Chapter 44

529 32 2
                                    

(Ensley POV)
Lunes na ngayon,then it's a normal day for me, no worries,no problems and most especially there's no something that will distract my fresh mind today. Wala lang, diko kase kasabay si taong palakang pumasok ngayon, sabi ng tito niya ay nauna na raw siyang pumasok kaya ipinahatid nalang ako ni Mr. Azriel.

Sa paglalakad ko, nakasalubong ko sina Jaycer at Eliel, pero to be honest natulala ako sa kagwapuhan ni Jaycer, supeeeeeeeeer dupeeeer pogi kasi niya,hindi ko maexplain. Sa suot niyang long sleeves na plain white at naka tack in ito sa black pans niya then naka fold yung dulo ng pants niya na dahilan ng pagkalantad ng kaputihan ng paa niya. Idagdag mo pa yung brown shoes niya na balat na sobrang bagay na bagay sa suot niya. His hair style that looks cool and his lips looks like a color of roses in Azriel's garden. Basta wala na akong ibang masabi, sobrang gwapo niyaaaaa.  At si Eliel naman, wala ka ng masabi sa kanya kasi sanay na ang mga tao sa kgwapuhan niya, hindi na yun bago sa kaalaman at tingin ng lahat. And I admit it.

"Sana all may dating" sambit ko ng pabulong,pero medyo nalakasan ko ata kase nagtanong si Jaycer bigla sa akin.

"Ano yun Ensley?" tanong sa akin ni Jaycer.

"Ahm wala, nagmememorize lang ako, may long quiz kasi tayo mamaya." palusot ko kahit wala naman talaga.

"Long quiz?  E wala namang naiaanounce si Ms. Ruts sa atin last week ha? " pagtatakang tanong sa akin ni Jaycer.

" oo nga, then wala ka nga ng halos 2 weeks,tapos paano mo nalaman or saan mo nakalap yang balitang yan?"sambit naman ni Eliel.

"Ah wala, joke lang yun, ene be! " sabay palo sa kanila, tapos tumawa nalang ako ng malakas para malibang sila at makalimutan nila yung nakakahiyang nagawa ko.

"uy tara na pasok na tayo, then it's monday and we have a flag ceremony, then siguradong matatagalan nanaman ito kasi every Monday naman you know na, maraming announcement si madam Principal." mahaba kong explanation sa kanila,trip ko lang mag speech. Hahahaha.

"tara"aya ni Eliel sa amin.

"uy congrats pala ulit Ensley."sabi sa akin ni Jaycer na muntikan ko ng hindi maintindihan sa sobrang hina at mahinhin niyang boses.

"salamat Jaycer, I did my best lang naman e, kasi respinsibilidad kase talaga namin ni taong palaka yun e,na gawin yung best namin at gawing proud ang school na pinanggalingan namin,and yun nga sobrang overwhelmed ako sa nangyare at sa achievement na nakuha namin ni taong palaka, napalitan na din sa wakas yung mga puyat at mga sakripisyo naming dalawa at sa school na walang sawang ibigay ang full support sa amin, sa part palang na 'yon ay panalong panalo na kami. "nagspeech nanaman ako kay Jaycer at si Eliel tamang kinig lang sa amin habang sabay na naglalakad with us.

Nasa harap na kami ng pinto ng classroom and si taong palaka agad ang nakita ko, nakasimangot at mukhang may konting nakakairitang tingin ang mga titig niya sa akin, siya ang una kong nakita sa loob ng classroom dahil nasa harap siya ng pintuan, diko alam kung bakit kasi inililipat naman siya sa harap pero ayaw talaga niya. Gusto lang niyang nasa likod palagi. Wala namang magawa ang mga teachers namin kaya pinapayagan nalang siya. Every month may sitting arrangement na nagaganap pero si taong palaka na animo batas ay siya lang ang hindi naililipat. Ang mga magiging katabi niya lang ang napapalitan. Pero parang hangin lang naman din si taong palaka if you've given a chance to be a seatmate of Mr.  Azriel e. Walang usap, walang chismisan basta wala at walang tinginin in short mind your own business. Magsasalita lang yung taong yun if turn na niya ang magsalita kung kakausapin siya ng teacher or kung leader siya ng group,siyempre kailangan niyang ilead yung grupo niya. Kase kahit ganoon siya ayaw niyang nahuhuli. Hindi naman niya sinasabi pero halata sa mga galaw niya. Laging top or minsan pangalawa siya sa highest score. Ahmm yes kase minsan ako yung laging nagtatop sa mga quizes and exams. Hindi sa pagmamayabang pero talagang may utak naman talaga ako kahit ang pangit ko raw at ako ang pinaka manang tignan sa batch namin and sabihin nalang natin sa buong campus. Kasi ang baba sobra ng palda ko at ang lobo naman ng blouse ko. Then yung buhok ko, maayos naman siya pero laging nakatali hindi katulad ng mga estudyante dito na nakalugay para kitang-kita yung maganda nilang buhok. At yung paglalakad ko sobrang bilis hindi katulad nila na ang hinhin,then ang ingay ko rin. Basta ganun yung personality ko and I will never change that personality that I have.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now