Chapter 60

438 23 0
                                    


"Ok ka lang ba?" Tanong sa akin ni Tyler at tiyaka abot ng kamay niya sa akin para maalalayang makatayo.

Akala ko talaga wala na akong pag-asang makatakas sa kanila. Pero buong pagtataka ko na andito ako ngayon yakap yakap ang kaibigan ko ang ultimate crush ko. Nagtataka nga ako e kung bakit bigla siyang nawala ng ilang linggo. Sobrang lungkot ng mga araw ko noon pero medyo umo ok din ako noong nakilala ko si Velly na halos bestfriend ko na kung ituturing kahit ioang araw pa.kami nagkakilala at ang pagiging malapit namin nina Jaycer at Eliel sa isa't-isa.

Bata palang ako ay si Tyler na ang lagi kong kasa-kasama sa school noong nag-aaral palang ako ng elementary sa public school sa amin. Ilang beses na rin niya ako ipinagtanggol. At tiyaka kilala na rin siya nila nanay at tatay dahil sa palagi itong dumadalaw sa bahay. Madadaanan kasi nila Tyler ang bahay namin kapag uuwi siya galing school kaya isinasakay na nioa ako at idinadaan sa bahay and minsan pinapapasok ko pa muna siya sa bahay para magkape. Paborito kase niya ang kape na asukal at purong kape lang. Puro daw kasi gatas at chocolate ang nasa bahay nila. First time niyang uminom ng kape sa amin. Buti nalang at  mabait ang driver niyang si manong Freddie, kung hindi noon pa ito naisumbong sa mga pinaggagawa niya.

Laging business lang ang inaatupag ng parents niya. Laging wala sa bahay, laging magbibirthday na puro kasambahay lamang ang kasama. Yes! Lagi siyang nagkukwento sa akin. Yung tipong sasabihan ako ng ang "swerto mo kasi kumpleto kayo lagi kumain at mahal na mahal ka ng mga magulang kmo. Hindi ka pinagdadamutan ng oras at atensyon. Sa totoo lang Ensley naiinggit ako sayo. Hindi ko naman kasi kaioangan itong mga 'to e. Itong mga bagay at kayamanan na ito. Ang kailangan ko ay pagmamahal ng magulang."

Napatitig ako sa kanya nun, nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad kung gaano niya kagusto maramdaman ang pagmamahal ng magulang.

"Pero alam mo Tyler, ginagawa lang naman nila iyon e para sa kinabukasan mo." Qsagot ko sa kanya.

"Yung atensyon? Pagmamahal?at pag-aaruga? Kaya bang bayaran ng pera yun?diba hindi?" Wala na akong nagawa at tumahimik nalang kasi may point naman siya doon e.

                      -Flashback-

Grade 2 kami noong unang nakilala ko si Tyler. Nakaupo ko noon sa silong ng mangga ng may narinig akong kaluskos ng mga plastic. Hinanap ko ang ingay na iyon na nakita ko ang isang batang mataba na kumakain ng chocolate. Sobrang dungis niya noon. Then ang dami na rin niyang nabuksang tinapay at may iilang lunch box na nakalagay sa tabi niya.

"Uy!" Tawag ko sa kanya kaso hindi niya ako narinig.

"Uy bata!" Tawag ko ulit sa kanya at yun! Narinig na niya ako.

"Why?" Sagot niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dyan? Marami namang silong ng mangga, may canteen naman tayo at marami tayong kubo dito na pwede mong pagkainan. Pero bakit dyan ka sa liblib kumakain?

" wala nahihiya lang ako. Baka makita nila ako kung paano kumain."explain niya sa akin.

"E ano naman kung makita ka nila?" Sagot ko sa kanya.

"Hindi ka ba nadudugyutan sa akin?"

"Ahm hindi! Bakit namn ako madudugyutan sayo?

" weh"asar niya sa akin.

"Hindi nga, by the way pwede bang maki upo?" Paalam ko sa kanya.

"Pwedeng pwede!upo kana." Pagkukumbinsi niya sa akin.

"Salamat!" Sagot ko naman.

" no problem. Gusto mo?"tiyaka abot niya sa akin ng cake na naka lunch box.

"Wow, masarap yan diba?" Hanga ko noong nakita ko ang iniaabot niya sa akin.

"Sayo na yan, masarap gawa ni mama."

Agad ko namang kinuha ang inaabot niyang cake sa akin at tiyaka mabilis ko itong binuksan para matikman na. First ko lang kasi makakain ng ganito. Siguro hindi lang naman ako ang nag-iisa e at alam kong marami ding mga kabataang katulad ko na isa sa mga nangangarap na makakain ng ganito kasarap na pagkain na kung saan nagpupursigi kami sa pag-aaral.

"Ang sarap... " sasabihin ko sanana ang pangalan niya kaso nareqlize ko hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.

"Ahmm Tyler!" Agad naman niyang sagot.

"Ang sarap Tyler."

"Sabi ko kasi sayo e."

Thompson UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon