Chapter 46

507 28 1
                                    


Pagkababa ko sa kotse, nakita ko agad si taong palaka sa harap ng malaki nilang gate at nakatingin sa akin na halatang sobrang galit na galit na.

Medyo kinalibutan ako, sobrang seryoso kase ng mukha niya. Narinig ko ring nagbusina si Tyler sa likod at agad niyang pinaharurot ang kotse niya.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon kung itutuloy ko pa ba ang pagpasok sa bahay nila,kung ano ang uunahin kong paang istep or tatanggalin ko yung pagtitig ko sa kanya at yumuko nalang at pumasok ng dirediretso sa bahay nila.

At the end, pinili ko naoang yumuko at dahan dahang naglakad papasok sa mansyon. Pero nakaharang si taong palaka sa harap ng knob ng dambuhalang gintong gate nila.

"Anong oras na? "seryosong tanong ni taong palaka sa akin,bigla nanaman akong kinalabutan sa boses niya kase ngayon ko lang narinig yung boses niyang sobrang diin na halatang nagtitiis nalang.

"9:47 pm" hyper kong sagot ng may pangiti-ngiti para matanggal yung pagkaseryoso ng mukha niya. Pero wa-epek e. Mas lalo pa siyang naging seryoso.

"Mukha ba akong nakikipaglokohan?" muli niyang tanong sa akin na dahilan ng mag step backward ng paa ko palayo sa kanya.

"Anong bilin sayo ni tito?porket wala siya ngayon,You're spoiling yourself to do what you want to do? "explain niya sa akin na ipinagkataka ko, kase wala namang nababanggit si Mr. Azriel sa akin na may pupuntahan siya.

"Anong ibig mong sabihin? Wala namang nababanggit si Mr. Azriel na aalis siya ngayon ah! "explain ko naman sa kanya.

"Huwag ka ng mag maang-maangan pa Ensley! Alam ko namang sawa kana sa trabaho mo! At isa pa sino yung lalaking kasama mo?"lumalakas na yung boses niya sa pagkakataong iyon, lero nanatili akong kalmado, ayokong lumaki 'tong problemang 'to.

"Si Tyler kababata ko! "maiksi kong sagot sa kanya, ayokong makipagtalo sa taong ito.

"Kaya pwede ba Jeus, umalis kana dyan sa daanan.

"At bakit?  Hindi pantayo tapos Ensley"

"Ano pa ba? Ha?  Ano Jeus? Anong gusto mong ipunto ngayon? Na nakipaglandian ako? Ha? At isusumbong mo sa tito mo? "parang awa mo naman oh ipang buean mo ako nakasama at ilang buwan kitang binantayan at sundin lahat ng gusto mo, pero pagkakatqon lang na 'to, sobrang ipinagkakait mo pa sa akin? "umiiyak na ako that time. Hindi ko na nacibtrol yung sarili ko na ibuhos yung sakit na kanina ko pa kinikimkim. Sobrang napaka judgemental niya. Humagulgol ako sa harap niya at ipinangharang ang mga palad ko sa mukha ko para hindi niya makita ang pagiyak at patuloy na pag-agos ng mga luha ko.

"Kung iyan ang gusto mong paniwalaan Ensley then go!  Do what you want to do. Hindi kita pinipigilan, pero once na si tito ang makaharap mo. Huwag mong asahang nasa likod mo ako to save you! "

Nauna na siyang pumasok at sumunod na rin ako. Sa pagkapasok ko nakita ko ulit yung bench na ipinag uupuan ko. Tinungo ko 'yon at umupo. Inilabas ko yung panyo ko at pinunasan yung mga luha ko pero after a minute kusa nanamang bumuhos yung mga luha ko.

"Ayoko na, sobrang nakakasawa na! Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong sitwasyon? Siguro kung tinulungan ko nalang sila nanay at tatay sa amin, siguro wala akong problemang ganito ngayon, pero wala e, no choice ako kundi gamin at pagtiisan ang lahat ng ito. Alam ko kasing ito nalang ang natitirang maipapamana nila nanay at tatay sa akin."

Bigla akong ginanaw ng may malakas na haplos ng hangin sa mga braso ko, nilalamig na ako,kaya pinili ko ng pumasok sa mansyon at magshower at magpalit na. Nakita kong nakabukas ng onti ang pinto ng kwarto ni Jeus na dahilan nanarinig ko ang kanta na galing sa kwarto niya. 

🎼I wanna go back to the time...

Hindi ko na narinig yung mga sumunod na lyrics ng biglang wala na akong narinig dahil siguro ini off na ni taong palaka ang music.

LNagiguilty ako sa mga nangyari, isa lang naman akong katulong sa bahay na ito e at si Jeus ay siya ang amo ko,pero sinumbatan ko 'to pero bakit ganun?  Hindi niya ako kayang isumbong or saktan ni taong palaka, ang akala ko kanina papalayasin na niya ako pero nagkamali ako. Mabait din pala siya kahit papaano.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now