Chapter 67

401 22 0
                                    


Sabado ngayon at napag desisyunan kong mag weekend vacation kila nanay at tatay. Halos dalawang buwan na rin kasi mula noong lhuling nagkita kaming tatlo. Nagpaalam rin ako kina Mr. Azriel noong isang araw para hindi sioa mabigla if ever na magpapaalam lang ako sa araw na aalis ako.

Habang nasa biyahe, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ba noong martes habang nasa classroom ako at nag wawalis habang nakadungaw at pinapanood ang mga estudyanteng naglalaro, nambubully at nagkakalat ng basura sa playground ay bigla akong napaluha. Sa point na yun ay ang dami kong katanungan at mahinasyon na hindi ko maaninag dahil sa gulo. Akala ko naaawa lang ako at may part din na ang akala ko'y masakit lang para sa akin dahil nanulat sila sa school na walang good manner teacher na nagaganap. Pero hindi e, may isang rason na hindi ko maunawaan kung bakit at saan nagmumula 'yun. Basta ang alam ko ay nasasaktan ako ng hindi ko alam kung bakit? Ilang minuto ang lumipas habang nasa biyahe ako ay biglang huminto ang  bus na kinasasakyan ko, stop ever pala.

Bumaba ako at kumain lang ng lugaw para mainitan din ang sikmura ko. Sobrang lamig kasi sa loob ng bus. Then may nakita akong balut ay bumili na rin ako. Sobrang sarap lang habang bubuhusan mo ng maanghang na suka na may konting asin. To be honest,paborito ko talaga ang balut. Hinding-hindi ako magsasawang kumain ng ganito. Kaya kong ubusin ang 20 pcs na balut kung hindi lang ito nakakahigh blood, if wala itong side effect kinalandakan ko na ito.

Narinig kong bumusina na ang bus kaya mabilis akong tumakbo papasok sa loob,  baka kasi maiwan ako. Ilang segundo lang ay umandar na ulit ang bus. Heto ako muli, naka tungaw sa paligid habang nilalasap ang malamig at preskong hangin na dulot ng sobrang ganda at maaliwalas na paligid,Dolbo kasi ng pinagsakyan ko, no aircon pero sobrang lamig dahil sa hangin na dulot ng paligid. Kaya sobrang hagard ko na hahaha. Pero sobrang saya lang at nakaka refresh ng utak habang kusang pinapakawalan ko ang hangin na dumadaloy sa ilong ko at papakawalan ng unti-unti sa bibig ko. Sa sobrang saya ko ay napapangiti naoang ako habang naka dungaw sa bintana.

Napansin kong nasa centro na kami ng bayan namin kaya nag-ayos na ako ng sarili at gamit ko para bababa nalang ang gagawin ko mamaya.

Huminga ako ng malalim,at tiyaka ko binuhat ang mga bag ko, marami kasi akong pasalubong kilala nanay at tatay. At ayan na,nasa tapat na ako ng kanto namin. Walang kaalam-alam sila nanaya at tatay na uuwi ako.

Pagbaba ko ay tumawag na ako agad ng trycicle na pagsasakyan ko papunta sa bahay, medyo loob kasi yung bahay namin at hindi ko rin kayang lakarin sa dinami-rami ba naman ng dala kong gamit.

Ipang minuto lang ay nasa tapat na ako ng bahay namin, nakita ko si nanay na nagwawalis sa bakiran namin habang si tatay naman ay nakaupo sa gilod habang nakikinig sa radyong paborito niya kahit na ilang beses na itong nasisira ay abot naman ang pa ayos niya sa mga iba't-ibang magagaling na mekaniko dito sa lugar namin. Mahal na mahal daw niya ang radyo niyang yun dahil kauna-unahan daw na radyo niyang binili yun galing sa unang sweldo niya noong unang pagkakataong nagtrabaho siya. Sobrang hirap kasi ang napagdaanan nila nanay at tatay noong nagsisimula palang sila dahil pinili nioang magsama ng maaga, nagtanan sila sa murang edad at walang kamuwang-muwang sa mundong pinasok nila. Pero bilib ako sa kanila mula sa mga kwento nila sa akin. Na ni minsan kahit na sobrang hirap nila ay hindi nila naranasang mang loko ng kapuwa dahil alam nilang wala silang mapapala sa panloloko. Sa sobrang pagmamahal ni tatay kay nanay ay nagtrabaho si tatay ng kung ano-ano. Mga mahihirap at mabibigat na trabaho na ni minsan sa kwento niya ay never siyang nagreklamo na kahit binanggit lang niyang napagod siya ay wala akong  narinig sa bibig niya. Saludo ako kung paano siya nagsakripisyo at nagsasakripisyo hanggang ngayon para lang mapunta ako sa kinalalagyan ko ngayon.
I will treasure everything that he does for us. I know na hindi man sa ngayon pero balang araw mababayaran ko rin ang mga binigay niyang aruga at pagmamahal para sa akin si nanay, silang dalawa ang alam kong pang habang buhay kong mamahalin at bibigyang halaga.

Ilang minuto rin akong nakatayo sa harap ng bahay namin habang pinapanood ang mga kaganapan sa palogid ng bahay namin habang tanaw ko ang dalawang bumuo sa pagkatao ko at tinuruan akong mahalin ang lahat ng bagay kahit na nasa point na ako na nasasaktan na nila ako. You what kasi, if you  see everything out there that hurting you, find one thing to become a reason to love them even it's hard to do because of things that they're doing towards you. Ganun lang naman kasi e.

"Anaaaak!" Sigaw ni nanay sa akin tiyaka ibinato noya sa gilid ang hawak niyang walis at dustpan tiyaka mabilis itong tumakbo papunta sa akin ng may galak at saya sa mukha niya. Nakita ko rin si tatay na kahit mabagal siyang mag lakad ay pinipilit niyang mapabilis rin ang lakad niya para agad niya akong mayakap sa sobrang galak. Tumakbo na rin ako at yinakap silang dalawa. Nakita kong umiiyak si nanay dahil sa naramdaman kong patak sa balikat ko.

"O nay, hindi po ba kayo masaya na nakita ako?" Tanong ko sa kanya na medyo natatawa.

"Anak, masaya lang kasi ako dahil sa ilang buwan na hindi ka namin nakita ay sobrang lungkot na dito sa bahay."

"Nay naman iih, andito na po ako,magiging masaya po ulit dito. Kaso dalawang araw lang po ako dito e, pero pangako po na sa dalawang na gugugulin nating tatlo dito sa bahay ay magiging sulit for sure. Mahal na mahal ko po kayo Nay! Tay!" Lumapit si tatay sa aming dalawa ni nanay at nagyakapan kaming tatlo na animo'y nagpapaalam ako na pupunta sa malayo at hindi na babalik. But all of these tears was very important for me. Kasi simbolo ito ng tunay na pagmamahalan naming tatlo sa kabila ng mga mahihirap na pinagdaanan namin.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now