Chapter 61

408 22 0
                                    

Palabas na ako ng mansyon ng Azriel ng nakasalubong ko si Mr. Azriel sa may  salas.

"Oh iha? Si Jeus hindi ba kayo sabay papasok?" Tanong niya sa akin.

"Ahm hindi po e,hindi po ata siya papasok." Sagot ko naman sa kanya.

"Ahm bakit daw?" Tanong ulit ni Mr. Azriel sa akin.

"Hindi ko rin alam sir e, kumatok ako kanina sa room niya kaso sumigaw lang siya na ayaw daw niyang pumasok ngayon." Explain ko.

"Ah sige iha, kakamustahin ko nalang siya mamaya tiyaka andyan si manong, magpahatid ka nalang sa kanya ha." Sambit nito sa akin toyaka ako umalis.

"Sige po sir, salamat po." Paalam ko at nagtungo na sa parking area na kung saan si manong.

"Oh Ensley, asan si taong palaka mo? Anong oras na oh, malelate na kayo." Tanong sa akin ni manong.

"Ahm hindi daw po siya papasok sa ngayon manong, hindi ko po alam kung bkit manong. Kaya tara na po. Hindi na po natin mahihintay iyon." Sagot ko kay manong tiyaka ito tumango at binuksan na ang back door ng kotse toyaka ako pumasok. Oh diba ang sosyal. Sinabi ko na nga lang before kay manong na huwag na ako ihahintulad sa mga amo namin kase pareho lang din kami na empleydo dito sa mansyon na ito.

Pagka hinto ng sasakyan ay nagtilian na ang mga kababaihan na ang akala nila kasama ko si taong palaka. May mga nakahawak na ng cp na nakahanda na para pang picture o pang video para sa pang day nila.

Kaso sorry sila ako lang ang nakasakay ngayon. Pagkababa ko ng kotse naghiyawan ang mga kababaihan at mga binabae tiyaka agad na tumigil noong na realize nilang wala ng ibang bumaba.

"Asan si babe Jeus?"sambit ng isang boses sa gilid.

" wala ata siya?"

"No way!"

"Baka late lang kasi ayaw niyang kasabay itong creepy girl na ito!"

Yan yung mga narinig ko sa paligid ko noong napagtanto na nilang ako lang ang bumaba sa kotse.

Pero wala akong ibang ginawa at hindi ko nalang pinakinggan ang mga sinabi nila at nagtungo sa ako sa loob ng nakayuko. Mahinhin akong naglajad patungo sa second floor na kung saan ang room ko.

Habang naglalakad ako sa corridor may humarang nanaman sa akin na mga kababaihan.

Yungbtatlong babae na naman na sobrang kakapal ng make up.

"Hoy! Asan si babe Jeus?" Pasigaw na tanong ng babaeng nasa gilid na feeling jowa ni taong palaka.

"Hindi ko alam!" Sagot ko.

"Good morning Ensley!" Dinig kong sigaw ng nasa likod ko. Boses ng lalaki. Agad ko itong nilingon at si Tyler pala. Bagay na baga talaga sa kanya ang uniform ng Thompson university. Coat, white t-shirt(inside of his coat), neck tie, korean pans, white shoes(yes white shoes talaga para daw makitang malinis talaga ang mga estudayante dito), tiyaka yung hair style niyang mala Daniel Padilla. 

Nakakalaglag ng panty ang mga ngiti niya, ang cute niya sobra. Kaya mula noong bata pa kami crush ko na siya. To the point na siya nalang lagi ang nasa isip ko.

Lagi siya ang topic ng diary ko.
Gabi-gani akobg nagsusulat hanggang ngayon pero tungkol lahat iyon sa kanya. Mga hiling na kung saan, sana'y makasama ko ulit siya or makita man lang. But these few weeks. Si taong palaka na ang laman ng diary ko. Puro kainisan at nakakagigil na pangyayare.

Hinawakan ni Tyler ang kamay ko tiyaka nagtungo na kami sa classroom ko. Ihahatid nalang daw niya ako. Tinatanong niya kung sino ang mga tatlong babaeng kausap ko kanina. Sinabi ko nalang na nagtatanong lang about sa nangyareng Inter Universities Quiz bee. Agad naman itong naniwala.

Hinatid lang niya ako toyaka nagpunta na rin siya sa engineering building kasi mas maaga ang klase niya kesa sa akin.

Feeling ko magiging boring nanaman itong araw na ito. Araw na kung saan puro aral lang ang mangyayare. Inilabas ko.nlang ang blue na diary ko at tiyaka nagsulat tungkol sa nangyare nanaman kanina na paghawak ni Tyler sa kamay ko.

After 3 minutes dumating na si Mrs. Cruz. Na may hawak na libro

"Ok class, bring out 1 whole sheet of paper."kinabahan ako baka may surprise quiz siya.

" for what ma'am? Tanong ni Eliel."

"For long quiz Mr. Eliel."hindi na ulit nagsalita si Eliel at umupo sito ng nakataas ang paa.

Physics ang topic ng long quiz namin. Kinabahan ako kase ilan lang ang nareview ko kagabi kasi wala akong inaasahang quiz ngayon.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now