Chapter 80

391 23 3
                                    


ENSLEY POV

Wala nanaman si taong palaka, iniwan nanaman niya ako. And I'm sure si manong driver nanaman ang mag hahatid sa akin. Tatawagin ko na sana si manong driver kaso meron si Jaycer. Nakita daw kasi niya ni Jeus kanina na hindi ako kasama kaya pununtahan niya ako dito para sunduin.
Open naman kasi iton mansion sa mga barkada ni taong palaka.

Sumabay nalang din ako sa kanya para hindi na ako maka abala kay manong. Alam ko kasing pagod si manong kagabi dahil siya yung sumundo kay Mr. Azriel sa airport.

"Mukhang pagod ka ata o sadyang puyat lang?" Tanong ko kay Jaycer, mukha kasi siyang nanghihina e. Yung mga mata niya mugto at halatang puyat.

"Hindi, ok lang may inisip lang kasi ako kagabi e." Sagot niya.

"Tara muna mag coffee" aya ko sa kanya kasi medyo maaga pa naman.

"Tara, gutom rin ako e. Di pa ako nag breakfast." Saad niya.

Maya-maya pa ay inihinto na ni Jaycer yung kotse niya sa harap ng isang kilalang cafeteria.

Siya na lang din ang pina order ko. Kung ano ang oorderin niya ay ganun na rin sa akin.

Umupo siya sa upuan na nasa tapat ko. Narinig ko yung malakas na paglabas ng hininga niya.

"May problema ba Jaycer?" Basag ko sa katahimikang nababalot sa aming dalawa.

"Ahm wala, ano kasi, kagabi pinilit kong alalahanin kung saan ko ba nakita at kailan ko nakita 'yang kuwintas mo kaso hindi ko maalala e. Hindi ko maanig sa isip ko yung gusto kong makuhang rason." Explain niya sa akin. So nagpuyat siya dahil sa akin.

" Ok lang Jaycer, alam mo darating din yung right time para sa akin. Sa lahat ng katanungan ko. Di ako nawawalan ng pag-asa. At nararamdaman ko na malapit na yung tamang oras na 'yun"explain ko sa kanya. Gabi-gabi kasi akong nananaginip. May time na hindi ko alam kung bangungot ba 'yun kasi may mag asawang nakasakay sa kotse na yung babae is may buhat siyang baby. At sa time na yun ramdam ko na takotna takot silang dalawa. At sa huli nabunggo sila.

Doon lagi nag wawakas ang oanaginip ko kapag napapanaginipan yung dalawang mag-asawa.

Nasa tapat na kami ng gate ng Thompson University,maya-maya pa'y nag open na ng kusa ang higanteng gate ng Thompson University.

After pinarking ni Jaycer yung kotse niya ay agad siyang lumabas at ipinagbuksan ako.

Dumiretso na kami sa room namin at naabutan ko si Jeus doon. Nakatingin siya sa labas habang nakadungaw sa bintana. Sayang yung aircon. Pwede naman kasi siyang dumungaw sa labas ng hindi na binubuksan yung bintana kasi clear naman siya.

After how many minutes ay dumating na yung first subject teacher namin. Nag-iwan lang siya ng ipang activites namin at umalis na rin. May meeting raw siya kasama ang mga co-teachers niya na under sa Nursing Department.

Nagfocus nalang din ako, habang pinapalibutan ng sobrang ingay na dulot ng nga classmate ko. Nakakabingi at sobrang gulo nila. Ang daming naghahabulan. At sobrang kalat na. Pinilit kong mag focus pero hindi ko kinaya kaya tumayo ako at sumigaw.

"Ano ba?" Sigaw ko na muntikan ng mapaos.

"Hindi lang kayo ang estudyante dito, may gustong mag-aral ng maayos. Oo alam kong matatalino kayo. Sobra kaya sa sobrang katalinuhan niyo hindi niyo na naiisip yung iba. Puro nalang sarili niyo." Explain ko sa kanila ng pasigaw. At malapit ng maiyak.

"Nakakahiya kayo sobra. Napaka yaman niyo at napakatalino niyo kaso sayang e, ginagamit niyo lang lahat sa sarili niyo.
Oo, inaamin ko naiinggit ako sa inyo, pero wala akong magawa e kundi mag sumikap para marating din ang yamang meron kayo." This point umiiyak na ako ng sobra. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yung mga luha ko. Hinyaan kong ilabas ng mga mata ko ang sakit at ang katotohanang kahit anong gawin kong kakasigaw dito ay walang makikinig sa akin kasi wala akong ka level. Yun yung totoo. Masakit pero kaipangang tanggapin. Nakakasakal na e, sa ganitong sitwasyon na puro sakit at panlalait nalang ang natatanggap ko.

"Alam ko namang ayaw niyo ako e,at alam kong gusto niyong mapaalis ako dito sa school na ito. Pangako,after this year hindi na ako papasok dito. At para matapos na rin ang problema niyo sa akin. Ako na mismo ang gagawa ng paraan. Alam niyo, pinipilit ko kayong intindihin kaso ang hirap e. Kasi ni minsan hindi niyo ako inintindi o inunawa manlang. " nabalot ng katahimikan ang buong klase. Ngayon ko lang nakita ang mga itsura nila na seryoso at nakikinig talaga sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko at dumiretso sa pag-upo. At nakita ko ang bawat isa na nagsibalikan na rin sa upuan nila.

Nagfocus nalang din ulit ako sa paggawa ng mga activities ko. Lahat din sila ay nagsilabasan ng notebook at ballpen. Nagsimula na rin silang gunawa ng mga activities.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Eliel.

"Uy sorry ha. Hindi namin sinasadya. Balang araw malalaman mo rin yung rason kung bakit kami ganito. Salamat kasi meron ka na umiintindi sa amin. Tama ka sa sobrang yaman namin, hindi na namin iniisip yung mga kapakanan ng iba. Lalo kana. Ikaw versus kami. Diba ang unfair ng mundo. Lagi nalang umaayon sa mga mayayaman. Sorry ulit ha." Nakita kong umiyak si Eliel. Lumuha siya at yun naramdaman ko nalang yung sarili ko na yakap siya habang hinahagod ang likod niya. Ang gaan sa pakiramdam. Kasi kapag sila nanay at tatay ang niyayakap ko ay hindi ganito kasaya kasi parang may kulang. Pero kay Eliel ang sarap sa pakiramdam. Ramdam ko ang yakap niya. Ang secerity niya sa paghingi ng tawad.

"Ok lang yun, huwag niyo nalang din uulitin." Sabi ko sa kanya at tumango nalang din siya at bumalik na sa upuan. Nararamdaman ko na ang daming nakatingin sa akin kaso hindi ko nalang din pinansin.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may humila sa akin. Kaya napasunod nalang din. Di Jeus. Hawak niya ang kamay ko habang tumatakbo kami papalayo. Pinipilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaso ang higpit kaya nadadala nalang din ako.

"Ano bang problema mo? Jeus!" Sigaw ko sa kanya.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko ulit sa kanya habang hinihingal na dahil pabili na pabilis yung takbo namin.

"Jeus, bitawan mo nga ako, kung nababaliw kana huwag mo akong isali. Hoy, ano bang problema mo?" Sigaw ko ulit sa kanya. Pero sa pagkakataong ito ay narinig din niya ako.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko Ensley." Sigaw din niya ng may diin.

"Bakit? Jeus, lahat naman ginawa ko ha. Tapos ngayon ako pa ang magiging problema mo?"

Dumampi ang labi niya sa labi ko na di ko man lang napag handaan. Ang galing niya sa paghalik. Kahit gustuhin kong itulak siya papalayo upang makaiwas nanaman sa halik niya ay hindi ko nagawa. Hinayaan ko na rin ang labi ko na sabayan ang init at sarap ng halik ni Jeus. Pumikit na rin ako. Halos isang minuto na kami sa sitwasyon naming ganito at doon lang ako nahimasmasan at tinulak ko din siya at after nun ay huminga ako ng malalim. Feeling ko nawawalan ako ng hininga.

"I love you Ensley!" Sambit niya at yinakap niya ako.

"Jeus, hindi na pwede. Kami na Jaycer." Sambit ko na nagpatulala sa kanya.

Nag walk out siya,at ako naman ay naiwang nakatayo sa ilalim ng puno dito likod ng building namin.

ENSLEY POV FOR THE FLASHBACK

Habang nasa bbq han kami ni Jaycer ay sinagot ko siya. Isang buwan na niya akong niligawan bago ko siya sinagot. Sa chat lang kami nag-uusap kaya sobra ang pagtataka ko noong inaya niya akong mag dinner kasi alam kong mahina ang loob ni Jaycer sa pagdating sa ganoong pagkakataon.

Inihatid din niya ako sa bahay nila Jeus.

"Thanks Ensley." Pasalamat niya sa akin. At hinalikan niya ako sa pisngi ko.

At sobrang nagiguilty ako noong hinalikan ako ni Jeus sa gabing yun. Kaso may part sa puso ko na masaya ako sa ginawa ni Jeus sa akin.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now