lumapit sa painting, ang una kong napansin ay ang pirma sa baba, parehong-pareho sa mga pirma sa mga unang painting na nakita ko.
At may nakasulat sa tabi nito na Rosemarie Kis Ph.D. ito siguro yung sinasabi nung dalawang babaeng nag-uusap kanina na mama ni Eliel.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now