Chapter 88

355 23 0
                                    


Nagising ako sa kalagitnaan ng tulog ko. Tinignan ko yung alarm clock ko ay alas dos palang pala ng madaling araw. Nagising ako dahil sa napanaginipan ko, oo, yung lalaking gabi-gabi kong napapanaginipan. Bumalik daw siya para mahalin ulit ako. Ang gulo, naguguluhan ako. Everytime na nagigising na ako ay gugustuhin ko nalang na sana tulog nalang ako habang buhay kung sa bawat pagtulog ko ay doon ako sumasaya, doon ko nararamdaman ang pagmamahal na ninanais ko kahit hindi ko alam kung sino ba yung nagpaparamdam sa akin. Pero ramdam na ramdam ko e na mahal niya ako at ganun rin ako. Sa bawat pagkakataong napapanaginipan ko siya, mas gugustuhin ko nalang na habang buhay nalang na tulog.

Bumalik ako sa pagtulog,umaasa akong matutuloy yung naudlot na panaginip ko kanina.

Nagising ako sa init ng araw na dumadampi sa mukha ko,sabado ngayon at wala naman akong pupuntahan. Siguro mag hapon lang akong tatambay dito sa kwarto ko. Magbabasa nalang din siguro ako ng mga libro na  hindi ko pa nababasa, mga librong binili ko noong college pa ako. Ang bilis lang kasi ng panahon. Graduate na ako, at ngayon nag hihintay nalang ako ng board exam. And after that, pwede na akong mag trabaho and live alone. Magiging independent na ako at puwede na akong pumunta sa mga gusto kong puntahang lugar, at isa na ang Pilipinas. Ang ganda kasi ng mga beaches sa Pilipinas na nakikita ko sa social medias. At isa yun sa mga pangarap kong matapakan doon.

Nag ayos na ako ng sarili ko at nagtungo na sa dining area para mag breakfast na. Siguradong naka handa na sila manang ng agahan namin.
Tama nga ako, naka handa na nga ang breakfast. Ang bango at ang dami, nakakatakam sobra.
Kumain na ako at after kong kumain ay lumabas na muna ako sa bahay at nagtungo ako sa garden namin. Medyo malapit na ako sa garden ng may naririnig akong boses ng dalawang lalaking nag-uusap.

"Hindi pre, ang sabi ko sa'yo bantayan mo lang siya. Wala akong sinabing angkinin mo siya."

"Wala e,nahulog ako pre e. Minahal ko na siya e. At wala kang karapatang pigilan itong nararandaman ko sa kanya."

"Pero pre,nangako ka sa akin e."

"noon yun pre!"

"kukunin ko siya, sasabihin ko sa kanya ang lahat. "

Dahan-dahan akong tumungo sa kung saan ko naririnig yung nga boses na nag uusap.

"Mahal ko si Ensley! at gagawin ko ang lahat para lang mapasa akin siya. Una siyang naging akin bago sayo!"

at nakita ko kung sino ang nagsabi nun, si Jeus.

Biglang sumakit ang ulo ko, na parang may kung anong imahe na pumasok sa isip ko na hindi ko ma isip kung ano ba yun.

Napaluhod nalang ako sobrang sakit habang hawak hawak ko ang ulo ko.

Umiiyak na ako this time. Agad namang lumapit kaagad sa akin si Jeus at Tyler para alalayan ako.

Kaso agad naman ako kumalma. Pina upo nila ako sa may bench.

"Ok ka lang ba Ensley?" tanong ni Jeus sa akin na halatang sobrang nag-aalala.

"are you ok? how's your feeling?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Tyler.

"Palaka?" sambit ko, hindi ko alam kung bakit ko ba nasambit yun. Lagi kong naririnig kasi yun na sinasabi ng lalaking lagi kong napapanaginipan.

Napansin kong nagkatinginan sila Tyler at Jeus after kong nabanggit ang palaka.

"is there's something wrong?" saad ko. Tinignan ko silang dalawa at pilit na binabasa ang expression ng mukha nila. Pero alam ko lang na sagot ay may hindi sila sinasabi sa akin na kailangan kong malaman.

"why?" saad ko ulit sa kanila.

"Ensley! I'm the one na binigyan mo ng pangalang Palaka. At ako lang yung tunay mong minahal." sagot ni Jeus.

"gago ka pala pre e!" sigaw ni Tyler kay Jeus.
Nagulat ako sa sunod ginawa ni Tyler kay Jeus, sinuntok niya ito ng sobrang lakas na naging dahilan ng pagka kaba ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko this time. Hindi ko alam kung paano ko sila awatin.

"Ano baaaaa?" sigaw ko na nagpatahan sa kanila.

"Ano bang problema niyo? May dapat ba akong malaman ha? Ha Tyler?" sigaw ko na umiiyak na.

"Bakit ganyan kayo? Everytime na may tatanungin ako sa'yo Tyler, lagi mong iniiba ang topic. Feeling ko lahat kayo! kayo nila daddy is may tinatago sa akin. Sino ba talaga ako? ano ang tunay kong pagkatao?" sobra na ang iyak ko this time. Hindi ko ma explain yung nararamdaman ko. Halo-halong emosyon ang meron ako ngayon.
Sobrang nasasaktan ako, pero hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.

"Ensley, ako ang nakaraan mo. Handa kong ipaalala ang lahat sayo. Kung sino at ano ka before. Basta ang isa sa mga totoo, ay minahal mo ko at minahal kita." explain ni Jeus sa akin. Bakit? anong ibig niyang sabihin? kaya pala noong una ko siyang nakita is iba yung una kong naramdaman sa kanya. Nakaramdam ako ng pakiramdam na hindi ko kayang iexplain. Parang feeling ko, siya yung sagot ng lahat. Sagot sa hindi ko alam na tanong. Ang lungkot lang sobra.

"Anong ibig mong sabihin Jeus? E ngayon lang kita nakita at nakilala." tanong ko sa kanya ng mahinahon habang umiiyak.

"Mahirap iexplain Ensley, mahabang kwento pero (tinuro niya yung puso ko) lagi mong pakikinggan 'yan. Iyan lang ang lagi mong paniniwalaan. Maniwala ka lang Ensley. Everything happens for a reason. And I think, this is the right reason."sabi ni Jeus sa akin. Nakita ko sa mga mata niya na seryoso siya sa mga binitawan niyang mga salita.

" Mahal kita Ensley, noon at magpa hanggang ngayon."nakaramdm ako ng sobrang saya, pero bakit? tama kaya siya? na may nakaraan ako na dapat kong malaman? na may nakaraan ako na ang lahat ng 'yon ay siya mismo ang sasagot?Siya ba yung lalaking nasa panaginip ko gabi-gabi?

Hindi ko namalayan na nakayakap na pala ako kay Jeus. I feeling safe sa mga braso niya. Feeling ko itong yakap na ito yung matagal kong hinahanap na sandata.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now