Chapter 59

403 20 0
                                    


Naglalakad ako ngayon sa hallway ng may lumapit sa akin na tatlong lalaki. Hindi ko sila kilala.

"Ikaw ba si Ensley?" Tanong sa akin ng lalaking nasa right side.

"Ako nga!bakit?" Mabilis ko namang sagot sa kanya.

"Si Jeus diba kilala mo?" Tanong naman sa akin ng nasa left side.

"Oo, bakit?anong may ganap ba? Or naparambol ba nanaman?" Sagot ko at tanong ng nag-aalala na.

"Oo naparambol nanaman, kaso huli na ng naawat namin sila kasi nakatakbo na yung mga bumugbog sa kanya at si Jeus nasa likod ng Nursing building,kaya kung gusto mo siya makita sumama ka sa amin."paliwanag ng isang lalaki na kanina pa dikit ng dikit sa akin.

" tara na!" Aya ng nasa right na lalaki kaya 'nong tumakbo sila sumama na din ako at nakitakbo na rin, sinundan ko lang sila hanggang sa napadpad nga kami sa likod nursing building.

"Asan si Jeus" tanong ko dahil wala naman akong nasisilayang Jeus.

"Anjan lang siya sa paligid." Sagot ng lalaking nasa left side kanina.

" Hoy Jerick!simulan mo na" sabi nung lalaking lapit ng lapit sa akin kanina sa nasa right side ko kanina na Jerick pala ang pangalan.

Biglang lumapit sa akin ang lalaking nasa left side ko at hinawakan niya ang dalawa kong kamay, palapit na palapit na rin sa akin ang nagngangalang Jerick na nanlilisik ang mga mata na animo'y gutom na gutom.

"Hoy! Anong gagawin niyo sa akin?" Tanong ko na naluluha na, kahit na alam ko naman na ang balak nilang gawin.

"Ang dami ko pang pangarap, paraw awa niyo" pagmamakaawa ko sa kanila. Pero walang epekto ang pagmamakaawa ko.

" Tumahimik ka nalang kung ayaw mong mamatay!"pananakot sa akin ng nagngangalang Jerick.

Wala akong nagawa kung hindi tumahimik at magpaubaya.

Akmang hahalikan na ako ng lalaking lapit ng lapit sa akin kanina sa hallway ay ipinikit ko ang mga mata ko. Ayokong makita ang taong kauna-unahang makakakuha sa akin.

Pero ilang segundo akong nakapikit pero ni isang labi wala akong naramdaman. Umiiyak ako, ayoko talagang makita ang mga pagmumukha ng mga hayop na ito, ang iniisip ko this is baka naghuhubad na sila.

Tanging pagdarasal lamang ang ginagawa ko at pag-iisip sa kina nanay at tatay kung ano nalang ang mangyayari sa kanila kung sakanilang mabuntis ako.
Ilang segundo an akong nakapikit pero wala paring labing dumadapo sa katawan ko kaya pinili kong unti-unti kong iminulat ang mg mata ko at nakita ko ang tatlong lalaking nagbabalak sa akin na manggahasa sana na nakahandusay na. At isang lalaking nakatayo ang pumukaw sa atensyon ko.

"Kyler? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Siyempre dito ako nag-aaral" sagot neto ng may pangisi.

"What I mean is bakit ka nawala kaagad netong mag nagdaang araw?" Tanong ko.

Tyler POV

Ayoko sanang magpakita sa kanya,pero hindi ko ba alam kung bakit ako dumaan dito sa hallway na ito. Feeling ko kasi parang may misyon ako e. Habang naglalakad ako may narinig akong sumigaw pero isang beses lang iyon at wala ng kasunod.

Dahan-dahan akong naglakad at hinanap ang sigaw na narinig ko at yun napadpad ako sa likod ng Nursing building nakita ko ang talong nakadungaw sa baba pero ipinagtaka ko ay may paa na mahahalatang paa ng babae, mabilis akong tumqkbo at ipinagsasapak sila.

Hinihintay kong imulat ni Ensley ang mga mata niya pero ang tagal niya ito iminulat. Ilang segundo ang lumipas at iminulat na din ni Ensley ang mga mata niya at nauna niya ibinaling ang atensyon niya sa mga lalaki at pangalawa sa akin. Nakita ko.kung gaano siya kasaya.

Maraming nagyare these past week, pero.may isang pangyayare talaga ang naging rason kung bakit ako nawala ng ilang linggo dito sa Thompson University.

Flashback

"Hoy! Sino ka ba at kanina ka pa aali aligid kay Ensley" tanong sa akin ni Jeus.
Yes kilala ko si Jeus kasi lagi kinukwento ni Ensley si Jeus sa akin

"Bakit bawal ba ha?"sagot ko sa kanya ng pabalang na ikinagalit niya.

" oo bawal!"

"Aalis ka o ipapadrop out kita at ipapalagay ko sa certificate of transferee mo ay puro ikakasira ng pagkatao mo?"

Hindi na ako sumagot at na speechless nalang ako sa narinig ko.
Ayokong masira sa ibang tao at higit sa lahat sa papa ko.
Once na matanggal ako dito sa Thompson University, masisira na ang pangarap ko. Hindi na ako pag-aaralin sa ibang school at higit sa lahat hindi na ako ang magiging tagapagmana ng company namin. Kasi wala ng ibang school ang maaasahan ng daddy ko o lahat ng parents na business man na school kundi lamang ang Thompson University na ubod ang galing sa pagtuturo.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now